Para kay Andrea Torres, “it’s an honor” daw kung totoo ang balitang magkaka-sitcom sila ng idolong si John Lloyd Cruz

PHOTOS: @andreaetorres & @crownartistmgmt on Instagram

PHOTOS: @andreaetorres & @crownartistmgmt on Instagram

Magkahalong gulat at tuwa daw ang naramdaman ni Andrea Torres nang makarating sa kanya ang bali-balitang may pinaplanong sitcom para sa kanya si Willie Revillame kung saan makakasama n’ya ang nagbabalik-showbiz na si John Lloyd Cruz.

Ito ang ibinahagi ng Kapuso actress sa virtual interview sa kanya ni GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas kagabi, June 1, sa 24 Oras

Fan daw si Andrea ng matinee idol at isang karangalan para sa kanya ang makatrabaho ito. Pero wala pa daw confirmation ang nababalitang sitcom nila. 

Nagulat po and, s’yempre, natuwa. Kasi he’s a brilliant actor at fan din ako n’ya,” pahayag ni Ada [palayaw ni Andrea].  

Sa mga interviews ko din lagi kong nababanggit [na] isa s’ya sa mga gusto kong makatrabaho. So, if ever po [na matuloy], malaking honor ‘yon for me,” dagdag pa n’ya.

Matatandaan na nito lang weekend ay kasado na ang pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd as a special guest ni Willie Revillame sa 6-6 Shopee Super Mega Fiesta Special na magaganap sa Smart Araneta Coliseum sa June 6 na mapapanood naman sa GMA-7.

At kabilang nga daw sa offer kay John Lloyd sa pagbabalik-showbiz nito after his almost five-year hiatus ay ang sitcom nila Andrea. 

Samantala, naka-focus naman ngayon ang aktres sa kanyang upcoming teleserye na Legal Wives na tungkol sa buhay ng isang Maranao at Muslim na lalaki na merong tatlong asawa. 

Dito ay puring puri n’ya ang husay ng leading man n’yang si Dennis Trillo sa pagbitaw nito ng kanyang dialogue in Maranao language. 

‘Yong pag binibigkas n’ya ‘yong mga salita nila [ng mga Maranao] parang sanay na sanay s’yang sabihin. Hindi mo makikitang nagsa-struggle s’yang sabihin,” papuri ni Andrea kay Dennis.  

Tsaka nasasabi n’ya ‘yong mga linyang ‘yon nang walang take two. Parang normal na normal lang talaga.

Natutuwa din ang aktres na naging magkaibigan sila ng co-star n’yang si Alice Dixson na gaganap na first wife ng character ni Dennis sa upcoming TV series. Si Bianca Umali naman ang gaganap na third wife. 

Lagi ko nga sinasabi sa kanya [kay Alice], ‘Ang ganda-ganda ng mata mo. Parang nangungusap talaga.’ And off-cam, very ano s’ya… napakamasayahin,” k’wento ni Andrea kay Nelson. 

“So, ang dali ko ring nag-warm up sa kanya lalo na ‘yong mga eksena namin, s’yempre nag-aaway kami. So, at least, nawala na ‘yong ganu’ng kaba,” pagtatapos n’ya. 

Nakatakdang mapanood ang Legal Wives na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali simula June 21 sa GMA Telebabad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Derek Ramsay, umaming siya ang unang “nakipagkalas” kay Andrea Torres over the phone

Dahil sa dami ng mga pabaon ng girlfriend na si Jennylyn Mercado para sa lock-in taping niya, Dennis Trillo, nag-reak: "Parang yaw na nga n'ya akong pauwiin."

Pika’s Pick: Maja Salvador’s Crown Artist Management Inc. announces John Lloyd Cruz’s new and legit Facebook and Instagram accounts

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.