Pagho-host ng talent search na Top Class, pay forward mission para kay Catriona Gray

Right photo: Top Class host Catriona Gray (second from left) with Kumu commercial officer Luis Paolo Pineda (leftmost), Cornerstone Entertainment president Erickson Raymundo (third from left), and Cornerstone vice president Jeffrey Vadillo (rightmost) during the three-way partnership contract signing earlier this month.

Photos: @catriona_gray

Right photo: Top Class host Catriona Gray (second from left) with Kumu commercial officer Luis Paolo Pineda (leftmost), Cornerstone Entertainment president Erickson Raymundo (third from left), and Cornerstone vice president Jeffrey Vadillo (rightmost) during the three-way partnership contract signing earlier this month.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang napiling mag-host ng Top Class, The Rise To P-Pop Stardom, isang talent search na binuo ng three-way partnership among Kumu, TV5, at ng Cornerstone Entertainment, a ng management group na namamahala rin ng career ng Fil-Aussie beauty queen.

Thirty talented male aspirants ang magiging  "students" ng show and from among them as sasala ng final five "graduates." These five boys will make up the next Filipino all-male pop group. Sa Kumu magaganap ang mga online auditions habang sa TV 5 naman ipalalabas ang actual show.

Ayon kay Cornerstone vice president Jeffrey Vadillo, their three-way partnership is really looking to a “comprehensive career plan” kung sino man ang mga mananalo ultimately sa kanilang search.

“They’’ have training, there are mentors...lahat ng mga kinuha namin katulad ni Cat, ay mga personalities na naniniwala kaming makakatulong talaga para ma-develop sila as talents,” ani Mr. Vadillo during the contract signing for the talent show.

“But aside from that, even the prizes, which we will announce as we go along, and the training and all the others things they’d get after the show, hinanda din namin para magkaraoon sila ng malaking tsansa para talaga magtagumpay bilang isang pop group. So, hindi siya natatapos sa show.

“Ang isang artista, iyan ay isang process at isang process lang ang Top Class,” dagdag paliwanag pa ni Cornerstone VP Vadillo. “Hindi siya nabubuo sa isang show. Kaya noong nag-partner kami sa Kumu, nandito kami talaga for the long haul kasi bukod sa maka-create kami ng show na magiging entertaining sa viewers at makaka-train ng bagong artists, gusto din naming tumulong na maka-create ng bagong artista na magli-lift ng standards natin as Filipinos, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo at kasama namin si Kumu doon. It’s a long plan. Magtutulungan kami.”

And ayon din kay Mr. Vadillo, Catriona is the perfect host for the show hindi lang dahil talent nila ito sa Cornerstone kundi dahil alam nilang nasa puso nito ang pagtulong.

“Ang maganda kasi talaga kay Catriona, may puso siya sa pagsuporta sa ibang mga talento,” ani VP Vadilla. “Nakasama na namin siya sa matagal na panahon. Ang maganda sa kanya, alam ko ang dami na niyang na-achieve bilang siya pero lagi siyang nakatingin kung paano makatulong sa ibang tao...lagi syang nandiyan para magbigay ng advise, magbigay ng suporta...

“So, sa akin, nong ipinakilala namin sa kanya ’yong concept ng show na ’to, ’yong idea na magbi-build ka ng isang talento from scratch at ite-train sila, bibigyan sila ng platform...’yong idea na ’yon, nagustuhan ni Cat ’yon kasi ganoon siya. Gusto niyang tumulong.

“At bilang host ng show na ito, it gives her that opportunity to really help other people.”

At ayon nga mismo kay Catriona, being

part of another person’s journey to success ang talagang nilu-look forward niyang mangyari through Top Class.

It’s also her way, she says, of honoring the people na tumulong din sa kanya noon.

“Excited ako, I really embrace the opportunity to be part of someone’s journey because I really acknowledge din the people who were there for me, who trained me, mentored me, allowed me to have the experience that I did, to reach  the successes that I did,” lahad ng singer-beauty queen.

“I would not have been able to achieve all of that without these people. It wasn’t just me. And now, to be able to be a part of as show that I will also be one of those people that helps other people to reach their dream, I think that’s a really fulfilling thing to be able to be a part of. So, I really look forward to that.”

At dahil beterana na siya sa pagharap sa tao, may mga advise ba siyang maibabahagi sa mga auditionees bilang paunang tulong?

“Really prepare...prepare for what you want to show off or showcase,” aniya. “Try to make your video quality as nice as possible  and also just try to be unique.

“Because I can only imagine, there will be so many talented Pinoys auditioning for Top Class. What is going to set you apart?”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.