Paolo Contis humingi ng tawad kay LJ Reyes, Aki, anak na si Summer, Lolit Solis, Lian Paz, at Yen Santos; asks the public to “direct all your hate and bashings at me.”

Paolo admits to his infidelity. He says: “Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama,” he confessed. “I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.”

Photos: @paolo_contis / @lj_reyes / @ysantos / @liankatrina / @akosilolitsolis

Paolo admits to his infidelity. He says: “Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama,” he confessed. “I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.”

After pumutok ang issue ng hiwalayan nila ni LJ Reyes ay binasag na ni Paolo Contis ang kanyang pananahimik.

Sa kanyang Facebook page ngayong araw, September 8, ay inilabas ng Kapuso actor ang kanyang side para mabigyang-linaw ang ilang puntos. 

Aniya, pinili daw n’yang huwag na lang magsalita at tanggapin na lang ang mga ibabato sa kanyang mga batikos pero minabuti na raw n’yang ilahad ang kanyang panig ngayon dahil masyado na umanong maraming nadadamay sa issue. 

“After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko,” panimula ni Paolo sa kanyang mahabang FB post. 

“I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito.”

Una n’yang nilinaw ang issue ng drugs at pananakit sa kanyang pamilya. Hindi daw ito totoo.

“Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them,” pahayag ng aktor.

Gayunmapan, aminado daw s’ya na may third party during the duration ng pagsasama nila ni  LJ at hindi daw s’ya proud sa nagawa n’yang pangangaliwa. 

“Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama,” he confessed. “I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.”

However, nilinis n’ya ang pangalan ni Yen Santos, his A Faraway Land co-star, na nada-drag sa issue as the current third party. 

“She [Yen] was never the reason of our break up. I was,” aniya. “Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo [Yen] siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.”

Totoo daw na si Yen ang kasama n’ya sa Baguio na nakakunan sa nag-viral na video pero dinamayan lang daw s’ya ng aktres bilang kaibigan. 

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip,” kuwento pa ni Paolo. 

“Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.”

Nakiusap din s’ya sa publiko na huwag nang i-bash pa ang talent manager n’yang si Manay Lolit Solis sa pagtatanggol nito sa kanya.

“Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo diba?” ani Paolo.

”Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang naguusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay HINDI, ANAK KITA! HAYAAN MO AKO!"

Mensahe pa n’ya dito, “For that, I’m sorry Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni Nay Cristy.”

Nirerespeto daw n’ya ang desisyon ni LJ na lumayo at sana daw ay respetuhin din ng publiko ang naging pasya nila.

“I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay,” pagbabahagi pa ng aktor. 

“But I understand and respect her decision to go to the States muna. Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata. Madami pang kailangan pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.”

Humingi rin s’ya ng tawad sa dating misis na si Lian Paz at sa dalawa nilang anak dahil maski sila ay naidawit na sa isyu. Pilit kasing ipinagpapareha ng mga Netizens ang pagkakapareho umano ng kapalaran ni Lian at LJ sa piling ni Paolo.

“I’m sorry sa lahat ng nadamay sa issue na to. I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin.”

Humingi din siya ng tawad sa kanyang Mommy at maging sa kanyang team sa GMA-7.

“I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much. I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin,” dagdag pa ni Paolo.

At sa huli, humingi sya ng tawad sa anak na si Summer, sa panganay ni LJ na si Aki na naging malapit sa kanya, at kay LJ mismo.

“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise,” pangako ni Paolo sa anak. 

“To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you.

“To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.”

Dagdag pa n’ya: “I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us.”

Tatanggapin daw n’ya ang lahat ng pamba-bash ng Netizens dahil higit kaninuman, siya lang umano ang may deserve noon.

“Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you,” pagtatapos ni Paolo.

 

After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t...

Posted by Paolo Contis on Wednesday, September 8, 2021

Unang umugong ang balitang hiwalay na sina Paolo at LJ last August nang mapansin ng kanilang fans na in-unfollow ng aktor si LJ sa Instagram at binura n’ya ang lahat ng photos nito sa account n’ya.

Last September 1 naman nang lumabas ang virtual interview ni LJ with Boy Abunda kung saan n’ya emosyonal na ikunuwento ang masalimuot na dahilan ng paghihiwalay nila ni Paolo.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

LJ Reyes, nasagad na kay Paolo Contis: “Ang sakit lang isipin that you allowed things to happen.”

Manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis, kinumpirmang hiwalay na ito kay LJ Reyes; Yen Santos, inabsuwelto sa love triangle angle

LJ Reyes, lumipad na ng New York kasama ang mga anak

Jomari Yllana’s ex-partner Joy Reyes sa pag-uugnay sa kanya sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes: “That’s ridiculous. I don’t know them personally.”

Lian Paz, nabubulabog ngayon sa dami nang humihingi ng reaksyon niya sa hiwalayan ng estranged husband niyang si Paolo Contis at LJ Reyes; “Binebentahan ko na nga ng Vdrink! Ha ha ha!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.