Palawan birthday trip ni Janine Gutierrez, plinano pala ng bf na si Rayver Cruz at sister niyang si Max

PHOTOS: @janinegutierrez, @rayvercruz, and @lmjdgutierrez on Instagram

PHOTOS: @janinegutierrez, @rayvercruz, and @lmjdgutierrez on Instagram

Masayang ibinahagi ni Janine Gutierrez sa kanyang latest vlog entry na in-upload kahapon, October 12, sa kanyang YouTube channel ang naging birthday experience n'ya sa Palawan amidst the ongoing pandemic. 

Last October 2 kasi, kung kailan birthday ng Kapuso actress, ay nag-post s'ya ng kanyang bikini photo sa Instagram na kinunan mismo sa Entulala Island sa Palawan. 

Sey pa ng aktres sa kanyang IG post, "best day" daw ang araw na 'yon dahil finally ay nakapag-travel siya outside Manila at hindi na "throwback" ang photo n'ya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

best day. finally, not a throwback. thank you for all the greetings 🎂♥️🍰

A post shared by 🌺 JANINE (@janinegutierrez) on

Dahil dito, marami daw nagtanong sa kanya kung paano siya nakapag-travel at ano ang naging experience n'ya sa Palawan gayong may pandemic pa. Kaya naman nag-decide daw s'yang i-share ang mga 'yon through her vlog.  

"For my birthday this year, I have been secretly hoping to go on a trip," pag-amin ng  31-year-old actress sa kanyang YouTube video. "So, for the past two weeks tumitingin ako sa Airbnb [travel mobile app], checking resorts, but kind of just window shopping kasi alam ko na mahirap talaga mag-travel ngayon. And Airbnb is actually weren't accepting guests yet so I kinda like lost hope."

Gayunpaman, ang bf daw n'yang si Rayver Cruz at youngest sister na si Max ang nagplano ng lahat.  

"Parang I was just looking [for resorts] kasi wala lang, pampa-aliw lang," pagpapatuloy ni Janine. "And Rayver kind of had the idea na I wanted to go somewhere because I asked him the week before my birthday kung ano’ng gagawin namin. 

"Baka [mukhang] nagpaparinig ako," natatawang sabi n'ya. "But I was saying it out of... Wala lang. Parang thinking out loud lang. 

"And then he was like, 'O, tara. Plano tayo.' Tapos sabi ko, 'Hindi. Wala na. It's too late.'" 

Paliwanag pa n'ya: "Kasi tsini-check ko 'yong isang resort sa El Nido, 'yong [nasa] Pangulasian [island]. And then, meron kasi silang [available] dates for late October but it was kind of expensive and I don't want to spend [so much]. 

Dito na daw nagsabi si Rayver na nakahanap daw ito ng resort sa El Nido din. 

"Medyo pinatagal ko lang s'ya nang pinatagal hanggang sa nawala na 'yong slot. A few days later, sabi ni Rayver that he actually found a slot for Miniloc which is another resort in El Nido with the help of my sister Max. 

"Tinext daw n'ya si Max na, 'Max, tulungan mo 'ko because Janine wants to go somewhere.' And Max is a really, really good planner so she found these dates na sobrang sakto. October 2 'yong alis, which is my birthday, until October 5."

Noong una ay hindi daw s'ya makapaniwala at ayaw daw n'yang umasa dahil mahirap nga mag-travel sa ngayon. 

"So Rayver told me about it and I was like, 'Totoo ba?' And then he was like, 'Yeah. Game. Tara,'" pag-aaya daw ni Rayver sa kanya. 

"Medyo hindi pa ako naniniwala kasi as a person ayoko talaga umasa kung hindi pa sure. 

"But then, there were these last two rooms available. And then he said na we could go and isasama n'ya si Max."

At dahil kasama daw si Max sa kanilang Palawan travel, nag-decide daw s'ya na isama na din ang dalawa pa nyang kapatid na sina Jessica at Diego.

"And then, I said, 'Kung isasama mo si Max, baka p'wede ko ding isama si Jessica and si Diego? Ako na ang bahala sa kanila,'" sey daw n'ya sa kanyang nobyo. 

Kaya naman laking pasalamat daw ni Janine dahil nakapag-travel sila at naging memorable ang birthday n'ya.
 
"We were so lucky to be able to get these two last slots and everything went out well," aniya.  "And I'm super, super thankful to the universe, to God, and to Rayver and Max for making it possible."

Dahil ongoing pa rin nga ang pandemic, naging mahigpit daw ang health protocol para kina Janine. 

"We travel in what they call a travel bubble," pagbabahagi pa n'ya sa vlog. "We all get tested [for COVID-19] and we travelled on the same date going and the same date back. 

"Tapos hindi full capacity 'yong resort so there were no crowd. Konti lang 'yong tao. Tapos sa room, maximum of two people [lang] so we were given an upgrade on the room [dahil lima kaming lahat]. And then they have a lot of health protocol that is different from pre-pandemic."

Ilan daw sa na-experience nina Janine ay ang required na  pagsagot sa health declaration checklist bago sumakay ng eroplano. 

Kabilang din sa new travel protocol ang pagsusuot ng face mask at face shield habang nasa loob ng eroplano. 

Binigyan din daw sila ng bagong set ng face mask, face shield, at bottle of alcohol pagkadating nila sa airport. 

Dumadaan din daw sila sa dissenfection tent pagkadating nila sa isla, kinunan ng body temperature, at tsinek ang sinagutan nilang health declaration checklist bago sila inihatid sa resort. 

"If your going to the gym, you have to reserve," dagdag pa n'ya sa mga ipinatutupad na health protocol habang nasa isla. "You also need to reserve a slot to the swimming pool. There is only a maximum number people that can swim in the pool at a certain time. And then they dissenfect [the pool area] after that slot."

Naka-pack in containers na din ang food at highly encouraged daw na magpa-room service na lang. 

Pero mas prefer daw nina Janine ang kumain sa labas kaya kinailangan daw nilang mag-reserve pa ng slot. 

"So we would schedule a late lunch or early lunch," k'wento pa ng aktres. "There are two slots for every meal. Late breakfast, early breakfast, late dinner, late dinner. Kasi meron lang ding maximum capacity 'yong clubhouse which is where people eat." 

Wala na rin daw turn down service pagdating sa room kaya walang pumapasok na room attendant sa mga rooms nila para maglinis. Para less contact na din sa ibang tao. 

Pero p'wede naman daw mag-request ng extra towel na ide-deliver sa labas ng room. At dahil wala ng food menu sa rooms, p'wede daw um-order online via Quick Response Code o QR Code.

Required din daw na naka-face mask pa rin sa resort lalo na kapag nasa public places while the staff and tour guides naman daw ay naka-face masks din all the time. 

Helpful naman daw ang staff sa frontdesk ng resort sa pag-aayos ng kanilang itinerary for their water activities such as kayaking, island hopping, and swimming. 

Naging espesyal din ang gabi ni Janine last October 2 sa El Nido dahil kinantahan s'ya ng traditional birthday song hindi lang ng kanyang mga kapatid at bf na si Rayver, kundi maging ng mga staff ng resort habang naka-physical distancing ang mga ito.

Ipinakita rin ng aktres ang naging bonding nilang magkakapatid kasama si Rayver sa kanilang mga sinubukang water activities sa apat na araw nila sa Palawan.

"Slowly, tourism is getting back. But of course, safety first. And I hope this vlog help you a little bit with your questions," pagtatapos ni Janine. 

PANOORIN ang Surprise Birthday Palawan Trip ni Janine Gutierrez dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.