Pagkatapos ng nag-viral nilang renewal of vows ceremony, Melai Cantiveros at Jason Francisco, binalikan naman ang panahong nagkahiwalay sila

PHOTOS: @mrandmrsfrancisco on Instagram

PHOTOS: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Nag-renew ng wedding vows ang celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco during their 7th anniversary last December 9.

Naganap ang seremonyas sa morning talk show na Magandang Buhay, kung saan isa si Melai sa mga host kasama sina Jolina Magdangal at Karla Estrada

At dahil may on-going pandemic, through Zoom naganap ang renewal of vows. It was officiated by Fr. Rogie Castellano na nasa New York, USA; habang nasa studio set ng TV show naman ang mag-asawa. He was the same priest pala kasi na nagkasal sa kanila sa General Santos City noong 2013.

Samantala, nag-viral pa ang naging vows ni Melai dahil naging komedi ito. Bukod sa magagandang pangako, ay hinaluan niya ito ng lyrics ng mga kanta ng paborito niyang K-pop group na Blackpink at BTS gaya ng How You Like That at Dynamite. Hindi ito nakaligtas sa pandinig ng mga K-pop fans din na kagaya niya.

Nang matapos ang ceremony ay direstso tsikahan na ang mga momshies (hosts) na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai, na ang topic s’yempre ay tungkol sa naging pagsasama ni Melai at Jason sa loob ng pitong taon.

Dito inamin ng aktor na hindi s'ya handang magpakasal noon. Ibang klaseng commitment na daw kasi 'yon at hindi na tulad ng magkasintahan lang na nagkukulitan tulad ng ginagawa nila noon sa Bahay ni Kuya during their Pinoy Big Brother days. 

"Hindi pa ako ready magpakasal nu'n," pag-amin ni Jason sa show na tila ikinagulat ni Melai nang slight. 

"Parang pinikot lang kita..." natatawang komento ni naman n'ya sa sinabi ng kanyang mister.

"Ang istorya n'yan, pinagplanuhan naman natin, 'di ba, na gumawa ng baby?" balik na tanong ni Jason kay Melai. "Nauna lang s'ya. May ibang rason din 'yon. 

"Bilang isang Katoliko," baling n'ya kina Jolina at Karla, "respeto sa kanyang magulang... e gusto na agad [kami] ikasal bago ilabas [ang baby]. 

Kung si Jason daw kasi ang masusunod, mas gusto n'ya daw na unahin muna ang kapakanan ng baby nila bago sila tuluyang lumagay sa tahimik.

"E, s'yempre, ako, gusto ko lahat pinaplano ko," paliwanag pa n'ya. "Nu'ng time na 'yon, okey lang naman na magka-baby kami. Kaso nga, nasa isip ko hindi pa sana ito 'yong right time na magpakasal. Parang kailangan ko munang i-clear ang isip ko at dapat desidido na ako. 

"E, mapupunta din tayo du'n kaso nu'ng time na 'yon parang hindi pa 'yon talaga. Parang nirespeto ko 'yong kanyang pamilya."

Ipina-describe din ni Karla ang bawat taon ng pagsasama ni Melai at Jason sa kanilang seven-year marriage. Dito na naungkat ang naging hiwalayan nila noong ikatlong taon ng kanilang pagsasama, way back 2016. 

"Third year, ito 'yong nagkakasagasa na 'yong aming personal na buhay at sa trabaho," lahad ni Jason sa show. "Ito 'yong parang mga bagay na dapat ay kami lang ang nakakaalam. Pero s'yempre... 

"Akala natin nga kilala natin ang isa't isa,'di ba?" sey pa n'ya sa misis n'yang si Melai. "Parang 'yon. Kumbaga ay parang honest ano naman 'yon, mistake. Kumbaga, 'yun 'yong time na... ang pinakapangit na time 'yon. Ayoko na maisip."

Natanong naman ni Jolina kung ito ba 'yong panahong gusto na nilang bumitaw sa isa't isa. 

"Nabitawan na," sagot naman ni Melai. 

"Bitaw na. Talagang bumitaw,"dagdag naman ni Jason. 

"Ito 'yong Bohol days. Ito 'yong We Will Survive days. Ito 'yong time talaga na nag-Mindoro na s'ya [Jason]. Ako naman, I have to live my life," pagbabahagi pa ni Melai.

Matatandaang nagkalabuan ang dalawa na nag-ugat daw sa pagkakaroon ni Melai ng partner sa TV series na We Will Survive na nauwi daw sa hindi pagkakaunawanan at lumalang tampuhan. 

Mabuti na lang daw at hindi na mayadong lumaki pa ang naging problema nila dahil wala naman daw nanghimasok at nagkomento sa kanilang mga kaibigan. 

"Wala naman," ani Melai. "Alam ko kasi ang pinanggalingan at alam ko ang kahihinatnan

"So ngayon, may mga bagay na hindi nagawa pero hindi mo na mababalik. Alam ko sa sarili ko kasi kilala ko s'ya [Jason], e. Kilala ko s'ya bilang husband ko. Kilala din n'ya ako bilang asawa n'ya. So alam ko kung papano s'ya i-solve and I need time para i-solve 'yon. 

Pagpapatuloy n'ya: "Kaya kami, talagang, 'Thank You, Lord.' Wala lang talagang sumuko sa 'min nu'ng nag-rock and roll [ang pagsasama namin]. 'Di ba, grabe ha. Pa-fourth year pa lang namin pa-rock and roll na kami. Pero kasi naniniwala talaga kami na kapag si Lord talaga ang kasama ninyo sa inyong relasyon, walang makakatibag sa inyo. 

"Marami kang mariring na opinyon. Kaliwa't kanan. Pero kahit marami kang [naririnig], naa-appreciate mo dahil mahal ka nila kaya ina-advice-an ka nila. Pero alam mo sa sarili mo kung paano mo iso-solve ang problema."

At nalagpasan nga nila ang chapter na 'yon ng kanilang buhay may-asawa. 

"Fourth year is very kabaliktaran naman ng rock and roll," paglalarawan naman ni Jason. "Ito 'yong tinatawag na second chance. Masasabi ko 'to, bakit? Parang ito kasi 'yong nangyari na nagsimula kami ulit. Kumbaga lahat is nagsimula nang malinis. 

"'Yong second chance, s'yempre, napakagandang pakinggan kasi nga lahat talaga is may chance...

"Kaya nu'ng fourth year anniversary natin napakasaya ko," sey naman n'ya kay Melai. "Bumalik tayo sa dati na alam na natin ang lahat. Napakasaya. Tapos may anak pa tayong dalawa."

Sambot naman ni Melai sa sinabi ni Jason: "Thankful din naman ako sa husband ko na sobrang dedicated s'ya sa amin."

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Melai Cantiveros posts the funniest wedding anniversary message for husband Jason Francisco

Melai Cantiveros defends PBB housemate’s mother after receiving online backlash

Melai Cantiveros discreetly donates relief goods to Mindanao quake victims

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.