Para sa mga real-life “pakboys,” may payo si Dennis Padilla: “It’s not worth na magloko ka kung meron ka ng steady partner.”

PHOTO: @dennisastig on Instagram

PHOTO: @dennisastig on Instagram

“Para ka lang nasa bahay” ang paglalarawan actor-comedian na si Dennis Padilla sa set ng pelikulang Pakboys: Takusa na isa sa mga official entries ng Metro Manila Film Festival ngayong taon. 

Reunion movie kasi nila ito ng mga kumpare niyang sina Janno Gibbs at Andrew E na nakasama n’ya sa blockbuster movie na Sanggano, Sanggago at Sanggwapo noong nakaraang taon na idinirek din ng actor-director na si Al Tantay.

Sa pictorial para sa pelikulang Pakboys kamakailan, nakatsikahan ng pikapika si Dennis at sinabi niyang na na-excite daw s’ya noong malaman niyang may reunion movie agad sila nina Andrew at Janno. At maliban sa kanilang tatlo ay bonus pang kasama din nilang bibida sa pelikula ang singer-comedian at theater actor na si Jerald Napoles.

“Excited kasi kasama ko na naman ‘yong mga kumpare ko,” panimulkang pagbabahagi ni Dennis. “Si Andrew, si Janno, and may bago kaming kumpare, si Jerald. And same director [Al Tantay] nu’ng nakasama namin last year. 

“So, para ka lang nasa bahay. Para lang kayong nagkukuwentuhan. Maganda ‘yong samahan namin. Makikita n’yo naman sa film ‘yon, e. Pag maganda ‘yong vibes behind the camera, makikita mo ‘yong vibes in front of the camera.

Sey pa ng komedyante, nakasama n’ya na sa iba’t ibang project ang kanyang mga co-stars and director kaya naman magaan daw ang kanilang pagtatrabaho at open din sila sa kani-kaniyang suggestions para mapaganda ang pelikula. 

Halos lahat ng kasama namin matagal ko nang kasama, e,” aniya. “Si Andrew E, [since] 1990, kasama ko na. Si Janno kasama ko na [since] 1990. Tapos si direk, pangalawang movie ko na with him pero nagkasama na kami sa teleserye dati for a long time.

“So, para lang kayong magbarkada na matagal na hindi nagkita tapos nagkita kayo ulit. Ang pinagkukuwentuhan n’yo mga ginawa n’yo nu’ng nakaraan. So, at home ka. Relax. Chill lang. Plus, may liberty ka na mag-suggest kung ano ‘yong makakatulong or mas nakakatawa na eksena.

Pagdedetalye pa ni Dennis: “Kunwari, eksena ko. Si Andrew, si Janno, si direk, sila Jerald, tumutulong sila para lalong gumanda ang eksena ko. Ganu’n din ako sa kanila. Nagshi-share kami ng ideas hindi lang for ourselves. Nagshi-share kami ng ideas para du’n din sa mga eksena ng co-actors namin.

Napuri din ni Dennis ang husay ni Jerald na makisama. Marespeto din umano ito sa set kaya madali daw nila itong nakasundo. 

Kaya nag-blend in si Jerald [kasi] marunong s’ya rumespeto sa mga nakatatanda sa kanya,” pahayag ni Dennis. “Importante ‘yon sa work ethics mo, e. I learned that from my father. Kapag may kasama kang mas senior sa inyo, ‘you should give respect para ang umpisa pa lang ng working relationship n’yo smooth na

“And I saw that with Jerald,” he continued. “He respected us as his seniors. So, because binigyan mo kami ng respeto, bibigyan din namin ng respeto ‘yong galing mo. Papa-angatin ka rin namin at ‘yong idea mo magamit din namin. Tapos ‘yong idea namin magamit mo rin. 

Kaya give and take, kasi s’ya ‘yong [nasa] younger generation, e. So, may natutunan s’ya sa amin, may natutunan din kami sa kanya. Kaya maganda ‘yong acceptance. Kaya mas nakakatawa ‘yong pelikula.

