Pagiging PDA nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, pagpapaka-totoo lang daw

Napa-amin ang DiegsBie couple (Diego Loyzaga at Barbie Imperial) tungkol sa actual date ng kanilang coupling anniversary. December 11 daw. Kaya tuloy magsisilbing anniversary gift nila ang pag-i-streaming ng first movie tandem nilang Dulo sa Vivamax.

Photos: Vivamax / @diegoloyzaga

Napa-amin ang DiegsBie couple (Diego Loyzaga at Barbie Imperial) tungkol sa actual date ng kanilang coupling anniversary. December 11 daw. Kaya tuloy magsisilbing anniversary gift nila ang pag-i-streaming ng first movie tandem nilang Dulo sa Vivamax.

Ang veteran showbiz writer na si Aster Amoyo ang naglahad ng obserbasyon ng marami tungkol sa no-holds-barred ka-sweet-an ng DiegsBie couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa digital media conference ng first movie teamup nilang Dulo kamakailan.

Bukod kasi sa nilalanggam sila sa pagpi-PDA (public Display of Affection) habang nagme-mediacon ay gayun din naman ang nakikita sa kanila sa kani-kanilang social media accounts.

But according sa lovebirds, napag-usapan nila iyon even early on in their relationship—na magpapaka-totoo sila.

It’s a breath of fresh air para kay Barbie dahil hindi naman daw siya ganoon ka-showy dati. But Diego changed that.

“Well, before talagang ayaw ko na parang alam ng mga tao kasi baka magulo, baka hindi ma-gets ng boyfriend, ganyan,” esplika niya. “Pero si Diego naman kasi, sobrang naiintindihan n’ya lahat. As in lahat naiintindihan niya.”

Na-realize daw niya na masarap pala sa feeling pag proud sa’yo ang mahal mo ’yung malaya mo rin siyang maipagmalaki.

“Saka ako rin, mas gusto ko na pinapakita sa tao kung sino ’yong taong mahal ko o paano ako magmahal. Saka masarap din ’yong kapag hindi ka tinatago.”

Diego took us all back to the days na bago palang ang mag-iisang taon nilang relasyon,

“I remember, may usapan kami no’ng bago palang kami...nagka-agree-han kaming dalawa na we’re both at a part of our lives na if ever nga na may ide-date kami, gusto namin ’yong walang restrictions...without any parang takot na, ‘What if hindi tayo mag-work out tapos maba-bash tayo, tapos ang daming magko-comment?’”

According to Diego, tinanggal nila ang stress ng pago-overthink sa kung ano ang mangyayari sa future and just focused on the now. Sinet-aside na rin nila ang mga sasabihin ng tao para hindi maka-apekto sa mga nais nilang ikilos.

“Parang it should have no boundaries kung magmamahaln tayong dalawa. Whether it works out or not. Pero s’yempre, doon tayo sa magwo-work out di ba?”

“Sana naman,” natatawang singit ni Barbie.

“Let’s be true,” patuloy ni Diego. “E, ang hirap kasing maging totoo na parang ang dami mong tinatago parati...bawal lumabas dito, parang, ‘Makikita tayo ng mga tao.’ Ayon, so we both accepted na maging real, maging totoo lang.”

Samantala, matapos iyon ay sumundot si Ms. Amoyo ng lambing sa lovebirds kung ano raw ba ang actual date ng kanilang anniversary.

“December last year,” ani Barbie.

“November, nanliligaw ako sa kanya, December naging official,” dagdag ni Diego.

Pero ayaw pa rin nilang ibigay ang eksaktong date.

“Nao-awkward po kasi kami pag may nagi-greet sa amin ng ‘Happy Monthsary’ na mga fans...pero sige po, ah  December 32. Joke lang po!” sabay tawa sa sarili niyang joke.

Kalaunan ay binigay din nila ang exact date,

“December 11,” ani Barbie. “Tapos showing ng Dulo, December 10.”

Magsisilbi palang first anniversary gift nila ang Dulo movie nila.

At dahil nag-throwback na rin lang, tinanong na rin ni Ms. Amoyo kung ano ang nagpatibok sa puso nila sa isa’t isa.

Diego offered to answer first:

“Consistent naman ako sa mga interviews ko, sinasabi ko na ang nakita ko kay Bie is ’yong kaya niyang...Okay, sinabi ko na if ever I date I girl, gusto ko na I can see her as the mother of my children. Kailangan may ganoon siyang factor.

“And nakita ko ’yon kay Bie, e. ’No’ng nanliligaw palang ako sa kanya., nakita ko how organized she is as a person lalo na when it comes to work...”

Tila natutunaw naman si Barbie sa sinasabi ng nobya at medyo nahiya ito.

“Hindi totoo,” patuloy ni Diego. “Tumatawa yan pero totoo yan, totoo yan. Hindi lang niya kayang tanggapin ng straight face. Pero totoo. Sobrang... what’s the term, maternal?  Sobrang caring n’ya like a mom. So ’yon ang isa sa mga nagustuhan ko.”

Barbie, for her part, says na much appreciated niya ang pagiging totoo at pagiging deadma ni Diego sa nakaraan niya.

“Sobrang totoo niya po as in... parang ’yong sobrang nagustuhan ko sa kanya nang mas nakilala ko siya, parang wala siyang pakialam sa kung ano ’yong past mo o ’yong mga mali na decisions na nagawa ko noon, ganito-ganyan...

“Siya ’yong tao na parang hindi ka takot na sabihin sa kanya kung ano ’yong naging...’yong mga mabigat, ’yong mga nakakahiyang sabihin? Kasi parang tatanggapin ka niya at hindi ka niya ida-judege base sa past mo.”

“And sobrang maalaga niya po,” pahabol niya. “Maalaga po siya. Sobra.”

Anyway, excited na ang mag-sweetheart sa nalalapit na showing ng kanilang romantic-drama film na Dulo kung saan mag-dyowa din ang role nila.

Intense hindi lang ang mga love scenes nila kundi maging ang mga confrontation scenes. Nakaka-excite panoorin lalo pa’t first team-up nila ito ever. Not only do they look good together at base sa trailer, nagkadalahan sila ng acting dito.

Well, sabi nga ni Barbie, alam niyang magaling na aktor ang boyfriend niya at tinapatan daw niyan dahil ayaw niyang patalo. Haha!

Dulo is streaming on Vivamax on December 10.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.