PART 2: Getting to know the debutante—Juliana Gomez

PHOTO by Melo Balingit

PHOTO by Melo Balingit

Na-in love ka na?

I can’t say that I have. Kasi I don’t know enough about love, e, to say na I felt that before.

 

But do you consider yourself romantic or skeptic?

Romantic, definitely.

 

Do you like traditional courtship?

S’yempre masarap sa feeling pero hindi naman ako nagpapa-bola.

 

What is the kindest thing that another person has done to you?

I love it when people write me letters… lalo na kung hand written or kung meaningful? I feel that’s the sweetest gesture ever. That’s why… that’s the main reason why I love my birthdays… not because of the gift I get but the cards I get or even on random days… like there was one time, may suitor ako nagpadala siya ang malaking teddy bear tapos pinuno n’ya ng maliliit na notes na parang… it’s nice not because kinilig ako but because you see how other people appreciate you and they see the things that you don’t really see in yourself.

       May sinulat s’ya do’n na I won’t forget. Sabi n’ya: ‘Thank you for bringing me closer to God.’ Feel ko may na-achieve ako do’n.

       Ngayon, I’m more open talking about these things kasi before nahihiya pa ako, e. But then, now it’s like…siguro naman abnormal kung wala akong gano’n di ba? Hahaha! Even with my parents, I’m very open about these things. Anything they asked, I answered.

 

 

What is the one thing that you want to accomplish by the end of the year?

Sana naman pumayat na ako. Hahaha! Kaka- gym ko lang kanina and they took my body fat. Diyos ko, grabe, ang dami ko pang kailangan ma-lose.

 

If you don’t mind, ano ba’ng weight mo ngayon?

Hindi ako nagme-measure, e. I base on sa mirror…nagpi-picture ako, nagpo-progress photo ako rather than checking the weighing scale kasi you see your weight pero it doesn’t…  you can be 120 pounds pero may bilbil ka pa rin. So, I don’t check my weight.

       Nag-start akong maging conscious siguro no’ng mag-high school ako…Grade 7. Parang do’n ko lang na-realize na ang laki pala ng tiyan ko. Hahaha!

       Lalo na no’ng when I was going older ta’s I had to wear things in [photo] shoots na mas masikip or mas maliliit? And you know, I also I wanna feel better about myself not necessarily because feeling ko na…’cause I know I look fine. But then I feel better about myself if have more muscle. Mga gano’n.

 

Among the celebrities you’ve met, kanino ka nagpaka-fangirl?

Siguro ’yong sobrang na-feel ko ang pagka-fangirl ko was with Coldplay… that was the only time and only concert na naiyak ako.

       Kasi favorite ko sila e…pinapakinggan mo for years tapos you finally hear them live tapos you cant believe you’re there in that moment. Ay naku! Naiyak talaga ako do’n.

       Tapos no’ng bata ako nag-One Direction din ako. I watched One Direction din. Mabilis ako maiyak pag concert ’cause I’m so passionate about music talaga. I really love it.

 

Weirdest app you’re using?

Oh my gosh, siguro ano Acapella Maker. Kasi kami ng mga friends ko pag bored kami gagawa kami ng videos…’yong mga collage tapos sabay-sabay kaming kakanta…sobrang pangit pero sobrang nakakatawa.

       That’s what a lot of people don’t know about me, I’m so loka-loka, sobrang kalog.

 

Baka comedienne kahantungan mo?

Oh my gosh, pero pag nand’yan na ’yong camera, ay wala na, shy na uli ako. Shy girl na ulit ako ta’s sobrang pa-bebe.

 

If you can undo one decision in your life, ano yon?

I wouldn’t have quit fencing kasi ayaw ko na that I felt that way and also gumagaling na ako tapos nag-stop pa ako. Parang I just don’t want it at that time. And I knew it broke my dad’s heart.

 

If you could learn the answer to one of history’s unsolved mysteries, which one would it be?

Ano ba talaga ’yong love?  

 

History, Ning?

Oo history ’yon. Ano ba talaga ’yon? Mystery ’yon for me.

 

What would be a deal breaker pag makikipag- date ka?

’Yong ano, ’yong rude sa ibang tao. ’Yong hindi s’ya nag-thank you sa waiter…mga gano’n or kunwari may naapakan s’yang kaka-mop lang ng janitor tapos hindi s’ya mag-sorry? Deal breaker ’yon sa akin.

 

If you had to settle down in one place for the rest of your life, where would it be?
Pilipinas. Manila. Manila for sure. Ayoko ko nga umalis for college, e. I don’t wanna go abroad. Sobrang s’werte nga ng parents ko na ayoko umalis.

