Naglabas ng kanyang panawagan ang comedian and singer-songwriter na si Janno Gibbs sa mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM).
Kasunod ito ng anunsyo n’ya, in his now-deleted Instagram post, na maghihinay-hinay na muna s’ya sa paglalabas ng saloobin sa mga political and social issues. Tututok daw muna s’ya sa mga nakalinya n’yang projects.
At nitong July 11, nanawagan ng pagkakaisa si Janno sa social media.
“The elections are long over. There are no more sides now,” pahayag n’ya sa kanyang IG post.
Ngayong may bago nang namumuno, magsama-sama daw uli at tigilan na bangayan. Ang tagumpay naman daw kasi ng pamahalaan ay tagumpay rin ng taumbayan and its failures, the citizen’s.
“We are all back to being just citizens. After all, the new govt’s victory or failure will be our country’s as well,” lahad n’ya.
Sumunod daw sana sa panawagan ng pagkakaisa ng newly-elected president ang mga supporters nito at tigilan na ang pagtrato sa kanilang mga Kakampink o supporters ni former Vice President Leni Robredo bilang mga kalaban.
“The call of PBBM is for Unity. So listen to him and stop referring to us as the other side,” pakiusap n’ya.
Ang serbisyo naman daw kasi ang bagong administrasyon ay para sa lahat ng Pilipino, supporters man nila noong eleksyon o hindi.
“It seems you think the new govt should only serve those who voted for them. You are Not the Philippines. We all are,” pagtatapos ni Janno.
Sinang-ayunan naman ng kanyang online followers ang panawagang ito ni Janno.
YOU MAY ALSO LIKE:
Janno Gibbs, wala daw pakialam kahit may “bumakat” sa kanyang Mang Jose superhero costume
Buong pamilya at mga BFFs ni Janno Gibbs, suportado ang special screening ng Mang Jose
THIS IS SHOWBIZ #52—Janno Gibbs, inaming dalawang beses siyang muntik iwanan na ni Bing Loyzaga
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber