Para kay Sharon Cuneta, “end of an era” ang pagpanaw ng matalik na kaibigan and “true screen partner” niyang si Cherie Gil

Sharon Cuneta to her dear friend Cherie: “It will never be the same without you. I will never be the same without you. I told you that you had to fight, please, because you couldn’t leave me & that you were my partner, that there is no one like you…You said yes. But God took you home, took all your pain away...”

Photos: @macherieamour

Sharon Cuneta to her dear friend Cherie: “It will never be the same without you. I will never be the same without you. I told you that you had to fight, please, because you couldn’t leave me & that you were my partner, that there is no one like you…You said yes. But God took you home, took all your pain away...”

Ginulat ng iconic actress na si Cherie Gil ang showbiz at ang bansa sa pagpanaw niya kahapon sa edad na 59.

Marahil, sa lakas ng kanyang on and off-screen presence kung kaya’t marami ang hindi makapaniwalang igugupo siya ng karamdaman.

Brain cancer ang lumulutang na dahilan ng kanyang pagpanaw. Ito umano ang dahilan kung bakit nag-desisyon siyang tumira sa New York para hanapan ng lunas ang sakit.

And though she fought a good fight, kinuha na ng Langit ang tinaguriang La Primera Contravida ng local film and TV industry.

Naging bahagi si Miss Cherie Gil ng napakaraming pelikula, teleseryes, at stage plays kung saan ipinamalas n’ya ang kanyang hindi matatawarang tatak-Eigenmann na talento sa pag-arte.

Pero hindi maikakailang ang paggagap niya bilang Lavinia Arguelles sa Bituing Walang Ningning ang naging pinaka-iconic ang most unforgettable role niya.

Sino nga ba ang makakalimot sa malutong na pagbibitaw niya ng linyang “You are nothing but a second-rate, trying hard copycat!” kay Dorina Pineda na ginampanan ni Sharon Cuneta sa nasabing 1985 VIVA Films’s box-office hit na iyon.

Dito rin ipinanganak ang malalim na pagkakaibigan nila ni Sharon lalo pa’t nasundan pa ang pelikula ng several more others—Sana’y Wala Nang Wakas, Sa Hirap At Ginhawa, Kailan Sasabihing Mahal Kita, Kahit Wala Ka Na, at Ngayon at Kailanman—dahil click na click sa mga fans ang pang-aaapi niya kay Sharon onscreen.

Pero sa bawa’t pang-aapi niya kay Sharon onscreen ay tinutumbasan niya iyon ng pagmamahal kay Sharon off screen.

Kaya naman si Sharon ngayon ay truly heartbroken sa pagpapanaw ng isa sa pinakamamahal niyang kaibigan sa mundo.

Sa mga social media posts ni Sharon—na sinimulan niya sa pagpo-post ng video collage ng mga moments nila ni Cherie sa pelikula at tunay na buhay—ay saka lamang nalaman ng publiko na matagal nang alam ni Sharon ang kalagayan ng matalik na kaibigan.

Naging daan ang US concert ni Sharon kasama si Regine Velasquez kung kaya’t nagawa pa niyang madalaw ang kaibigan habang naka-confine sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa New York City.

Kaya’t bagama’t brokenhearted, ipinagpapasalamat daw niyang nakita pa, nakausap at nahawakan niya ang kamay ng kaibigan bago ito binawian ng buhay.

“I flew to New York early yesterday with a heavy heart, still forcing it to hang on to that sliver of hope of God performing a miracle&allowing you to pull through this,” panimula ni Sharon sa kanyang mahabang post dedicated to her best friend.

Patuloy niya: “I am eternally grateful to Him for giving us the few hours we spent together…the love& words yet again exchanged in person…the knowledge that the friendship forged when we were very young was stronger & would only keep getting so…You told me about your tree to heaven outside of your apartment window which I didn’t get to see.

“We said ‘I love you’ & I said I’d see you again today…& you raised both arms and gave me the thumbs up with both hands.Then barely eleven hours after I left you, I was awakened by his call saying you had passed…”

Dahil sa pag-thumbs up ng kaibigan, buhay ang pag-asa niyang magkikita pa silang muli. Hindi niya akalaing iyon na pala ang huli at isa siya sa masasabing huling nakausap ng namayapang aktres.

“I leave New York now with a much heavier heart than ever before…because now I am leaving YOU with the knowledge that I will NEVER see you again…I cannot process it,” madamdaming pagpapatuloy ni Sharon.

“It seems so unfair. It will never be the same without you. I will never be the same without you. I told you that you had to fight, please, because you couldn’t leave me & that you were my partner, that there is no one like you…You said yes. But God took you home, took all your pain away. I will never get to feed you ice chips again or share most everything else with you.”

May tatlong anak si Cherie na ayon kay Sharon, at matatapang na hinarap ang pagpanaw ng kanilang ina. Sa post din niya ikinuwento na napag-uusapan na nila ng kapatid ni Cherie, si Michael de Mesa ang kalagayan ng actress sa panahon na magkasama sila sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.  Pero aniya, pawang pa-lihim lang umano ang kanilang pag-uusap ukol sa kalagayan nito.

“Your kids are strong & love you so much. Mike & I won’t have to keep our talks about you a secret anymore like we did while taping our show. But I don’t know how we would want to.”

Nagdurugo man ang puso, ipinagpapasalamat daw niya na nakapiling pa niya, kahit saglit na lamang, ang taong naging malaking bahagi ng kanyang personal na buhay at journey sa showbiz.

“I thank God I was with your Dad & Mom & R & all your kids to ‘see you off’ -but I am not happy. My heart is in pieces again & now I dunno how to put it back together anymore-because among the many loved ones I have lost these past few years, you were & always will be one of my most loved…a most important part of my life & my history.

“Of my heart.I love you so very much.It is the end of an era now that you’ve left us…What will I do without you now, Love?”

“My true screen partner,” patuloy niya. “[A] true friend, ninang of Simone…I miss you so terribly & know it will only get worse. Be at peace in God’s loving arms,my Cheech…I’ll see you again someday. I will love you with all my heart, forever.Thank you for everything.”

Sa sumunod na Instagram post ni Sharon, sinabi niyang hindi lang siya ang nawalan ng kaibigan, kundi nawalan din ang industriya ng isa sa pinakamahusay na actress that the industry was privileged in having.

“The industry has lost one of the very best actors it has ever produced. I have lost a part of myself no one can ever replace.”

Pinost din niya ang klasikong linya mula sa kanilang pelikula na, “you’re nothing, but a second rate, trying hard, copycat!

“That line will never be the same again, rest in power, @macherieamour.”

 

READ: La Primera Kontrabida ng pelikula at telebisyon na si Cherie Gil, pumanaw na sa edad na 59

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.