Para kay Vickie Rushton, totoo ang power ng “cutie” manifestation

Hindi daw akalain ni Vickie Rushton na ang vintage car na kinunan n’ya ng photo noong 2012 sa isang wedding expo ang s’yang maghahatid sa kanya sa simbahan nang ikasal sila ng aktor at longtime boyfriend n’yang si Jason Abalos ngayong 2022.

PHOTOS: Nice Print Photo via @vimrushton on Facebook

Hindi daw akalain ni Vickie Rushton na ang vintage car na kinunan n’ya ng photo noong 2012 sa isang wedding expo ang s’yang maghahatid sa kanya sa simbahan nang ikasal sila ng aktor at longtime boyfriend n’yang si Jason Abalos ngayong 2022.

Napatunayan daw ng model, beauty queen, and former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Vickie Rushton na natutupad ang isang hiling kapag ginagamitan ito ng magic word na “cutie.” 

Medyo cheesy pakinggan pero kung titingnang mabuti, nagkatotoo ang kanyang simpleng hiling ten years ago. 

“Totoo pala talaga ang power ng ‘cutie’ manifestation,” pahayag ni Vickie sa kanyang Facebook post kahapon, September 11.

Ginawa daw kasi n’ya ito noong September 1, 2012 matapos n’yang kunan ng litrato ang isang bridal car noong naging modelo s’ya sa isang wedding expo and when she posted it on Instagram, nilakipan ng niya raw ng caption na “Cutie bridal car.”

“September 1, 2012 nakita lang kita sa labas kung saan ako nag model sa isang wedding expo,” saad ni Vickie na dine-describe ang vintage car na 1936 Austin Lichfield. 

Hindi daw n’ya akalain na ang sasakyang iyon pala ang maghahatid sa kanya sa simbahan nang ikasal sila ng aktor at longtime boyfriend n’yang si Jason Abalos noong September 1, sampung taon after n’yang ma-ipost ang IG photo. 

“[Ten] years after, ikaw din pala maghahatid sa akin sa church. Hihi! Thank you so much Don Robert's Bridal Cars,” pagtatapos n’ya. 

 

Totoo pala talaga ang power ng “cutie” manifestation 🤭 September 1, 2012 nakita lang kita sa labas kung saan ako nag...

Posted by Vickie Marie Rushton on Sunday, September 11, 2022

Matatandaan na naiulat din ang pagtu-tweet ni Dabarkad Maine Mendoza ng “Arjo cutie” patungkol sa actor-turned-politician na si Arjo Atayde noong July 28, 2013, panahong wala pa s’ya sa showbiz.

SCREENSHOT: @mainedcm on Twitter

Taong 2015 nang makilala s’ya bilang Yaya Dub at naging ka-love team noon ni Alden Richards.

Hanggang nagkasama sila Maine at Arjo sa Metro Manila Film Fest (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles noong 2008. Doon na nagsimula ang kanilang pag-iibigan. 

Nitong July 28 lang, nine years after mag-tweet ni Maine, nag-propose ng kasal sa kanya si Arjo.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jason Abalos, ayaw ipapanood kay Vickie Rushton ang sexy-drama movie niyang Silab

Pika's Pick: Jason Abalos and Vickie Rushton belatedly announce their engagement!

Actor-turned-politician Jason Abalos, may patikim na detalye sa magiging kasal nila ni Vickie Rushton

Pika's Pick: Maine Mendoza and Arjo Atayde announce their engagement!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.