Pagiging “in a relationship” ni Ryan Bang, si Vice Ganda ang unang sinabihan

Gusto raw ni Ryan Bang na si Vice Ganda talaga ang unang makaalam na may girlfriend siya dahil ito ang nagsisilbing nanay-nanayan niya. "S'yempre, gusto ko ikaw unang makakaalam, Mommy. Sobra kong saya kasi ang tagal kong naging single tapos ngayon… Thank you so much sa support n'yo sa pag-ibig ko. Mahal na mahal ko kayo, Showtime," lahad niya.

SCREENSHOT: ABS-CBN Entertainment on YouTube

Gusto raw ni Ryan Bang na si Vice Ganda talaga ang unang makaalam na may girlfriend siya dahil ito ang nagsisilbing nanay-nanayan niya. "S'yempre, gusto ko ikaw unang makakaalam, Mommy. Sobra kong saya kasi ang tagal kong naging single tapos ngayon… Thank you so much sa support n'yo sa pag-ibig ko. Mahal na mahal ko kayo, Showtime," lahad niya.

Nagbunga na ang panunuyo ng comedian-TV host na si Ryan Bang sa kanyang nililigawan dahil sa wakas ay sinagot na siya nito.

Iyan ang masayang announcement n'ya sa episode ng Kapamilya noontime program na It's Showtime kahapon, August 29.

Tinukso kasi siya nang very slight ng co-host na si Kim Chiu sa singer-songwriter na si Yeng Constantino habang ang kanta nitong "Chinito" ang nagsisilbi nilang background music.

"Ano 'yan, Pinoy Dream Academy. Very first... Hawak Kamay. 'Di ba, Ryan?" pasimpleng biro ni Kim. 

(Very vocal kasi itong si Ryan na isa si Yeng sa mga nam-busted sa kanya noon.)

"Oo nga pala. Konektado nga pala sila ni Yeng," sakay naman ni Vice Ganda sa hirit ni Kim. 

Kasunod nito ay inudyukan ni Vice si Ryan na sabihin na sa lahat na "in a relationship" na ang status ng puso niya. Ayaw daw kasi niyang pangunahan ang Koreanong kaibigan.

"S'yempre, gusto kong sabihin sa aking Showtime family, sa harap ni mommy, daddy, at kayo, kuya ko, ate ko, T'yang...may girlfriend na ako!” masayang anunsyo ni Ryan.

Ikinatuwa ng kanyang co-hosts ang pangyayari at napa-group hug pa sila sa saya. 

Ayon naman kay Vice, sa kanya raw unang ipinaalam ni Ryan na sinagot na ito ng kanyang nililigawan. 

"Ang saya-saya. Alam mo kahapon, ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos nag-text siya [Ryan] sa'kin," tsika ng Unkabogable Star.

"Ang saya-saya niya, sabi n'ya, 'Mommy, ikaw una kong sasabihan.' Tapos tinawagan ko s'ya, umiiyak s'ya," dagdag pa niya.

Sey naman ni Ryan, gusto n'yang si Vice daw talaga ang unang makaalam lalo na't ito ang nagsisilbing nanay-nanayan niya.

"S'yempre, gusto ko ikaw unang makakaalam, Mommy. Sobra kong saya kasi ang tagal kong naging single tapos ngayon… Thank you so much sa support n'yo sa pag-ibig ko. Mahal na mahal ko kayo, Showtime," lahad niya.

Matatandaang sinabi ni Ryan sa interview niya sa Fast Talk With Boy Abunda na pinaghandaan na rin niya ang pagkakaroon ng pamilya.

Nakapag-ipon na raw siya for his future family dito sa Pilipinas. 

"Nakaipon na ako, Tito Boy. Bata pa lang, sinabi mo sa akin, 'Ryan, mag-ipon ka.' Ngayon, nakaipon na ako, Tito Boy," pagbabahagi sa Kapuso talk show.

"I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina," pagtatapos niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ryan Bang, gustong maging leading lady si Annette Gozon; “Mukha s’yang Korean. Bagay kami.”

Ryan Bang helps viral Korean ramen vendor in Las Piñas go home to South Korea

Ryan Bang clarifies and apologizes for now-deleted tweet about Irene from K-Pop girl group Red Velvet

Ryan Bang, hinalikan ni Angelica Panganiban

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.