Paolo Contis, comedy film ni LJ Reyes ang gustong maging directorial debut project

PHOTOS: Anna Pingol & @paolo_contis on IG

PHOTOS: Anna Pingol & @paolo_contis on IG

Bilib na bilib si Paolo Contis sa directorial style ng kaibigan at Bubble Gang co-star na si Michael V. aka Bitoy.

Si Paolo lang kasi among the Bubble Gang mainstays ang naisali ni Bitoy sa directorial debut project niyang Family History, which is a co-production between his own Mic Test Entertainment production at ng GMA Pictures.

Ayon kay Paolo, mabusisi si Bitoy sa detalye at alam nito ang gusto niya. At kahit daw istrikto, open-minded at collaborative pa din ito. 

Part daw ng disiplina ni Bitoy ang pagre-require ng script reading. Kaya bago pa sumalang sa actual take, naipasok na lahat ng suggestions at improvement kaya hindi nagkakagulatan sa ad libs. 

Dahil sa pagka-bilib kay Direk Bitoy, tila nai-inspire si Paolo na pasukin na rin ang pagdi-direk. Sa tagal niya sa industriya—bilang nagsimula siya bilang child star—paniguradong marami nang naipong lessons and pointers si Paolo na magagamit niya sakaling subukin na rin niya ang off-cam job ng paggawa ng pelikula.

“Balang araw siguro,” nakangiting bungad ng komedyante. “Pero siya [Bitoy] na muna. Dadating tayo doon. 

“Actually, matagal nang gusto ko na rin…Gusto ko siyang subukan lalo na ngayon diba may mga directors ngayon, mga bata. Marami ring mga producers ngayon na nagri-risk sa mga pelikula. So, maybe in a couple years siguro.”

Kung sakali raw pasukin niya ang pagdi-direk, isa ang girlfiend niya of four years na si LJ Reyes sa mga gustong niyang unang ma-handle. 

“Oo, galingan niya,” pabirong sabi ni Paolo, dahil alam naman ng lahat na premyadong dramatic actress ang nanay ng six-month old anak niyang si Summer.

But turning serious, he adds na sa isang comedy project niya gustong i-direk ang future misis. 

“Nakakatawa ’yon, e,” shares Paolo. “Hindi siya naniniwala. Sabi lang niya kaya ako natatawa sa kanya kasi mahal ko siya. Hindi. May timing siya sa comedy. Pero s’yempre hindi siya matatawaran sa drama.”

Sa grand press conference ng Family History earlier this week nakatsikahan ng pikapika.ph si Paolo. 

Incidentally, Family History is coming out in theaters on July 24.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Paolo Contis, ayaw pasaway sa paghalik sa anak kahit may balbas siya. “Wala kayong paki-alam, anak ko yan!”

Paolo Contis makes fatherhood funny with Instagram memes

Highlights of Paolo Contis & LJ Reyes baby shower and name reveal party

Michael V., nangyayakap pag mainit ang ulo
 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.