Panganay ni Angel Aquino na si Iana Bernardez, ipinaliwanag ang rason kung bakit ayaw gamitin ang apelyido ng ina as screen name

Iana Bernardez, daughter of actress Angel Aquino, explains why she does not use the last name of her mother! Know more by scrolling down below!

PHOTOS: @ianabernardez (L) and @imangelaquino (R) on Instagram

Iana Bernardez, daughter of actress Angel Aquino, explains why she does not use the last name of her mother! Know more by scrolling down below!

Sa media launch ng 15th Cinema One Originals Film Festival noong Martes, October 22, kung saan ini-launch ang walong pelikula na sasabak sa mga sinehan at sa competition ngayong taon, hindi naiwasang matanong ang rising star na si Iana Bernardez tungkol sa pagiging anak ng batikang aktres na si Angel Aquino.

Si Iana ay isa sa mga bibida sa coming-of-age movie ni direk J.E. Tiglao na Metamorphosis

Ayon sa newbie actress, pinili niyang hindi gamitin ang last name ng nanay niya in her screen name dahil gusto daw niyang makilala on her own terms and merits.

Kung mapapansin niyo po ’yong gamit ko Bernardez,” sabi ni Iana. “So, in fairness, ’yong pinanood ako [ng mga tao] sa first film ko, ’yong [Gusto Kita With All My] Hypothalamus, they came in the cinema not having an idea of who they were watching. So, they didn’t have an idea that it was the daughter of Angel Aquino.”

Dagdag pa ni Iana, gulat na lang ng mga tao pagkatapos ng pelikula na ang pinanood pala nila ay anak ng Glorious at Ang Probinsyano star.

Kaya pala kamukha,” rinig ni Iana sa mga tao. “Kahulma kasi anak ni Angel. Because I’ve been using my father’s name, hindi ako nata-tag agad na anak ni Angel Aquino.”

Dahil daw dito, nakakatulong daw sa kanyan na gumawa ng sarili niyang “independent” persona sa mundo ng acting industry. Ngunit, aminado ang bagong aktres na minsa’y tumatawag siya sa kanyang ina upang magpatulong kung paano mapaiyak sa isang eksena.

Ang hirap po pala umiyak,” inamin ni Iana. “Tatawagan ko siya tas sasabihin ko ‘Mommy, ano pong gagawin ko?tas ayun. Napapaiyak niya [ako]. Lagi niya akong tinutulungan. Every audition or role I play, lagi niya akong binigyan ng tips. Inuupuan niya ako. [...] Ganun.”

Sabi rin ng aktres na meron ding say ang kanyang ina sa mga proyektong tinatanggap niya.

Since nag-po-producing work ako, para makatipid, ako na lang minsan ’yong umaarte,” sabi ng babaeng anak ni Angel na napatawa ang press sa Dolphy Theatre sa ABS-CBN Building. “Sasabihin niya (Angel) [na] stop na daw, ayaw na niyang gagawin ko ’yon. Sayang! So, ’yon. ’Yon lang po ’yong bantay niya sa akin na piliin ko ’yong roles.”

Aside sa acting, si Iana ay naging associate producer sa ilang pelikula tulad ng Kiko Boksingero, Kuya Wes, at Mina-Anud. Siya rin ay naging line producer sa ilang proyektong tulad ng Babae at Baril na pinagbidahan ni Janine Gutierrez at Motel Acacia na pinagbidahan ni JC Santos at Agot Isidro.

Kung daw gawin ng talent na extra, pagawin niyo na sa kanya, huwag na ikaw, 800 lang naman ’yan!” tandang sabi ni Angel kay Iana. “’Pag sinabi niya kaya ng aktor, sige go lang. ’Yon lang naman po.”

Ang walong pelikula sa Cinema One Originals Film Festival ay ipapalabas sa silver screens from November 7 hanggang November 17 sa mga sinehan ng TriNoMa, Glorietta, Gateway, Ayala Manila Bay, at Powerplant Makati.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.