Sa movie, gaganap sina Dennis, Janno, Andrew E at Jerald na mga “pakboys” o ‘yong mga mahilig mambabae pero mga takot naman sa kani-kanilang misis.

Nagbigay pa ng sarili n’yang kahulugan ng “pakboys” si Dennis. 

Sey n’ya: “Siguro, sa mga panahon ngayon, ito ‘yong ginagamit ng mga millennials na ang ibig sabihin e ‘lover boy’ noong araw. Parang ganu’n. ‘Chick boy.’ ‘Di ba, nu’ng time ng mga 70s, ‘lover boy, 80s, 90s, parang naging ‘chick boy.’

Ngayon, ito na ‘yong millennial term nila...pag ka ikaw ay gustuhin ng mga girls, ‘pakboys.’ ‘Yong maporma sa damit, maporma sa kotse, maporma sa music… Pakboy ka.

Tsika pa komedyante, maliban daw sa mga nakakatawang eksena ay may aral din naman daw na mapupulot ang mga manonood sa kanilang pelikula. 

Kapag nag-asawa ka na, you really have to be faithful to your wife,” lahad ni Dennis. “Kasi baka mamaya mawala pa sila. May lesson naman ‘to, e. May kalokohan kami [sa movie], may mga chicks,  pero at the end humingi kami ng tawad sa aming mga asawa at hindi na namin uulitin ‘yong aming kamalian. 

Dagdag pa n’ya: “Sa pelikulang ito, sinasabi namin na it’s not worth na magloko ka kung meron ka ng steady partner kasi baka mawala pa. So ‘yun ‘yong lesson ng pelikula.

Nabigay pa s’ya ng pabirong payo sa mga lalaking mahilig mambabe kahit may kasintahan o kasal na.

Para du’n sa mga chick boy, lover boy or pakboys, mag-ingat kayo. Baka mabuko kayo ng wife o girlfriend n’yo. Mawala pa ‘yan. Ingat,” natatawang payo n’ya.

Pagbibida pa ni Dennis, bagay na pang-holiday ang pelikula nilang Pakboys lalo pa’t maraming problemang kinakaharap ang bansa ngayon. 

Ngayong may pandemya, maraming tao ang malungkot dahil unang-una, walang trabaho. Number 2, s’yempre, lagi kang may anxiety kung lalabas ka,” paliwanag n’ya.

“With this movie, siguro mabibigyan namin kayo ng one and half hour ng kaligayahan… Halos one year din tayong naging malungkot.

Maliban du’n sa virus, maliban du’n sa COVID, apat o limang bagyo pa ‘yong dinaanan natin. Talagang naging malungkot ‘yong buhay ng maraming Filipino. Kaya bagay ito [pelikula] sa Christmas para sa konting oras, e, makaramdam tayo ng saya.”

Nagbahagi pa ng aktor ng kanyang reflection para sa taong ito. 

“I think, year 2020, ito ‘yong time na binilang mo at naging maligaya ka kung ano ang meron ka. Hindi ito ‘yong taon na hangarin mo pa ‘yong mas…pataasin mo pa ‘yong wants mo. 

Ito ‘yong time na ultimo pagtitimpla ng kape na-acknowledge mo, e. Mas naging detailed ka ngayon sa buhay. ‘Yong simpleng ginagawa mo noon na parang wala, ngayon naging importante. Naging ano ka ngayon, e, observant. 

Kaya very important talaga ngayon na maging masaya at makapagbigay ng saya sa kapwa lalo na ating Filipino audience,” pagtatapos ni Dennis.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Patok na comedy trio nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E., may follow-up movie na!

Nathalie Hart, excited makatrabaho ang childhood idol na si Andrew E. sa pelikula

Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo cast Dennis Padilla (as the Sanggano), Janno Gibbs (as the Sanggago), and Andrew E. (as the Sanggwapo) play our “Galawang Swabe” challenge

Gamols Dennis Padilla, Andrew E., at Janno Gibbs, may US-Canada concerts pagkatapos mag-balik-pelikula

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.