Para kay Maris Racal, maturity ng songwriting skills niya ang positive effect ng relasyon niya kay Rico Blanco

“Yes, I mean, that’s not impossible. Past time namin ang magsulat ng song. And in our heads, kakantahin ba natin ’to together or what?’ So, it’s not impossible.”—Maris on possible duet collab with music icon boyfriend, Rico Blanco

Photos: @mariesteller on Instagram & @cinemabravo on Facebook

“Yes, I mean, that’s not impossible. Past time namin ang magsulat ng song. And in our heads, kakantahin ba natin ’to together or what?’ So, it’s not impossible.”—Maris on possible duet collab with music icon boyfriend, Rico Blanco

Kung hindi raw siguro pumasok sa Pinoy Big Brother house si Maris Racal noong 2014—na siyang naging daan para siya ay maging singer at actress—ay baka isa rin siya sa mga frontliners natin ngayong panahon ng pandemic.

Sabi kasi ni Maris, “Twenty-three [years old] na ‘ko ngayon, maybe frontliner na ’ko ngayon. Kasi, MedTech [course] ako dati.

“Nag-MedTech ako kasi, ang dream ko talaga is to become a doctor. And then, surprise na lang na pinilit ako ng mom ko na mag-audition sa PBB. And then, nag-iba talaga ang mundo ko.”

Pero nasa puso pa rin daw niya ang pangarap na maging doctor.

“But still, in my heart, gusto ko pa rin maging doctor. But it’s so hard to do it, it’s so hard to achieve it lalo na kung ’yung other job mo is showbiz. It’s a completely different industry. 

“Yeah, you can’t serve two gods,” natawang sabi na lang niya.

Very open na nga ngayon si Maris sa relasyon niya sa singer na si Rico Blanco sa kanila ng pagkakaroon nila ng 25-year age gap.

Age doesn’t matter para kay Maris dahil regular at katulad lang din talaga sila ng ibang magka-relasyon. In short, kapwa hindi nila ramdam ang sinasabing age gap.

Si Rico ang nag-produce ng bagong single ni Maris, ang “Ate Sandali” sa sariling music label nito na Balcony Entertainment. 

Dahil dito, naitanong kay Maris kung paano maka-collab ang boyfriend na itinuturing ng marami as a music icon.

“For this single, itong song ko na ito, matagal ko na siyang natapos. Sa song na ’to, ’yung pinaka-contribution niya talaga was the production. Sa instrument, kung ano ang perfect sound for the song.

“At saka ’yung advice niya siguro for this song, when I said that I wanna release this, sinabi niyang, ‘Go, ano ka ba, matagal ko nang gustong mag-pop ka.’

“’Yung unang collaboration namin before was ‘Abot-Langit.’ Ang gusto ko noon was band, parang Bossa type of music. Ang gusto niya, pop. Siya ang nag-push sa akin to try it. I did try naman and it sounded really great. So, parang it’s something na hindi ko in-expect na maglabas ako.

“So, gano’n ’yung kind of help niya or advice niya sa akin. And for this song, parang na-surprise siya na bakit gusto ko nang mag-pop.”

Natawa naman si Maris nang tanungin namin sa naging online mediacon niya kamakailan kung napansin ba niyang mas nag-mature ang music niya, lalo na ngayong in a relationship siya kay Rico.

“Actually, parang ano nga, parang mas pambata nga siya,” natawang sabi niya.

“Parang mas pang-teenager or people of my age. Nakakatuwa  nga ’yung effect sa akin ng relationship.”

Mas band-type at classical daw ang genre niya talaga at ngayon lang daw siya gumawa ng pop song.

Sabi pa niya: “Ironic lang na ’yung nilalabas ko ngayon or ilalabas ko pa lang, pambata na song. Hindi siya pambata, e, pero I could say na ’yung mature na side ko sa song na ito is my writing, nag-grow talaga ’ko.

“Pop song kasi hindi ko masasabing pambata, maraming nagkaka-gusto sa pop songs, maraming nakaka-relate. But ’yung masasabi ko, ’yung maturity ko rito is ’yung writing ko.”

Bukod sa “Ate Sandali,” marami na nga raw siyang naisulat na kanta na plano niyang i-release soon.

“Ibabagay ko siya kung anong sound ang gusto ko. Pero may time rin na nagsusulat ako at iniisip ko, ibang artist ang kakanta nito. So, parang binabagay ko ang melody.

“But I don’t have solid plans for it but later on, I will.”

Positibo naman ang sagot ni Maris sa possibility ng duet collab ni Rico.

“Yes, I mean, that’s not impossible. Past time namin ang magsulat ng song. And in our heads, kakantahin ba natin ’to together or what? So, it’s not impossible.”

May plano na sila?

“Ayoko pong pangunahan muna, but ngayon, ang importante lang for me is to build my own [music resume] muna talaga.”

Ang talagang wish daw niya ngayon, dahil pandemic pa, ay magkaroon siya ng virtual concert.

“Siguro on my birthday, sana magkaroon ako ng virtual [concert]. But it’s so hard to plan with the kind of schedules that I have. And [pag may] movie, naka-lock-in kayo, walang time to rehearse or plan anything for a concert.

“But I really do hope na mag-open na ang Philippines para mas madali na ’yung pag-plan.”

Incidentally, mas mauuna na si Rico na magka-virtual concert—of sort—dahil ipapalabas na ng Viva Live ang Rico Blanco Songbook: Musical Stories by Rico Blanco.

Touted as a “first of its kind musical special” locally released that is exclusive for streaming, mapapanood dito ang mga performances ng mga bigating singers—gaya nina Sarah Geronimo, This Band, at Call Lily—rendering their own versions of Rico Blanco pieces.

It is scheduled to premiere on August 7, 2021 on several platforms including KtX, IwantTFC, IPTV and SkyPPV, and the VivaMax streaming app.  

Tickets, priced at Php 299, are now available.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maris Racal sa relasyon nila ni Rico Blanco: “I think, based po sa post na ginawa ko po, it’s very obvious...”

Trending na birthday greeting ni Maris Racal para kay Rico Blanco, kinakiligan ng fans and celebrities

Tickets are now available for the Rico Blanco Songbook: Musical Stories by Rico Blanco, a first-of-its kind streaming special from Viva

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.