May simpleng tirada ang actress-politician na si Aiko Melendez sa e-commerce giant na Shopee pero kasabay nu’n ay ipinagtanggol n’ya ang kasamahan sa showbiz na si Toni Gonzaga, na siyang latest endorser ng nasabing e-merchant.
Naging top trending topic kasi sa Twitter nitong mga nakaraang araw si Toni matapos itong ipakilala bilang newest brand ambassador ng Shopee.
Umani ito ng samu’t saring reaksyon na ang karamihan ay negatibo at may bahid-pulitika. Muli kasing naglabasan sa social media ang mga bashers ng aktres na nagsimulang mabuhay noong nagpahayag s’ya ng suporta sa kandidatura ni ngayo’y President Bongbong Marcos.
May mga nanawagan na i-boycott ang Shopee dahil sa pagkuha nila kay Toni bilang celebrity endorser. Anila, si Toni ay enabler ng pamilya Marcos na marami pa umanong sala sa bayan.
Marami rin ang nadismaya at nagsabing nag-uninstall na sila ng Shopee app sa kanilang mga cellphones, kabilang na ang veteran actor na si Jaime Fabregas.
Bukod pa dito, may mga tumuligsa din sa Shopee sa pagkuha nila kay Toni bilang endorser gayong kakatapos lang umano nila magbawas ng empleyado.
Dito na naglabas ng kanyang saloobin si QC Counsilor Aiko dahil sa mga negatibong sinasasabi ng ibang bashers laban kay Toni.
Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, October 1, sinabi n’yang hindi tama ang ginawa ng Shopee sa pagtatanggal nito ng mga empleyado pero hindi rin umano tama na tuligsain si Toni ng publiko lalo’y kung may bahid-pulitika pa rin.
“Sana magstick po tayo na mali ang timing ng ginawa Shopee sa pagalis ng mga tauhan nila at pagbabawas. Dahil dipo ito makatao. Pero mali naman ang atakihin nyo ang kinuha nilang endorser dahil iba ang political leanings nya,” pahayag ng konsehalang aktres.
“Ang shopee din lang ang makaka alam na baka kaya kinuha nila si Toni Gonzaga para maisalba also ang sales nila at eventually pag nakabangon sila ihire back ang mga tao. Sana nga ganun ang diskarte nila,” she added.
May dahilan naman daw ang kumpanya kaya si Toni ang kinuha nila bilang bagong endorser.
“Whether we like it or not si Toni is one of top endorsers and kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales. Wag na kayo maging divided para sa isang Company, Maging malawak sana ang pag iisip ng mga tao,” pakiusap pa ni Aiko.
“Sa Shopee nyo icall ang attention nyo dahil sila ang nagalis ng mga empleyado nila and not Toni! #justsaying,” pagtatapos n’ya.
Matatandaang nagpasalamat si Toni sa kanyang fans and even sa bashers sa launching event niya bilang brand ambassador ng Shopee dahil sa pagpapa-trending umano sa kanya sa social media. Nakatulong umano yon sa attention at engagement.
YOU MAY ALSO LIKE:
Imbes na maghanda on her birthday, Aiko Melendez, magpapa-raffle na lang
After Prima Donnas, Aiko Melendez, ayaw nang mag-kontrabida
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber