Para kay Direk Joel Lamangan, “katarantaduhan” ang pelikulang Maid in Malacañang; sagot ni Direk Darryl Yap: “Hindi lang siya ang may kwento at hindi lang ang mga kwento nya ang may kwenta."

Kinontra ni Direk Darryl Yap ang sinabi ni Direk Joel Lamangan na pera umano ng taumbayan ang ginamit para ma-produce ang Maid in Malacañang.  "[S]inabi pa niya na ang ginamit na pagpoproduce ng pelikula ay pera ng taumbayan, VIVA ang nagproduce nito— kung saan dun din sya gumawa at patuloy na gumagawa ng pelikula...  "[K]ung tunay nga ang kanyang kumbulsyon at paghihimagsik; bilang isa sa mga mataas na Direktor, yayain nya ang mga nagsasabing 'katarantaduhan' ang pelikula ko at wag silang magtrabaho sa Viva—kasi baka pera ng taumbayan yan, nakakahiya naman sa mga prinsipyo nila. ['Y]an eh, kung talagang yan ang ipinaglalaban at paninindigan niya yung mga sinabi niya kanina."

PHOTOS: @joellamangan & @YouthAndPower2016 on Facebook

Kinontra ni Direk Darryl Yap ang sinabi ni Direk Joel Lamangan na pera umano ng taumbayan ang ginamit para ma-produce ang Maid in Malacañang. "[S]inabi pa niya na ang ginamit na pagpoproduce ng pelikula ay pera ng taumbayan, VIVA ang nagproduce nito— kung saan dun din sya gumawa at patuloy na gumagawa ng pelikula... "[K]ung tunay nga ang kanyang kumbulsyon at paghihimagsik; bilang isa sa mga mataas na Direktor, yayain nya ang mga nagsasabing 'katarantaduhan' ang pelikula ko at wag silang magtrabaho sa Viva—kasi baka pera ng taumbayan yan, nakakahiya naman sa mga prinsipyo nila. ['Y]an eh, kung talagang yan ang ipinaglalaban at paninindigan niya yung mga sinabi niya kanina."

Hindi naiwasang maglahad ng kanyang damdamin ang batikang direktor na si Joel Lamangan patungkol sa mga taong nasa likod ng upcoming movie na Maid in Malacañang.

Naganap iyan sa launching ng ML@50 kahapon, July 21. Ang ML@50 ay isang event na binubuo ng mga biktima ng Martial Law na gaganapin sa Setyembre, bilang paggunita sa 50th anniversary ng pagkakadeklara ng ML ni former President Ferdinand Marcos, Sr. noong 1972.

Ayon sa direktor, isa umano siya sa naging biktima ng rehimeng Marcos kaya ganu'n na lang ang inis niya ngayong may lalabas na pelikula tungkol sa pamilya nito.

Kaya naman sa kanya pa lamang opening statement sa nasabing event ay nagpupuyos na ang kanyang damdamin, 

Aniya, ang pagbuo ng pelikula ay isang effort ng kasinungalingan at tahasang pambabaluktot sa kasaysayan.  

"'Wag tayo maging kasali doon sa mga nagtatakip ng katotohanan,” paghikayat niya sa mga nakikinig. “’Yong mga gumagawa ng pelikulang Maid in Malacañang na hindi naman totoo.

"Lahat ng kawalanghiyaan ay sinasabi. Dini-distort ang kasaysayan. Hindi itinuturo ang totoong nangyari. Nais magbago ng pangalan. Nais lokohin ang lahat ng ating mga mamamayan sa totoong nangyari limampung taon na ang nakararaan. Nariyan na naman sila sa Malacanang," dire-diretsong banat pa niya.

Partikular din niyang pinuna ang bahagi ng trailer ng pelikula kung saan makikitang may hawak na sulo ang mga nagra-rally sa labas ng gate ng palasyo. 

"Ang mga tao daw nagpunta sa Malacañang, sa harap ng Malacañang, ay nakasulo. Wala naman kaming sulo noong araw. Wala namang sulo, hindi naman totoo ’yon. Ano ’yon, lamay?" tila nang-uuyam na sabi pa niya. 

Panawagan pa ng direktor sa publiko, "'Wag nating paniwalaan. Ilagay natin sa ating balita, ilagay natin sa ating tula, sa ating sining, sa ating dula, sa ating pelikula ang totoo.

"Tulungan natin ang ating kabataan na malaman kung ano ang katotoohanan. Ayokong dumating ang panahon na mabura na ang ating mga pinaghirapan dahil niyurakan at binura na ng mga taong nasa Malacañang at alipores nila."

Muli rin niyang pinatutsadahan ang pelikula at nag-akusa na pera umano ng taxpayers ang ginamit para i-produce ito. 

