Paolo Ballesteros designs gown for Mutya ng Pilipinas candidate

Paolo Ballesteros designed a Filipiniana gown for Mutya ng Pilipinas candidate Agatha Romero.

Screenshots from @pochoy_29 Instagram

Paolo Ballesteros designed a Filipiniana gown for Mutya ng Pilipinas candidate Agatha Romero.

Maidadagdag na ni Paolo Ballesteros ang fashion design sa mahabang listahan ng kaniyang mga talento. 

Maliban kasi sa pagiging makeup artist, actor, TV host, at painter, siya din pala ay may hidden talent in fashion design. 

Sa kanyang Instagram account na @pochoy_29, proud na pinost ni Paolo ang detail shot ng gown na dinisenyo niya para kay Agatha Romero, isa sa mga kandidata sa Mutya ng Pilipinas 2018 pageant. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Nirampa ni Agatha ang gown sa Mutya ng Pilipinas terno competition na ginawa kagabi sa Ascott Hotel in Bonifacio Global City. 

Hindi ito ang unang beses na nag-design si Paolo ng gown. 

"I have designed gowns and filipinianas for pageants before, pero secret lang hehe," pambungad ng aktor sa Instagram. 

"Ngayon hindi na secret 🙊😁" 

Nagpasalamat din si Paolo sa kaniyang mga kaibigang designer na sina Ian Paul Semira, Jian Lasala, at Manny Halasan na tumulong sa paggawa ng gown. 

"goodluck later @agatharomero and thank you den to my designer friends @ipsemira and @jianlasala @manny.halasan who helped execute this for tonight’s mutya ng pilipinas 2018 terno competition 😍👍🏼 mamaya na pic ng buo hihi 🙈 #mutyangpilipinas2018 #MutyaNgPilipinasRoadTo50th #mutyangpilipinas #mutya2018" 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

LOOK: Paolo Ballesteros' new movie looks fabulous

Paolo Ballesteros transforms into Miss Universe 2018 candidates

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.