Sa’n mo gusto mag-college?

UP (University of the Philippines).

 

 

Have you considered having a tattoo? Ano’ng design?

Yes. I told my Dad about it. My first tattoo gusto ko matching kami. Hindi pa kami maka-isip ng design kaya never na natuloy, e. Tapos never na namin napag-usapan ulit kasi wala kaming maisip, e. Ano ba ’yong significant sa aming dalawa.

 

Pero game s’ya [Goma]?

Game sya.

 

Ang mama mo?

Hindi s’ya game. Pero siguro pag pinayagan na ako ng dad ko wala na siyang magagawa do’n.  Kasi matching naman kami, e.

 

Lucy na lang pa-tattoo n’yo…

Mama name mo ’to, e di ba? Hahaha!

 

What’s one subject you can talk about for hours?

It depends on how interesting the person is…I can talk about anything with anyone…But the subject I’m really passionate about…music, food, movies, books.

 

Have you ever Googled yourself?

Yes. Kasi I wanted to know what pictures will come out when I google myself. The time I Googled myself was no’ng after my Jessica Soho interview. I checked if it’s out so ’yon.

      ‘Tapos ang dami ko palang pictures sa Google or sometimes when I need to find baby pictures of myself for school—Google. Like filling out forms… Kasi no’ng nag-apply ako sa Ateneo, you have to put in there kung saan nag-aral ang Dad mo, ang Mom mo, san sila graduate… ginu-google ko sila.

 

Ano’ng interesting or nakakatawa na nabasa mo about yourself?

Na may sexy actress pala sa Spain na Juliana Gomez. ’Yon ang pinaka-interesting.

 

Your current obsession?

Judy Ann’s Kitchen, or if not that Brooklyn Nine-Nine… Friends—sorry not Friends—How I Meet Your Mother pala.

[Juy Ann’s Kitchen is Judy Ann Santos-Agoncillo’s cooking show on her own YouTube channel; while Brooklyn Nine-Nine and How I Met Your Mother are both American sitcoms seen on Netflix.]

 

Any nervous tick?

Wala naman. Sumasakit lang tiyan ko.

       Ako lang nakakaalam or minsan natutulala ako.

 

Favorite online site to visit?

App na lang. Instagram, Twitter. Hindi ako mahilig mag-tweet on my public account…pero nakakatawa lang, pang-good vibes lang.

 

Sino ang mga local celebs na pin-afollow mo sa social media?

One of my favorites, si Luis Manzano. Ay grabe ’yon. Nakakatawa siya. Si Jess Connelly isa do’n. Sino pa ba? Kelsey Merritt, and s’yempre my friends who are in showbiz.

       [Jess Connelly is an indie music artist who hosts her own show at MTV Philippines; while Kelsey Merritt is a Fil-Am model who made headlines recently by being the first Pinay model who’s considered to walk through the runway for the Victoria's Secret Fashion Show 2018.]

 

If you could ask your future self a question, ano ’yon?

Are you happy with all that you’ve achieved?

 

If you could steal anything na walang consequence, ano ’yon?

Siguro sandwich lang sa Starbucks kasi lagi akong gutom, e.

       Or siguro mga pens sa National Bookstore.  Mahilig ako sa pens, e. Pero totoo if I could steal na walang consequence, sandwich sa Starbucks, or ’yong yogurt sa Salad Stop.

 

Any ghost experience?

Oo pero once lang at saka hindi naman ako natakot…kasi nakita ko ’yong lola ko no’ng namatay siya…nando’n siya naka-smile siya sa akin pero hindi siya nakakatakot. Parang masaya lang siya tapos suot n’ya yong dress na she wore on her wake.

       Nakita ko siya sa kwarto namin no’ng nasa Greenhills pa kami. Nagising ako one night tapos nando’n siya. Kasi close kami no’n, e. Namatay siya wala pa akong six years old pero close talaga kami noon. Siya ’yong playmate ko.

 

What the one thing that you still have from your childhood?

Ang dami. I keep talaga ’yong mga letters I get, pictures and concert tickets. Pero I wasn’t able to keep all.

 

Your least favorite household chore?

Siguro maghugas ng pingan kasi nandidiri ako sa basa na food.

 

One cool skill you wish you had?

Sumayaw. Mahilig ako sumayaw pero hindi ako magaling… just like singing.

 

What’s the one thing that has to be in your fridge at any given moment?

Dapat laging may tofu. Sobrang weird ano? Hindi s’ya random, hindi siya essential pero gusto ko laging may tofu. Mahilig lang ako sa tofu.

