Para kay John Lloyd Cruz, worth it ang indefinite leave niya sa showbiz; “Wala na yatang mas liligaya pa kung meron kang maliit na anak na two years old...My little savior.”

PHOTOS: johnlloydcruztm on Instagram

PHOTOS: johnlloydcruztm on Instagram

Balik sa pag-arte ang multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz sa pelikula ngayong bibida s’ya sa movie na Servando Magdamag na isinulat ng multi-awarded ding manunulat na si Ricky Lee at sa direksyon naman internationally-acclaimed filmmaker na si Lav Diaz. 

Ito ang ibinahagi ng aktor nang mag-guest s’ya sa online show na The Best Talk ni Boy Abunda sa mobile app na Kumu at ipinalabas din sa Facebook at YouTube last November 21. 

K’wento pa ni Lloydie (nickname ni John Lloyd), nahinto man daw s’ya sa paggawa ng mga teleserye ay tuloy-tuloy naman daw s’ya sa paggawa ng pelikula. 

Matatandaan na nag-indefinite leave ang aktor sa ABS-CBN at Star Magic noon pang 2017 pero lumalabas pa rin s’ya sa mga piling pelikula.

Simula nu’ng huminto ako sa network job, isa si Lav [Diaz] sa mga hindi huminto sa pagpapasa ng mga p’wedeng gawin,” paglalahad ni John Lloyd sa virtual tsikahan nila ni Boy. “Magpapasa lang s’ya nang nangangamusta. Kaya siguro nag-landing din ako du’n sa Servando.’

Clueless pa daw hanggang ngayon ang 37-year-old actor kung kailan ba maipapalabas ang project nila. 

Hanggang sa napunta ang usapan ng dalawa kung bakit medyo nagpahinga si Llody sa pag-arte. Hindi man masyado maipaliwanag ng aktor ng gusto n’yang ipunto ay mukhang na-burn out ang Kapamilya leading man sa kanyang acting job. 

Parang kailangan na ding huminto at magnilay-nilay,” paliwanag ni John LLoyd. “Kailangan medyo dumistansya. Parang… ‘Di ba, parang para malagyan mo ulit kailangan mo muna ubusin. Something like that. 

Parang hindi naman s’ya istorya ng pagod,” pagpapatuloy n’ya. “Siguro ano… Kasi at one point you realize sobrang iksi pala ng buhay. So gusto mo lang, somehow, mabigyan din kahit papano ng halaga, ng atensyon ‘yong mga bagay na… Hindi mo maikakaila ‘yong… Hindi mo s’ya made-deny, e. Kailangan mo s’yang gawin. Otherwise, tingin ko, ayoko namang tumanda na nagtataka ako. ‘Pano kung sinubukan ko,’ ‘di ba?

Hindi lang ‘what ifs.’ Parang pag nabigyan ka ng opportunity, knowledge o wisdom, somehow, irreversible na s’ya. Nandu’n na s’ya, e [sa isip]. Parang ‘yong pag alam na ito ‘yong tamang gawin, parang lolokohin mo na lang ‘yong sarili mo kung ide-deny ‘yong sarili mo ng opportunity na magawa ‘yong mga gusto mong gawin,” salaysay pa n’ya.  

“Until now, Tito Boy, maniwala ka, ang hirap i-articulate ng kung anuman ang nangyari in the past five years. Tingin ko, marami pa ring sinasabi ang mga lumilipas na sandali hanggang ngayon. Kaya mas masarap kung magmasid na lang…magkinig. ‘Wag na lang muna magsalita about it. Parang ganu’n.”

At tuluyan na nga n’yang isiniwalat ang dahilan ng kanyang pansamantalang pamamahinga sa showbiz kung saan nga na-burn out ang aktor sa kanyang naging job routine noon. 

Siguro tapos na ang panahon na… Ating aamin na talaga namang nakakapagod, nakakaubos ‘yong dine-demand ng ganitong trabaho,” pag-amin ni Lloydie. “And bilang creator gusto mo makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang i-deliver ‘yon kasi wala ng bagong laman ‘yong utak mo. Wala ka ng mabibigay, na tingin ko, worth their time kung sino man ‘yong sumusunod sa’yo.”

However,masaya naman daw si John Lloyd sa estado ngayon ng buhay n’ya lalo pa’t kapiling n’ya ang two-year-old son n’ya na si Elias sa dating girlfriend na si Ellen Adarna
 
Iba na rin ang routine ko, Tito Boy,” natatawang pag-amin ng aktor. 

Wala na yatang mas liligaya pa kung meron kang maliit na anak na two years old na ang kulit. Ang lupit. My little savior,” pagtatapos ni John Lloyd.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

John Lloyd Cruz, pinaiyak si Mae Paner nang pumayag itong sumali sa protest video’ng  "The Great Dictator Speech”

The Bea Alonzo-John Lloyd Cruz IG live that had as all giddy turned out to be a film project; fans voice out mixed reactions

Pika's Pick: Bea Alonzo reflects on live script reading of That Thing Called Tadhana last Valentine's Day; says she misses throwing lines with John Lloyd Cruz

Ellen Adarna admits having a long-distance-relationship with Spanish guy; will “probably” tell-all about John Lloyd Cruz in three-years time

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.