Paolo Contis & LJ Reyes reveal the name of their Baby Girl

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

September 15 nang malaman ng celebrity couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes that their first baby will be a girl.

Kaya ang sumunod na pinag-planuhan ng dalawa ay kung ano ang ipapangalan sa parating nilang prinsesa.

 

Last Sunday, November 25, ay isang simpleng baby shower at name-reveal party ang inihanda ni Paolo, with the help of Aprica, a leading pediatric-needs brand, para sa magandang buntis na si LJ.

 

Ginanap ang party—with official hashtag #BabyContis2019—sa function room ng Hildalgo Place sa Rockwell Center in Makati.

 

Summer Ayanna ang napag-desisyunan ng couple na ipangalan sa first born nila. Ang Summer daw ay dream name ni LJ na ipangalan talaga sakaling magka-anak siya ng babae. At ang Ayanna ay napili nila para pagbigyan naman ang fixation ni Paolo sa mga names starting with the letter A.

 

“Kasi ’yong dalawang anak kong nauna, ’yong isa si Aitana, ’yong isa Adriana, tapos si Aki, kaya eto, Ayanna naman.”

 

Si Aitana—or Xonia Aitana—at Adriana or—Xonia Adriana —ay mga anak ni Paolo sa unang asawang si Lian Paz; habang si Aki—or Ethan Akio— naman ay anak ni LJ sa former partner niyang si Paulo Avelino.

 

Ayon sa magkasintahan, naging madamot daw si Summer na ipakita ang mukha nito noong nagpa-4D ultrasound sila kamakailan. Pero ayon kay LJ, sa saglt na pagpapakita nito ng mukha ay sure siyang si Paolo ang kamukha nito. Pero ang biro  ni Paolo: “Nakasimangot, e, kaya akong-ako. Mainitin yata ang ang ulo, so, Reyes din. Babaeng Reyes,” na pinatatamaan si LJ.

 

Sa January 2019 nakatakdang maging mommy si LJ for the second time.

 

Here’s the full video of Paolo and LJ’s name reveal moment na hindi sinasadyang maging k’wela.

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.