 

What is the one thing you always wanted as a kid but never got?

My parents always give me more than I could ever ask for. So wala akong hinihingi masyado, e. Actually wala talaga. At the most siguro mas late na curfew. ’Yon lang hinihingi ko, late curfew, books, food.

 

Your biggest adulting moment so far?

Every time na, kunwari inuutusan ako ng daddy ko na, ‘Punta ka nga dito, tapos bayaran mo ’to.’

       Feeling ko, gano’n na ba ako ka-responsible pag inuutusan ako ng gano’n? ‘Pick up mo nga ’to…’

       ’Cause hindi ’yon ipapagawa sa akin if I was eight years old.

 

If fat, calories, cholesterol, etc. are not an issue, ano’ng food ang pagpipiyestahan mo?

’Yong controversial…’yong Hawaiian pizza.

 

Bakit siya controversial?

Di ba maraming may ayaw ng pineapple sa pizza? Controversial topic siya for most…

       Ako, I really love it.

 

Second language you wish to learn?

Spanish. Maganda pakinggan, e. Pero actually no, hindi siya wise choice. Dapat Chinese para mas useful.

 

What’s your karaoke piece?

'Linger' by Cranberries or ’yong 'Cruisin’ [a 1979 Smokey Robinson song made popular to younger generations by Gwyneth Paltrow and Huey Lewis.]

 

 

Any unusual item you own?

Dream catcher. Unusual ba ’yon? Bigay lang ’yon sa akin, e. Hindi siya unusual pero ’yong pinaka-precious siya sa akin ’yong Polaroid at saka ’yong film camera ko. I like taking pictures,  e. I really like freezing moments.

       What I do is I bring my film camera to school, and I take pictures. Mahilig din ako mag- edit ng videos. That’s why pag may school project ako, ako talaga nage-edit. That’s why I signed up for film because I wanna learn how to do these things.

 

Most important lesson you learned growing up?

That kindness will go a long way. For sure ’yon. Kahit hindi siya necessary or kahit ayaw mo, it goes a long way. It’s never failed me. I never lost anything by being kind.

 

If you were to be painted by an artist, sino’ng artist ang gusto mo?

Actually ayoko talaga na people draw my face or paint my face. Kasi paano kung hindi ko s’ya magustuhan.’Ay, that’s how people see me pala?’

      Nakaka-flatter siya, nag-effort talaga ’yong taong ’yon na i-drawing ako, para i-color ’yong mga mata ko…But what if hindi ko magustuhan? Ayoko talaga.

 

If you could change one bad quality/trait of yours, what would it be?
Sana mas okey ’yong time management ko, sana hindi ako laging pagod.

What do you consider a terrible job?

Hindi naman sa terrible pero pinaka-mahirap na I can think of…’yong mga carpenters, mga guards…’yong nasa araw.

       Actually pinaka-mahirap siguro is ’yong maging guard kasi wala kang ginagawa pero ang dami mong responsibilities sa community…and then you’re under the sun. Pag gabi na malamig tapos wala ka pang kausap, kailangan attentive ka sa surroundings mo for what, 12 hours?

       ’Yong mga guards sa labas ng Family Mart or Mini Stop, naaawa ako sa mga ’yon, e kasi for sure they don’t wanna do that but they have to. It’s not a terrible job but ’yon ang pinaka-mahirap for me I think.

 

If you could be someone else for a day, who would you want to be?
Rihanna. Gusto ko ’yong pagka-bad bitch niya, e. Sobrang angas.

What song have you completely memorized?

Ang dami. That’s my talent talaga…papakinggan ko lang siya twice, memorized ko na s’ya. Ang dami kong song na memorized by heart, kahit rap, kahit OPM.

 

Personal rule you’ll never break.

To never break my rules for someone else.

 

Something you won’t ever do again?

Ang dami. Pero ’yong safe lang ilabas [for publication]. Hahaha!

       It’s probably to never give up on something na I know I can excel on ever again. Laging nasa isip ko ’yong fencing na ’yon.

 

Craziest thing you’ve ever done for someone?

I woudn’t say crazy pero ma-effort akong tao, e, like pag birthday ng one of my best friends or anniversary ng parents ko, I always make them like small videos… like the one I made for my parents, it’s on my Instagram.

       I make small videos. I think that’s how I show my love. Hindi ako affectionate with words or actions—well, action in that sense, pero hindi ako ’yong malambing masyado like ’yong hug…hindi ako gano’n sa friends ko, e. I’m  detached in that sense. But I really treasure pictures and videos. It’s not really crazy but it’s effort.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.