Pangarap na Urian trophy ni Mommy Nenita para sa anak na si Alessandra de Rossi, natupad na!

No. 1 fan ni Alessandra de Rossi ang nanay niyang si Nenita Schiavone at big deal dito tuwing nominated siya. Kaya gayun nalang ang tuwa nito nang finally ay magka-Urian na ang anak niya.

SCREENSHOT: Gawad Urian via TVUP on YouTube; PHOTOS: @charmainedoble on Instagram & @GawadUrian on Facebook

No. 1 fan ni Alessandra de Rossi ang nanay niyang si Nenita Schiavone at big deal dito tuwing nominated siya. Kaya gayun nalang ang tuwa nito nang finally ay magka-Urian na ang anak niya.

Matagal palang ipinagdasal ni Mommy Nenita Schiavone na magka-Urian trophy ang anak n’yang si Alessandra de Rossi kaya naman ganu’n na lang ang saya n’ya nang magka-totoo na ito. 

Last October 21 kasi, via a virtual awarding ceremony ng 44th Gawad Urian Awards, finally ay natupad ang dasal n’ya nang hirangin si Alex [nickname ni Alessandra] bilang “Pinakamahusay na Pangunahing Aktres” o Best Actress para sa pelikulang Watch List. 

At hindi lang ’yon dahil ginawaran pa s’ya bilang isa sa mga Natatanging Aktres ng Dekada. 

Kaya naman talagang dream come true para kay Mommy Nenita ang double milestones na ito ng kanyang anak. 

“Hay salamat natupad din ang pangarap ko!” pahayag n’ya sa kanyang Instagram post last October 22 kalakip ang video ng acceptance speech ni Alessanda. 

“Congrats @msderossi 44th Gawad Urian best actress @assuntaledesma @vargherita @babyblackfeet thank you @charmainedoble for this video Thank you  #gawadurian  #manunuringpelikulangpilipino”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by madame de rossi (@ermatsko)

Ayon naman kay Alex sa kanyang naging acceptance speech, hindi daw s’ya sanay na makatanggap ng award. Makailang beses na daw s’yang na-nominate noon pero ni minsan daw ay hindi s’ya nanalo. 

Maraming-maraming salamat po sa pagpili sa akin bilang best actress. Honestly, ano, e…mas sanay lang ako pag Urian na ‘always the bridesmaid, never the bride,’ sabi nga nila,” lahad ng aktres.

Parang mailap daw sa akin ’yong best actress [award]. But eto, ngayon, ’di ko alam kung paano ko s’ya tatanggapin kasi sobrang sanay ko nang matalo. Hahaha!”

Naikuwento pa n’ya ang pagiging positibo ng mommy n’ya every time na nagkakaroon s’ya ng nomination before. 

Naalala ko kasi, sabi sa akin ng mama ko, every time may Urian, sabi n’ya sa akin, ‘Anak, nominated ka. Anak, mananalo ka,’” pagre-recall n’ya.

Tapos ako, parang gusto ko lagi s’ya [’yong award] mapunta sa iba. Parang gusto ko lagi na mapunta s’ya doon sa mas may kailangan. Parang ganu’n,” pagpapatuloy n’ya. 

“So, never ako umasa na mananalo. Pero lagi n’ya [Mommy Nenita] sinasabi na, ‘Ikaw, ikaw ang dapat manalo. Ikaw ’yan…’ Hanggang nitong huli, sabi n’ya, ‘Anak, nominated ka na naman. Ikaw na talaga ito.’ 

Sabi ko, ‘Hindi, kay ganu’n ’yan mapupunta. Alam ko na.’ Tapos sabi n’ya, ‘Hindi ako titigil magdasal na magkaroon ka ng Urian [trophy].”

At ngayong natupad na ang pangarap na Urian trophy ng kanyang ina para sa kanya, inaalay daw ’yon ng multi-awarded actress para sa kanyang Mommy Nenita at Daddy Luigi.

