“Very happy,” ang tahasang sagot ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose nang kamustahin namin siya sa kung ano ang estado ng puso niya ngayon.
Makikita naman nga sa aura ni Julie Anne na happy nga siya nang humarap siya sa entertainment press sa ginanap na launching niya bilang celebrity endorser ng Aqua Skin Ph sa B Hotel.
“Siguro I’m in a very happy state. I’m in a very good place right now. That’s what I always say but it’s true, I’m in a very, very good place right now.”
Tinanong din namin si Julie kung napag-uusapan ba nila ni Rayver Cruz kahit papaano kung paano nag-level up na through the years ang kanilang relasyon kasanbay din ng pagle-el ng kanilang following.
Mula pa lang kasi sa Studio 7 show ng GMA-7 noong 2018 ay nakabuo agad sila ng following hanggang naging mag-co-host sila sa The Clash. These days, hindi man nila aminin, ay umabot na sa mas personal level ang kanilang relasyon.
“Actually, yes, opo,” saad ni Julie Anne. “Nakakatuwa kapag may random conversations po, ‘Ang tagal na nating magkakilala...’ and it’s really nice to get to know him more.
“Marami rin akong nadi-discover sa kanya. Nag-start nga kami sa Studio 7 na pinagpi-pair kami. And ever since po talaga, sobrang gaan na ng loob ko sa kanya at gano’n din naman po siya, sabi niya sa akin.
“That’s why siguro po, isa rin ’yon sa mga bagay kung bakit kami nag-jibe, kung bakit kami nag-click talaga.”
Sa kabila ng closeness nilang ito ay muling binigyang-diin ni Julie Anne na si Rayver na lang daw ang tanungin namin sa kung ano talaga ang meron sa kanilang dalawa.
Natawa naman si Julie Anne nang sabihin namin na mukhang proud sa kaseksihan niya si Rayver. Lately kasi ay may mga pa-two piece posts siya sa kanyang Instagram account na ikinamangha ng marami dahil hindi siya pala-post nang ganoon.
Marami ang nagulat sa angkin niyang kaseksihan at mukang kabilang nga doon si Rayver na isa sa mabilis nag-like at nag-reak sa kanyang mga sexy posts.
“Ah, tanungin natin siya,” natatawang sabi niya. “So far, wala naman po siyang violent reaction. And you know, he’s always been so supportive since day one.”
Masaya din si Julie Anne career-wise dahil kahit na nagka-pandemic, masasabing isa siya sa nanatiling matibay ang career.
Katunayan, eto’t may pumasok nga siyang bagong endorsement, ang Aqua Skin Ph, na aminado siyang kamakailan lang niya nasubukang gamitin.
“Kung hindi n’yo po naitatanong, ang amino collagen, wala po siyang lasa,” pag-e-FYI niya sa amin. “So, you can actually mix it sa kahit anong drinks... kahit sa yogurt or sa juice, sa coffee. Ako kasi, mahilig talaga ako sa kape. So, hindi ko lumilipas ang isang araw na hindi ako umiinom ng kape.
“I really can’t wait and try it with coffee. Kanina, na-try ko siya sa tea and wala naman pala talaga siyang lasa.”
Dugtong pa niya: “And ako po, hindi naman ako takot to try new things and I believe, ang Aqua Skin is really good quality [product] from Japan.
“And it’s a supplement din kasi and I have to take care of my skin din.”
Samantala, pagkatapos ng matagumpay na Limitless trilogy concert niya, mukhang mas marami pang aabangan sa kanya ngayon.
“Right now, I’m working on a new track po and it’s gonna be a collaboration with one of the people that I really look up to, ever since.
“I was so, so excited na ma-produce itong track and with this artist. I don’t know if I’m supposed to say na but definitely, malalaman niyo rin naman po sa ibang pagkakataon, p’wede na natin siyang pag-usapan.
“And katatapos lang po ng Limitless trilogy, hopefully, may kasunod ulit. Hopefully another concert and I just came from Boracay for a shoot.”
Ang tinutukoy na Boracay shoot ni Julie Anne ay ang naging guesting niya sa Happy Together ni John Lloyd Cruz at kinumpirma na rin niya na may bago siyang teleserye na gagawin.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber