Nabahiran ng nega ang kasal ni Kapuso comedienne Lovely Abella at Viva artist Benj Manalo dahil lang pagtanggap ng bride ng regalong wedding gown mula sa kaibigan nitong aktres na si Kathryn Bernardo
Nitong Sabado, January 23, ay sinelyuhan na ng long-time partners na sina Lovely at Benj ang kanilang pagmamahalan through an intimate wedding ceremony.
Last June 2019 naganap ang unang pagpo-propose ng Viva actor kay Lovely. At matatandaang nito lang New Year, January 1, ay muling nag-propose si Benj kay Lovely. This time, mas focused ang marriage proposal niya sa 12-year-old daughter ni Lovely na si Crisha para maging official na stepfather na siya nito.
At after three weeks nga mula nu’ng pumasok ang 2021, heto at ikinasal na ang dalawa.
Garden wedding ang naging tema ng kasalan ng celebrity couple na ginanap sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City.
Ayon sa wedding planners na nag-asikaso ng kasal nina Lovely, sampung araw lang daw ang naging preparation para dito.
“‘You make dreams come true.’ - this is what our couple @benj and @lovelyabella_ told us when we were saying our goodbyes and congratulating them,” sey ng Maxine Covar Events sa kanilang Instagram post.
“Was only given ten days to whip up the wedding of their dreams, but with their 100% trust, we were able to conceptualise and put it into reality #BenLy #ManaloNaSiGa.”
Agree naman dito ang Ginger Event Styling team na isa rin sa nag-handle ng kasal nina Lovely at Benj.
“With only 10 days to complete the couple's styling requirements, we knew we had to pull of one of our best styling creations yet just to make their special day with family and friends extra magical,” anito sa IG post.
“The end result? A tear-filled moment from Mrs. Manalo who gushed ‘I feel so loved!’ over the magic of it all!”
Umani ng congratulations at well-wishes ang ang couple mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz at marami ring pumuso sa kanilang mga posts gaya nina Marian Rivera, Iza Calzado, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, Carla Abellana, at iba pa.
Espesyal ang naging wedding gown ni Lovely na regalo sa kanya ni Kapamilya actress Kathryn Bernardo. Naging ka-close n’ya kasi ito nang magkasama sila sa blockbuster na pelikulang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema.
Last January 20, few days before the wedding day, ay nag-post pa sa IG si Lovely para pasalamatan ang aktres.
“Sobrang Thank you My Ga and Ga @janaranilla sa time and effort,” sey ng Bubble Gang actress. “Thank you so much @bernardokath sa napakagandang Gift buti na lang naihabol, salamat super Love you so much @bernardokath Godbless you more.”
Pero imbes na ikatuwan ito ng mga fans ni Kathryn at maki-congratulate kay Lovely ay negatibong reakyon ang inani niya mula sa mga ito.
Lumalabas daw kasi na nakiki-close si Lovely at nanggagamit ng tao para kanyang advantage. May iba ring nag-aakusa na diumano ay siya ang “bantay” nina Kath at Alden Richards, ang kapareha ni Kath sa Hello, Love, Goodbye na malapit kay Lovely dahil pareho silang taga-GMA-7. Pahiwatig ng fans, nirereto niya si Kath at Alden sa likod ng kasintahan nitong si Daniel Padilla.
Kahapon, January 24, ay sinagot ng komedyana, through her Instagram post, ang mga natanggap na negatibong komento mula sa mga fans.
“Heto muna ang ipopost ko, before anything else.. Grabe pala ang bashers noh?” panimula n’ya sa kanya IG post. “Nandudurog ng puso, di mo alam kung sino at anong klaseng tao sila para manghusga...”
Dagdag pahayag pa n’ya, hindi daw n’ya pinangarap na sumikat nang pasukin n’ya ang showbiz dahil ang goal n’ya ay ang kumita para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
“Bago ako magsimula sa industriya di ko pinangarap ang sumikat, pinangrap kung buhayin ang Anak ko at pamilya ko dahil breadwinner ako, sadyang mabait nga talaga siguro ako tulad ng sinasabi ng iba kasi lahat ng mababait na tao nakakasama ko.”
Wala din daw s’yang itinago sa publiko kung ano ang pagkatao n’ya gaya nang nakikita ng publiko sa kanilang mga YouTube vlogs ng mister na niya ngayong si Benj.
“[S]iguro hindi ko hinayaang itago kung ano ang pagkatao ko, No filter ako sabi nga nila, kung ano ang ugali ko yun ang totoo kahit sa mga VLOGS namin kaya magsubscribe na din kayo.”
Paglilinaw pa ng Bubble Gang mainstay, hindi daw s’ya nanggagamit ng tao at hindi n’ya kayang manira ng relasyon.
“[D]i ako marunong manggamit para lang bigyan, at higit sa lahat di maatim ng puso ko na manira ng Relasyon, dahil kahit ano pa mangyari (Kathniel) forever noh.. kahapon nung nakita ko sila kinilig ako salamat bal at my ga sa pgpunta...”
Muli rin n’yang pinasalamatan ang kabaitan ni Kathryn at ang pagreregalo nito ng wedding gown na tinanggihan n’ya daw nu’ng una pero kalaunan ay tinanggap din dahil blessing daw iyon.
“Okay heto na, mabait talaga si Kath saksi ako sa lahat ng yan, at niregalo niya sa akin ang Napakagandang wedding Gown na suot ko kagabi na gawa ni @stephtancouture.
“[S]abi ko My Ga wag na ako na, pero sabi niya regalo daw niya, wag tayong tumatanggi sa blessings yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila maBlessed kaya sabi ko buti NAIHABOL kasi 2 days na lang kasal ko na.”
Pinaalalahanan din n’ya ang mga bashers na gaya ng karaniwang tao ay nasasaktan din silang mga artista sa mga natatanggap na negative comments.
“[D]i ko kailangan magpaliwanag sa inyo, pero gusto ko lang sabhin na tulad ninyo tao din kami, nasasaktan sa panghuhusga ninyo, masakit pero siguro nga kailangan tanggapin dahil nasa industriya ako.
“[P]ero wag kayong ganun, di niyo alam ang mga kwento kaya wag kayong manghusga.. saksi ang aking mga kaibigan na sina @pernellagonzaga at @kelly.harris_ kung gaano ako inalagaan ni kath para gumanda ako sa mismong kasal ko, siya ang nag detalye ng Gown ko at talagang sinama ni si @janaranilla para icheck lahat kung okay sa akin salamat sa time and effort Ga.
“[H]umabol pa yan para lang makita niya kung fit sa akin at maganda sa akin kaya MY GA @bernardokath Thank you for everything, salamat sa mabuti mong PUSO, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot.. Mahal kita kayo ni Bal,” pagtatapos ni Lovely.
Samantala, heto ang ilan pa sa mga kaganapan during their intimate wedding ceremony:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber