Panawagan ni Angel Locsin sa mga kapwa niya Kakampink: “Piliin pa rin natin ang Pilipinas.”

Sa kanyang Instagram post kagabi, May 9, ipinahayag ni Angel Locsin sa kanyang fellow Kakampinks na ipinagmamalaki n’ya na ito ang mga naging kasama n’ya sa paglaban para sa pinaniniwalaan nilang lider. “To my fellow Leni volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito. I am proud to have fought with you to the very end,” lahad ng aktres.

PHOTOS: @therealangellocsin on Instagram

Sa kanyang Instagram post kagabi, May 9, ipinahayag ni Angel Locsin sa kanyang fellow Kakampinks na ipinagmamalaki n’ya na ito ang mga naging kasama n’ya sa paglaban para sa pinaniniwalaan nilang lider. “To my fellow Leni volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito. I am proud to have fought with you to the very end,” lahad ng aktres.

Nagbigay ng mensahe si Angel Locsin sa mga kapwa n’ya Kakampink o taga-suporta ni Vice President and presidential candidate Leni Robredo ngayong tapos na ang botohan.

Lumalabas kasi sa bilangan na nangunguna at malaki ang lamang ng katunggali nitong si dating senador Bongbong Marcos (BBM) kaya naman marami sa mga supporters ni VP Leni ang dismayado at malungkot. 

Kaya naman sa kanyang Instagram post kagabi, May 9, ipinahayag ni Angel sa kanila na ipinagmamalaki n’ya na ito ang mga naging kasama n’ya sa paglaban para sa pinaniniwalaan nilang lider.

“To my fellow Leni volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito. I am proud to have fought with you to the very end,” lahad ng aktres. 

Aniya, ibinigay daw nila ang lahat ng makakaya nila sa labang ito kaya dapat lang na maging proud sila anuman ang resulta ng halalan. 

“Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat…na walang pagaalinlangan,” pang-e-encourage n’ya. 

“Hindi tayo naging madamot, itinaya ang pangalan at oras. Lumaban kahit mahirap para sa ating paniniwala at sa kapwa. Kahit imposible. Lumaban tayo hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan.”

Panawagan pa ng tinaguriang real-life Darna, huwag daw silang hihinto sa pagmamalasakit sa kapwa at patuloy pa rin na maglingkod sa bansa. 

“Kaya kahit matatapos na ang bilangan. Piliin pa rin natin ang bayan. Piliin pa rin natin ang Pilipinas. Patuloy tayong magpakita ng malasakit at kumilos para sa kapwa,” she said. 

“Ipinagdarasal ko na darating rin ang araw na makikita natin ang Pilipinas na minimithi. Taas noo.”

Hindi n’ya rin nakalimutang pasalamatan si VP Leni sa naibigay nitong inspirasyon sa kanilang mga taga-suporta n’ya. 

“Salamat Mam Leni sa inspirasyon,” pagtatapos ni Angel.

Dumagsa naman sa comment section ang pasasalamat sa kanya ng mga fans and celebrity friends sa pangunguna ng mister n’yang si Neil Arce at mga kaibigang sina Nikki Valdez, Kim Molina, and Dimples Romana.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

“Never Again” post ni Angel Locsin, tinalakan ng isang netizen; madiplomasyang sagot ni Angel: “Stop the hatred, hindi tayo magkaaway at hindi dapat magaway.”

Kris Aquino, deadma sa “lies and intrigues” na banat ng anak ni Tarlac Mayor Cristy Angeles sa kanya; designates Angel Locsin as her official representative sa mga campaign sorties ni VP Leni

Angel Locsin, Jolina Magdangal, Pokwang, at iba pa, nagbunyi sa #LuvAnneLeni post ni Anne Curtis

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.