Ibinida ng actor-singer na si Daniel Padilla kung ano ang “magic” ng nobya niyang si Kathryn Bernardo sa kanyang buhay.
Nagkaroon kasi ng birthday production ang Kapamilya star kahapon, April 25, sa ASAP Natin ‘To. Ito ang advanced celebration ni Daniel dahil ngayong araw, April 26, talaga ang kanyang kaarawan.
Pagkatapos ng kanyang performance ay nagkaroon s’ya ng moment na makatsikahan ang iconic hosts and performers ng ASAP na sina Concert King Martin Nievera and Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
Dito ay natanong ni Regine si Daniel kung ano ba ang hiling ng aktor sa kanyang 26th birthday.
“Wala na ho akong nais [hilingin pa],” sagot ng tinaguriang Phenomenal King of Hearts. “Masaya na ho ako sa nangyayari sa akin. At siguro wala na akong [mahihiling pa]. Maayos ang pamilya ko sa sitwasyon natin ngayon.
“Ang [birthday] wish ko na lang maging maayos na ang sitwasyon nating lahat,” pagpapatuloy n’ya. “‘Yon na lang ho. Para sa ating lahat matapos na ang pagdurusa, hindi ho ba? ‘Yon lang.”
Nausisa naman ni Martin kung ano ba ang pinaghuhugutan ni Daniel pagdating sa pagkanta.
“‘Yong soul n’ya [ni Daniel] parang older than me,” dagdag pa ng Concert King. “Saan galing ‘yong music soul [mo]? Bakit parang older pa sa ’yo, sa age mo ‘yong soul mo?”
Sagot ng birthday celebrant, “Iba-iba, ‘To Marts. Kay mama, sa papa ko, sa lola ko. Sa lola lahat ng standards kaya ho alam ko ‘yon dahil sa lola ko dahil nu’ng bata ako lola’s boy ako. And everytime, ‘yon lang, patugtog lang nang patulog [ng kanta].”
Nasali rin sa usapan ang girlfriend ni Daniel na si Kathryn dahil tinanong ni Martin kung ano ba ang “magic” ng aktres sa buhay ng binata.
“What is she in your 26th year? What is her magic to you?” tanong ng tinaguriang ASAP Natin 'To veteran singer.
At sa puntong ito ibinida ni Daniel kung ano ang pinakagusto n’yang ginagawa ni Kathryn para sa kanya.
“Siguro ‘yong magic lang… I mean, ‘yong pag-aalaga n’ya sa akin, ‘yong pagmamahal na genuine [na] labas dito sa industriya na kahit anong mangyari, e, nand’yan kami para sa isa’t isa. ‘Yon lang naman ‘yon,” lahad ng aktor.
Sinang-ayunan naman ito ng kinikilig na si Regine at sinabing, “Naramdaman ko ‘yon. Kinilig ako. Kasi ngayong pandemic, gusto mo may nag-aalaga sa’yo, e. Ganu’n ‘yon, e.”
Talagang going strong sa kanilang relasyon ang KathNiel na nakatakdang mag-celebrate ng kanilang 9th anniversary sa May 25.
Matatandaan din na October last year nang ipagtapat ni Daniel sa entertainment press na beach wedding ang dream wedding n’ya para kay Kath at sana daw ay mangyari ‘yon bago s’ya mag-thirty.
YOU MAY ALSO LIKE:
Daniel Padilla, pakakasalan na si Kathryn Bernardo bago siya mag-TRENTA; Kath, handa na raw
Kathryn Bernardo writes heartfelt message to ABS-CBN, says "hindi pa dito nagtatapos ang lahat."
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber