Pagta-topless ni Joshua Garcia sa Darna, hindi lang isang beses

At dahil pumayag mag-topless sa Darna, pinaghandaan daw ito ni Joshua Garcia at aminado siyang hindi raw siya nadalian.“ Nahirapan lang ako sa preparations. Medyo nagbuhat ako nang kaunti. Kaunti lang. Hindi talaga ako sanay na nagbubuhat.”

Photos: Screengrab from Darna trailer / @garciajoshuae

At dahil pumayag mag-topless sa Darna, pinaghandaan daw ito ni Joshua Garcia at aminado siyang hindi raw siya nadalian.“ Nahirapan lang ako sa preparations. Medyo nagbuhat ako nang kaunti. Kaunti lang. Hindi talaga ako sanay na nagbubuhat.”

Naka-quarantine sina Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla kaya through zoom na lang sila nakita ng mga Darna co-stars nila at maging ng mga invited media/vloggers sa ginanap na face-to-face grand mediacon ng Darna series nitong Lunes ng gabi sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ayon sa nalaman namin ay nag-positive sa COVID 19 ang dalawang aktor nitong nakaraang linggo at kaswal naman ding sinabi ito ni Joshua na nagpapagaling siya.

Mukhang may private joke sina Joshua at Direk Chito Roño dahil ang tanong ng huli sa kanya ay: “Did you miss me, Joshua?”

“Of course, I miss you, Direk,” kaagad namang sagot ng aktor.

Naganap ang singit na kumustahan nina Joshua at Direk Chito habang nagkukuwento si Jane de Leon ng first-day shooting experience with the veteran director.

Ani Jane, nanginginig daw siya sa takot noong una pero kalaunan ay naging parang tatay na niya ito. Nahihingan pa nga raw niya ng pera na pambili ng meryendang tenga ng baboy at inumin dahil wala umano siyang dalang pera.

At dito na nga isiningit ni Direk Chito kung nami-miss siya ni Joshua na leading man ni Jane sa Darna.

Maganda ang ngiti ng aktor nang sagutin niya si Direk Chito at inamin din niyang natakot siya nang malamang ito ang makakatrabaho niyang direktor.  Nagtanung-tanong daw kaagad siya sa mga kakilalang nai-direk na ng premyadong direktor kung paano ito sa set.

Sabi pa ng aktor na malaking karangalang makatrabaho ang isang Direk Chito Roño at babaunin daw niya forever ang mga natutunan niya sa Darna.

Samantala, may topless scene ang aktor—na agad nag-viral—sa series kaya natanong kung paano siya napapayag dito. Inaabangan tuloy kung mae-extend ba ang pagta-topless niyang iyong sa mga trending TikTok dance videos niya. 

“Na-convince ako kasi nasa tamang edad na rin naman ako and hindi naman sa sobrang laswa na ipapakita ko ’yun. Topless lang. Okay lang naman,” paliwanag niya sa press.

“Nahirapan lang ako sa preparations. Medyo nagbuhat ako nang kaunti. Kaunti lang. Hindi talaga ako sanay na nagbubuhat. Saka nasa tamang edad naman na ako, why not?,” patuloy guwapong aktor.

“Saka kasi labas din siya sa comfort zone ko so why not gawin natin hanggang sa nangyari na. Pagtapos ng isang eksena, sa mga susunod na araw, puro hubad na rin ’yung ibang eksena ko. Hahaha! Usapan isa lang, ah!” tumatawang dagdag-k’wento pa ng aktor.

Gagampanan ni Joshua ang karakter na Brian Robles isang batang pulis at love interest ni Narda.

Kabilang din sa Darna series sina Janella Salvador, Paolo Gumabao, Simon Ibarra, Jeffrey Santos, Eric Fructuoso, JV Kapunan, Richard Quan, Mark Manicad, Yogo, Singh, Marvin Yap, Zeppi Borromeo, Dawn Chang, LA Santos, Viveika Ravanes, Joj Agpangan, at Rio Locsin. 

Handog ng JRB Creatives at mula sa direksyon nina Avel Sunpongco, Benedict Mique, at Chito Roño, nakatakda nang lumipad si Darna sa Lunes, Agosto 15 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at iWantTFC.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Joshua Garcia, “jojowain” daw si Ivana Alawi; sinabihan pang: “Pagaling ka.

Joshua Garcia at Charlie Dizon, kinikilig sa bansag na “Next John Llloyd Cruz at Bea Alonzo” pero “Sana po, makita rin talaga nila kami bilang Charlie at Joshua po.”

Joshua Garcia, leading man o nemesis ni Darna?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.