Para hindi masaktang muli, Bea Alonzo, natutunan nang “wag i-disregard ang red flag.”

“Big blessing sa buhay ko” ang description ni Bea Alonzo sa nobyong si Dominic Roque. Mensahe niya para dito: “Thank you for coming into my life.”

Photos: @beaalonzo

“Big blessing sa buhay ko” ang description ni Bea Alonzo sa nobyong si Dominic Roque. Mensahe niya para dito: “Thank you for coming into my life.”

Bagama’t katatapos lang ng grand US vacation—with matching revelation—ng couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay may napag-uusapan na raw silang next destination sa kanilang susunod na bakasyon.

Pero dahil mas malala ang COVID-19 ngayon dahil sa Delta variants, matatagalan pa raw siguro bago masundan ang naging US trip nila.

“Mas tumindi ang COVID ngayon, meron ng ibang variants. Nakakatakot din umalis ulit. At saka siyempre, kailangan ng mag-work, ’di ba?” saad ni Bea sa kanyang kauna-unahang guesting sa The Boobay and Tekla Show ng GMA-7 noong Linggo, September 12.

“Kailangan ko na dahil meron din akong gagawing teleserye, soon. Pero nangangarap kaming maka-alis ulit, pero siyempre, kailangang unahin ang safety.”

Ayon kay Boobay, kinilig daw siya noong pinanood niya ang US trip vlog ni Bea lalo ’yong part kung saan sinabi niyang “Ang ganda ng view,” na sinagot naman ni Dominic ng: “Mas maganda ka.”

Natanong tuloy ni Boobay kung gano’n daw ba talaga ka-expressive si Dominic sa kanya?

“Oo, pero mas expressive siya kapag kaming dalawa lang. Kasi, talagang mahiyain siya,” tsika ni Bea.

“Naniniwala ba kayo do’n sa action speaks louder than words? Ganyan siya, ’yung love language niya, service, mahilig siyang alagaan ka.”

Iba naman daw ang love language ni Bea.

“Ano kasi talaga ’ko, demonstrative. Clingy ako, e.  At saka, words of affirmation. Mahilig akong mag-‘love you.’  Expressive, oo…”

Matagal na raw magkaibigan sina Bea at Dominic at pagiging magkasintahan nila ay na-develop lang naturally.

“Matagal na kasi kaming magkaibigan ni Dom. Matagal na—as in, years and years ago,” esplika niya. “I guess, mas nakasama ko siya ever since naging single ako. Well actually, mas nag-open-up ako sa mga kaibigan ko.

“Alam mo ’yung when you’re not in a relationship, mas marami kang time sa mga kaibigan mo, gano’n ’yung nangyari. Then, we got to spent time together. Parang ano siya, parang hindi siya pinilit, para lang siyang na-develop naturally.”

At sa mga pagha-hang out daw nilang iyon, may mga moment na nakakaramdam na siya ng kiliti.

“Parang may moment na, ‘cute siya.’”

Hirit na tanong naman ni Boobay, ano raw ba ang meron kay Dominic at napa-OO siya nito.

“After my past relationship, siyempre, mas naging careful ako. I really took time to decide, ’yung gano’n,” sagot ni Bea. “And he was always there. Nando’n siya all throughout my entire journey...healing.  Siguro ’yung desisyon ko nanggagaling do’n sa magaan kapag kasama ko siya.”

Dugtong pa ni Bea, “Nasabi ko nga sa past interview ko, na-realize ko na love doesn’t have to be hard. Love can be easy. And this is such an easy kind of love.”

Dahil na rin sa vlog ni Bea, mas marami na ngayong nakakakilala sa nanay ni Bea na si Mommy Mary Anne na laging present sa mga uploads ng aktres.

Kaya siguradong marami ang naku-curious kung boto raw ba ito kay Dominic.

“Si Mama naman kasi, never ’yan nakialam sa lovelife ko,” say ni Bea. “Nanghihimasok na lang siya or nag-i-intervene na lang siya kapag napi-feel niya na nasasaktan na ’ko.

“But never siyang nakialam. Para sa nanay ko, ‘Kung diyan ka masaya, I will support you all the way.’ All the decision na ginagawa ko sa buhay ko, may tiwala siya that I always make the right decision.

“Ngayon, nakikita niya na masaya ko, siyempre, masaya rin siya para sa akin. Ang relationship kasi namin ni Mama, hindi kami parang mag-nanay, para kaming mag-best friend.

“Kasi she had me when she was twenty years old so parang hindi malayong-malayo ang age gap namin. Para kaming mag-barkada.”

Natatawang dagdag pa niya: “Si Mama lang ang nakaka-bash sa akin ng harap-harapan.”

Tinanong din si Bea kung ano raw ang natutunan niya sa last relationship niya na magagamit niya para hindi na siya muling masaktan.

“Siguro ’wag i-disregard ’yung red flag,” direktang saad niya. “Kapag meron kang nakikitang may mali, ibig sabihin, may mali. Kapag may nararamdaman kang discomfort, ibig sabihin may kailangang i-address.

“Never disregard red flag.”

At sinundan pa niya na: “’Di ba sabi nila ‘love is blind’? Pero mas masarap magmahal na bukas ang puso at mata mo sa nangyayari.”

Nang mabuksan naman ang topic na wedding...

“Sa ngayon parang it’s too early,” agad na salag ni Bea. “Parang we’re still on getting to know each other on a different level. 

“Para sa akin kasi, parang ayokong magpa-pressure just because nagkaka-edad ka na... ‘Yung mga kaibigan mo nagpapakasal na. Para sa akin, may kanya-kanya tayong timeline.”

Isang mabilis na “oo naman” ang sagot ni Bea sa tanong kung nakikita naman niya ang boyfriend na isang husband material.

“At saka s’yempre naman, at this point in my life, hindi na ’ko papasok sa isang relasyon na hindi naman seryoso.”

Natatawang hirit pa niya, “Pagkatapos ng lahat? Pang-seryoso naman talaga.”

Natatawang napa-“ano ba ’yan?” naman si Bea nang mahingan ng mensahe para sa nobyo.

“Nakakahiya. Ite-text ko na lang. Magkikita rin naman kami” ani Bea.

Pero nagpa-unlak din naman ito sa huli at sinabing: “Simple lang, thank you for coming into my life.”

“He’s a big blessing sa buhay ko,” nakangiting pagtatapos niya.

 

YOU. MAY ALSO LIKE:

Bea Alonzo sa pag-amin sa relasyon nila ni Dominic Roque: “Happiness is best when shared. I want to share my happiness.”

Love story ni Dominic Roque at ng “Hon” niyang si Bea Alonzo, nabuo sa biglaang trip to Japan noong 2019

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.