Ito ngayon ang pakiramdam ko nagkatotoo na lahat ng dasal ng nanay ko. Sa kanya ko s’ya [award] inaalay. And of course sa daddy ko na alam ko na mag-iikot na naman sa buong town [sa Italy] para sa sabihing nanalo ang anak n’ya,” natatawang pahayag ni Alex. 

Hindi n’ya rin nakalimutang pasalamatan ang mga nakatrabaho n’ya sa crime thriller movie na Watch List.

“And of course, sa lahat ng kasama ko sa Watch List, especially to Direk Ben [Rekhi] who was super forgiving of my mistakes pero we had a good collaboration. 

“Thank you so much for offering me this project na it’s a semi-Hollywood project and hindi ko kinailangang mag-audition.

Pagbibiro pa n’ya, “So, kung humingi s’ya ng audition malamang wala ako dito ngayon. Hahahaha! Thank you. Thank you, Gawad Urian.”

May separate speech din si Alessandra para sa kanyang “Natatanging Aktres ng Dekada” special award kung saan isa siya sa ginawaran ang prestihiyosong pagtatangi alongside Nora Aunor, Angeli Bayani at ang natatanging Aktor ng Dekada na si John Lloyd Cruz. 

Dito, muling sinabi ang aktres na hindi pa s’ya sanay na makatanggap ng ganito kalaking parangal. 

Ang hirap…Hahaha! Ang hirap sabihin. Inaamin ko, hirap talaga ako in my life tumanggap [ng award] kasi hindi talaga ako nananalo,” panimula n’ya. 

Alam mo ’yon? Kahit nga sa raffle…malas ako d’yan,” seryosong biro niya. “So to get this award, pakiramdam ko hindi ko masasabing tsamba kasi taon ang binibilang, dekada s’ya. So, nahihiya ako. Nahihiya ako.

Kung susumahin daw ang naging contribution n’ya sa industriya ay hindi lang ’yon isang dekada dahil 20 years na s’yang umaarte sa pelikula at telebisyon. At nakapaloob doon sa mga taong ’yon ang hirap na pinagdaanan n’ya. 

Pero kung babalikan ko ’yong hirap na pinagdaanan ko bilang isang artista, hindi lang isang dekada. Dalawang dekada na po akong artista,” lahad ni Alessandra.

“’Yong mga times na tumanggap ako ng projects because gusto ko lang, halos walang bayad. Minsan nga kape lang ibinabayad, e. ’Yong kung ano lang na tinging mong luho, ganu’n,” patatapat n’ya. 

Pero ginagawa ko sila kasi gusto ko ’yong message, hindi ko sila ginagawa para sa pera, hindi ko sila ginagawa for awards.”

Pag-amin pa n’ya, makailang ulit na rin daw n’ya plinanong iwanan ang showbiz pero heto’t active pa rin s’ya. 

Gusto kong maalala ang ilang beses na sinabi kong gusto kong mag-quit [sa showbiz] —na sinasabi ko naman na every two weeks—‘Gusto ko nang mag-quit. Gusto ko na mag-quit,’” she confessed.

Pero para makakuha ng ganitong klaseng award na hindi mo talaga ini-expect at hindi mo p’wedeng tanggihan… Hahaha! Maraming salamat.

Gagamitin n’ya daw ang parangal na ito para ipagpatuloy pa ang pag-arte at paggawa ng pelikula. 

Parang this will push me to continue what I’m doing. When you give, minsan, matagal talaga ’yong balik. But it’s really, really, really, really, really worth it,” aniya.

Pag-e-encourage pa n’ya sa ibang artista, “So, push lang mga kaibigan. Mararating n’yo rin ’to, dekada [award], promise. 

Ito ay parang inspiration for me right now. Siguro, at this moment, na ituloy ko lang ang ginagawa ko. Maraming salamat. It’s inspiring me right now na maging ako uli. Charot! Ayon, thank you,” pagtatapos ni Alessandra.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.