Para kay Tom Rodriguez, “summa cum laude” si Carla Abellana sa pago-organize ng nalalapit na wedding nila

“Sabi ko nga, kung group project ito sa school, ako ang pasang-awa. Suwerte ako at ’yung ka-project ko, ka-teammate ko, summa cum laude.”—Tom on Carla and their wedding preparations

Photos: @akosimangtomas

“Sabi ko nga, kung group project ito sa school, ako ang pasang-awa. Suwerte ako at ’yung ka-project ko, ka-teammate ko, summa cum laude.”—Tom on Carla and their wedding preparations

May pagka-offbeat ang character na ginagampanan ngayon ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa bagong teleserye ng GMA-7, ang The World Between Us kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Alden Richards.

At ang serye ring nito ang posibleng huling serye n ani Tom bago siya maging official husband ng Kapuso ring si Carla Abellana. Pero hindi naman daw dahil sa papasok na siya sa panibagong kabanata ng buhay niya kung kaya siya tumanggap ng offbeat role.

“I’d like to think that I’ve always been that open to trying out new roles,” paliwanag ng aktor. “Kasi, that [offbeat role] was my first foray in GMA. Ang pinaka-una kong ginampanan na role sa GMA was My Husband’s Lover, Vincent Soriano.

“That’s another character that is way beyond my comfort zone and experience. But I’d like to think na parang ’yun ang unang patikim sa akin ng GMA and they never stopped gambling or betting on me in that way. 

“I’ve been so lucky and it has been a humbling experience until ngayon na ’yun nga, I’ll be moving to another chapter of my life and that hasn’t stopped.”

(Sa My Husband’s Lover, epektibo niyang nagampanan ang closeted gay role na nag-asawa pero muling nabuhay ang pag-ibig sa kanyang high school classmate—played by Dennis Trillo—who re-appeared in his life.)

“For the past eight years with GMA, it’s been parang constant upswing. I feel very, very blessed and not as cliché, [but] a lot of not only first, but second, third, fourth that happened in my life were within this network and throughout my career.”

 

WEDDING PREPARATIONS

Samantala, hindi na nga magagawang pribado nina Tom at Carla ang date at lugar ng kasal nila dahil nailathala na ito sa Facebook page ng San Guillermo Parish sa Batangas dahil sa requisite na wedding banns.

(Banns, according to yourchurchwedding.org, “are an announcement in church of your intention to marry and a chance for anyone to put forward a reason why the marriage may not lawfully take place.”)

Sa anunsyo ay nakatakda ang Rodriguez-Abellana nuptial sa October 23 at magaganap sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands, Talisay, Batangas. Meaning, malapit na at tuloy na tuloy na!

“’Yun ang nasa wedding banns e, so I don’t know,” natatawang lahad ng groom-to-be. “Si God na lang ang makakapagsabi ngayon, kasi, bayad na [lahat].”

Ani Tom, maaayos daw ang lahat ng naging wedding preparations kahit nasabay ito na kapwa sila may major teleseryeng pinagkaka-abalahan ni Carla dahil napaka-organisado daw ng kanyang misis-to-be.

“Okey na okey kasi, sabi ko nga, kung group project ito sa school, ako ang pasang-awa. Suwerte ako at ’yung ka-project ko, ka-teammate ko, summa cum laude. May nako-contribute naman ako, pero laban!

Kinakaya naman namin even though may kanya-kanya kaming projects ngayon.” 

 

CONTRACT RENEWAL 

At bukod dito, kinumpirma na rin ni Tom na in two week’s time ay muli siyang pipirma ng kontrata bilang isang Kapuso.

“Yes,” nakangiti niyang pag-amin. “Very, very excited to say... and I really can’t thank GMA enough to think that it’s time of the pandemic and a lot of us have fears and anxiety when it comes to our job security.

“Pina-panatag nila...lalo na ngayon sa pinagdadaanan natin ngayon...pinapanatag nila ang loob ko to assure me that, ‘we have your back.’ We know that it’s still trying times and they’re still there. 

“I still feel their presence, their love and there’s no difference. And yeah, may mga surprise kami ng GMA this July 2.”

Nagpapasalamat din si Tom sa nararanasan nilang pag-aalaga ng GMA sa kanila habang naka-lock-in taping sila para sa The World Between Us. In fact, during the virtual media conference ay magkakasama pa rin ang buong cast sa “bubble” sa isang hotel sa Manila.

“We’re under the new normal. The pandemic style of taping. We’re all locked-in. How can we complaint when we are so spoiled and lucky enough that we’re in a luxury hotel.

“We’re very well-taken care of and looked after. What more can we ask? We have a cast that is very, very lively and sobrang sayang kasama.

“It’s like workcation, literally.”

In The World Between Us, Tom is playing Bryan Libradilla, ang maglalatag ng tinik, so to speak, sa mga daraanan ng character ni Alden na si Louie Asuncion. 

Pero ani Tom, may pinanggagalingan naman daw ang “darkness” ni Brian.

“I think, lahat ng characters, parang makaka-emphatize ka,” saad niya. “So ’yun ang maganda rito. Lahat ng character has that element.

“Kahit ako, reading the character and the script, hahanapin mo ’yung bubog niya, e.Grabe ‘tong si Bryan, bakit siya ganyan? Anong meron sa kanya? What’s driving him? At hindi lang si Bryan ang meron no’n, lahat may gano’n.

“And for Bryan, he’s longing for love. Uhaw siya. Uhaw at gutom siya sa pagmamahal. At some point, he’s hungry for the validation na hindi niya mahanap. At kahit siya, kapag nagbibigay siya ng pagmamahal, hindi niya alam kung paano gawin, kaya hindi na nagma-manifest in the right way. 

“Minsan may gano’n tayo sa kanya-kanyang buhay,” pag-a-analogy pa ni Tom. “Whether maliit o malaking bagay o maliit na bagay na pinapalaki. Tao lang tayong lahat. So, may gano’n tayong aspeto na minsan nagiging selfish. Akala natin sa atin umiikot ang mundo.

“The world revolves between us nga, pero sometimes we think the world revolves around us without needing to.”

Ang The World Between Us, directed by Dominic Zapata, premieres on GMA Telebabad on July 5.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Carla Abellana at Tom Rodriguez, “tiis-tiis na lang muna” dahil ilang buwan na hindi magkikita bago ang kanilang kasal

Nag-viral na wedding announcement nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, requirement pala ng simbahan

Engagement ring ni Carla Abellana, mismong si Tom Rodriguez ang gumawa

Maikling mensahe ni Sharon Cuneta sa mga naiwan ni dating Pres. Noynoy, tinawag na “plastic” ng isang basher; resbak ni Sharon: “Ang pakikiramay kailangan nobela?”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.