Panganay ni Bayani, GF ng kapatid ni Bea Alonzo

Left photo: Bayani Agbayani during the press conference of his movie, Pansamantagal. Center photo: Bayani and wife Len (in tube top) with their girls (clockwise from left) Rosalinda, Thalia, Marian, and Mary Mar. Right photo: Bea Alonzo and her brother James.

PHOTOS: Anna Pingol, @beaalonzo, & @bayaniagbayani on Instagram

Left photo: Bayani Agbayani during the press conference of his movie, Pansamantagal. Center photo: Bayani and wife Len (in tube top) with their girls (clockwise from left) Rosalinda, Thalia, Marian, and Mary Mar. Right photo: Bea Alonzo and her brother James.

At 50, larawan ng isang kuntentong ama at asawa ang komedyanteng si Bayani Agbayani. Apat na babae ang naging anak nila ng asawang si Lenlen na pawang ipinangalan nila sa influential 90s Mexican singer-actress na si Thalia at sa mga pamosong characters na ginampanan nito gaya ng Rosalinda at Marimar dahil die-hrad fan ni Thalia si Lenlen.

Twenty-years old na ang panganay ni Bayani at Len na si Maria Thalia na isa na palang head chef sa Silce Café sa Bonifacio Global City (BGC) na
pag-aari ni Senator Pia Cayentano. Ang sumunod na si Rosalinda Marie naman ay 18 years old na at balak daw sumali sa Binibining Pilipinas, bukod pa sa gustong mag-stewardess.

Ang pangatlong si Mary Mar (after Marimar), na isa daw black belter ng taek wan doo, ay balak naman maging architect; habang ang baby ng family at kamukhang-kamukha ni Bayani na si Marian Sabrina, now 11, ay wala pa raw gustong maging sa ngayon kundi ang “kumain nang kumain” ayon kay Bayani.

Suportado daw ni Bayani ang mga pangarap ng apat na dalaga niya pero kung siya raw ang masusunod ay gusto niyang ang mga course na kuhanin ng mga anak ay ’yong “madaling makapag-abroad.”

“Ako naman ang pangarap ko sana sa kanila mag-abroad,” pagtatapat ni Bayani. “Di ba ang sarap maging chef ka sa ibang bansa? Kung ayaw n’yo naman, okey lang…Kasi masarap may anak kang stewardess, eroplano libre ka na. di ba?”

Kamakailan lang ay pinatigil niya raw sa pag-raket online ang panganay niya.

“Nagtitinda pa ng cell phone online,” iling ni Bayani. “Akala naman niya matutuwa ako. Sabi ko, ‘Anak, wag.’ Kasi baka ma-ano pa kung…di ba?…magkikita sa isang lugar [meet up], baka kung ano pa mangyari.”

Tanggap na raw nilang mag-asawa na hindi na sila magkaka-anak pa ng lalaki. “Kasi mula panganay hanggang bunso, caesarian siya [Len], e. Tinanong ko ’yong doktor kung p’wede pa ba, e, hindi na raw,” sabay pabirong nag-muwestra nang pabiyak sa mukha. 

“P’wede raw pero dito na bibiyakin, e, baka naman maging daing ’yon. Matagal palang maghilom ’yon sa loob. Tanggap na namin. Masaya naman kami.” 

Ang asawa ni Bayani na si Lenlen, for her part, ay nagtapos naman ng nursing habang nagpapalaki ng mga anak. Naging contingency plan kasi ito ng mag-asawa noong mga panahong naging madalang ang mga projects ni Bayani. Pero ngayong sumisipa na ulit ang career ng komedyante, initsa-puwera na muna nila ang planong pagta-trabaho abroad ni Len.

“Ginamit nalang niya sa mga anak namin ang pinag-arala niya,” nakangiting sabi ni Bayani. Kaya ako, hindi ako takot sa mga dengue na  yan kasi alam ni Len ang gagawin. Ito-tornique niya…alam niya. Kasi ang hirap kung maghihiwalay pa kami.”

Kay Bayani rin namin nalaman na ang boyfriend pala ni Thalia niya ay ang half-brother ni Bea Alonzo na si James Carlos na naging school mate ni Thalia sa CCA or Center for Culinary Arts.

“Dinala [niya] sa bahay,” kwento ni Bayani. “Humarap naman ’yong kapatid ni Bea, nagpa-alam, ‘Liligawan ko po ’yong anak n’yo.’ E, nakaka-basketball ko pala siya, kami ni Vhong Navarro dito sa Reyes gym.”

Chef din daw ito at plano ng magkasintahan na in the future ay magtayo ng sarili nilang restaurant.

“Matagal na sila,” dugtong ni Bayani. “Sabi ko naman sa kanila, kilalanin n’yong maigi mga sarili n’yo kasi ang sarap ng may trabaho tapos binata’t dalaga kayo, kahit saan n’yo gustong pumunta, makakapunta kayo. Nakikinig naman sila.”

(L-R) Bea Alonzo, Bea’s mom Mary Ann, Bayani’s daughter Thalia
Rogacion, and Bea’s brother James during a trip to Palawan in
mid-February this year.

 

“Nako, sinama ni Bea [Alonzo] sa Palawan, di namin alam,” buntong-hininga ni Bayani. “E, hindi ko naman ma-ano kasi twenty-two na e…Pinagsabihan ko lang na, ‘Anak, magpapa-alam ka lang para alam namin kung saan ka namin ipagpe-pray...mamaya pinagpe-pray ka namin sa trabaho mo, nasa Palawan ka pala… hindi matutubok ng Diyos ’yong pag-aaalaga sa’yo.’

“Pag nagkakamali sila, kinakausap ko sila nang maayos.”

Nakuhanan namin ng life updates si Bayani sa press conference kamakailan ng pelikula niyang Pansamantagal which pairs him off with Gelli de Belen. The romcom movie, which is about rebound relationship that turned for real, is showing in cinemas beginning March 20 (Wednesday).

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Watch: Frontal nudity sa pelikula, dyinastify ni Bayani

WATCH: Bayani at Vhong, na-on-the-spot mag-comment sa “new look” ni John Lloyd Cruz; Bayani, napa-sign of the cross daw

Bitoy’s daughter can be the next "hugot" songs princess

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.