"Gumawa sila ng pelikulang katarantaduhan. Pera ng bayan ’yan," nanggagalaiti na pahayag niya. 

"Maid in Malacañang sa punto de vista ng pamilya bago sila sumakay ng eroplano papuntang Hawaii… the last 72 hours. Ano’ng drama ’yon? Drama ng pagtatakip para kaawaan ng tao ang pamilyang iyon?"

Panonoorin naman umano niya ang pelikula ni Darryl Yap pero, "sasabihin ko sa mga tao na hindi totoo ang lahat ng ito."

Dagdag pa niya, tatapatan din umano niya ang Maid in Malacañang ng isa ring pelikula. 

"Gagawa ako ng pelikula laban dito. Hahanap lang po tayo ng producer," natatawang sabi ni Direk Joel.

Hindi naman pinalampas ni Darryl Yap ang mga hirit na ito ng beteranong direktor. Sinagot niya ito through the Facebook page ng VinCentiments kagabi rin.

Bagama't hindi niya niligay sa FB post kung para kanino ito, ipinagpalagay na ng netizens na sagot niya ito sa maaanghang na binitawan ng beteranong direktor. 

"Hindi lang ikaw ang ANAK NG DIYOS, hindi lang ikaw ang ANAK NG BAYAN, hindi lang ikaw ang may KWENTO, at hindi lang KWENTO mo ang may KWENTA," salag ni Direk Darryl sa mga ipinukol sa kanya. 

 

Opo, Nagsisimula pa lang ako. #MAIDinMALACAÑANG AUGUST 3 • CINEMAS WORLDWIDE

Posted by VinCentiments on Thursday, July 21, 2022

Ibinahagi rin niya ang naging reaction niya sa tirada ni Lamangan nang mahingi ito ng TV5 sa kasunod na FB post niya,

Respetado umano niya ang direktor at hindi siya makikipagsagutan dito. 

"Malaki ang respeto ko kay Direk Joel, maaaring magkaiba kami ng perspektibo tungkol sa mga bagay-bagay pero nasa iisang industriya kami—kung gagantihan ko rin ng pagmamataas ang mga sinabi niya, magmumukhang nakikipag-away ako sa isa sa mga haligi ng industriya," tugon ni Direk Darryl. 

Inulit rin niya na hindi lang si Lamangan ang puwedeng maglahad ng kwento. 

"[P]ero mainam rin na paalalahanan siya na, hindi lang siya ang anak ng Diyos at ng Bayan,
hindi lang siya ang may kwento at hindi lang ang mga kwento nya ang may kwenta," pagdidiin ni Yap. 

Kinontra rin niya ang sinabi ni Direk Joel na pera ng taumbayan ang ginamit para ma-produce ang Maid in Malacañang

"[S]inabi pa niya na ang ginamit na pagpoproduce ng pelikula ay pera ng taumbayan, VIVA ang nagproduce nito— kung saan dun din sya gumawa at patuloy na gumagawa ng pelikula," pagtutuwid ng controversial filmmaker. 

Hamon pa niya sa beteranong direktor: "[K]ung tunay nga ang kanyang kumbulsyon at paghihimagsik; bilang isa sa mga mataas na Direktor, yayain nya ang mga nagsasabing 'katarantaduhan' ang pelikula ko at wag silang magtrabaho sa Viva—kasi baka pera ng taumbayan yan, nakakahiya naman sa mga prinsipyo nila. ['Y]an eh, kung talagang yan ang ipinaglalaban at paninindigan niya yung mga sinabi niya kanina."

Sa huli, animong nagpakumbaba s'ya bilang isa umano siyang baguhan lamang sa movie industry. 

"[N]gunit magkaganon man, hindi siya makakarinig sa akin ng pangmamaliit, dahil sino ba ako kumpara sa kanya—sana maalala niya na Joel Lamangan na siya, hindi siya dapat nababahala sa isang Darryl Yap lang," pagtatapos niya.

 

Direk Darryl Yap’s reply to TV5 TV5: Ano pong reaksyon nyo sa mga sinabi ni Direk Joel Lamangan? Darryl Yap: Malaki...

Posted by VinCentiments on Thursday, July 21, 2022

As of this writing ay wala pang reaction si Direk Joel sa sagot ni Direk Darryl.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Darryl Yap matapos ideklarang persona non grata sa QC: “I find it very immature, I find it very elementary, I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally.”

Darryl Yap sa netizen na tumawag sa kanya ng “pedophile-disrespectful-fake news peddler director”: “Idedemanda kita. Pangako.”

Banat ni Darryl Yap sa mga umokray sa casting ng Maid in Malacañang: “Ipagsisiksikan nyo na lang yung talunan nyong opinyon sa pelikula ng nanalo?”

Direk Joel Lamangan sa mga baguhang sexy stars: “Dapat hindi lamang katawan ang puhunan.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.