Pagtira ni Bela Padilla sa London, ikinaligaya ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay

Pangako ni Bela Padilla na kahit sa London na siya nakatira ay mag-a-update naman siya sa kanyang mga tagahanga. “[N]ow, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video.”

Pangako ni Bela Padilla na kahit sa London na siya nakatira ay mag-a-update naman siya sa kanyang mga tagahanga. “[N]ow, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video.”

Dinagsa ng tanong ng kanyang fans ang aktres na si Bela Padilla matapos n’yang i-anunsyo na sa London na s’ya maninirahan. 

Sinabi n’ya ito sa kanyang Twitter post last November 22 na ikinagulat ng kanyang mga taga-suporta. 

“So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like,” pagbabahagi ng award-winning actress sa kanyang desisyon.

Naging open din si Bela for questions mula sa kanyang fans na sasagutin daw n’ya through a video na ia-upload n’ya soon. 

“[N]ow, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video,” aniya.

Tanong ng kanyang online followers, ano ang mangyayari sa showbiz career n’ya sa Pilipinas kung doon na s’ya titira, at ano naman kaya ang magiging trabaho n’ya doon. 

May ilan namang nagpahayag ng kalungkutan kung hindi na s’ya babalik sa bansa. 

Ikinatuwa naman ng Swiss-Italian boyfriend n’yang si Norman Ben Bay ang kanyang naging pasya dahil mas magkikita daw sila palagi. 

“I’m just happy I get to see a lot more nowadays,” sey ni Norman sa kanyang reply sa tweet ni Bela. 

Nagpahayag din ng pagsuporta ang broadcast journalist at vlogger na si Karen Davila sa desisyon ng aktres. 

“Kudos and good for you Bela! Praying for your success!!! GO GIRL!” pahayag ni Karen. 

At present ay hinihintay pa rin ng netizens ang paliwanag ni Bela sa dahilan kung bakit sa London na n’ya napiling tumira o kung may plano pa ba s’yang ituloy ang pag-aartista.

Although nabanggit naman niya noon na ang isa sa dahilan kaya gusto niyang maglagi sa London ay para mapalapit sa mga kamag-anak sa kanyang British dad’s side.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.