Pasaring na “mukha kang palaka” ni Vivian Velez, para nga ba kay First Lady Liza Marcos?

Si First Lady Liza Marcos ang pinupuntirya ni Vivian Velez sa kanyang FB post?

PHOTOS: @vivianvelez888 & @fl.lizamarcos on Instagram

Si First Lady Liza Marcos ang pinupuntirya ni Vivian Velez sa kanyang FB post?

Maikli pero matapang ang tila pasaring ng aktres na si Vivian Velez para sa taong aniya’y mukhang palaka.

Idinaan n’ya ito sa kanyang Facebook nitong Sabado, April 20 kung saan nag-post s’ya ng isang screenshot photo ng kanyang old FB post. 

Makitkita roon ang photo niya kung saan may suot s’yang sunglasses, at may nakalagay na caption na “[B]ring it on. we can do this [Philippine flag emoji].”

Mula rito ay hinugot ni Vivian ang naging pasaring n'ya sa taong hindi n’ya direktang pinangalanan.

“Dapat ganyan ang itsura mo pagsinasabi mo ang 'bring it on' [Grinning face with sweat emoji] hindi yung mukha kang palaka [Frog emoji],” pahayag ng aktres.

Hindi na rin pinag-isip ni Vivian ang netizens kung para kanino ang inilabas n’yang patutsada.

Inilagay kasi n’ya sa comment section ang isang quote art na naka-associate kay First Lady Liza Araneta-Marcos.

Nakalagay doon ang photo ng unang ginang at ang naging pahayag nito sa interview nito with Anthony “ka-Tunying” Taberna na inilabas sa YouTube noong April 19.

Natanong kasi ito roon kung anong mensahe n’ya sa kanilang mga kritiko kabilang na si Vice President Sara Duterte, mga kapatid nitong sina Baste at Paolo, at amang si former president Rodrigo Duterte.

“Bring it on, honey. You are the size of your enemy. I will never stoop down that level. Everytime they say that, they become uglier and uglier. Just look at their face ‘di ba? Tayo, cute pa rin tayo. What a life. Bring it on. There is such thing as karma,” sabi ni FL Marcos. 

SCREENSHOT: @vivianvelez888 on YouTube

Dahil sa ginawang ito ni Vivian, agad na ipinagpalagay ng kanyang followers na para sa unang ginang ang kanyang post.

Sinang-ayunan naman s'ya ng mga ito sa inilabas niyang patutsada.

Kung matatandaan, si Isko Moreno ang sinuportahan noon ng aktres during the 2022 presidential elections, habang ang bise presidente naman n’ya ay ang nanalong si VP Sara.

Samantala, as of this writing ay wala pang sagot ang kampo ng first lady tungkol sa bagay na ito.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Hiling ni FAP head Vivian Velez, ibigay sa FDCP ni Liza Diño ang paghawak ng MMFF; “Wala sa charter nila [MMDA] ang mag-conduct ng isang film festival.”

Isabel Rivas, tinawag na "no brains" at "ingrata” si Vivian Velez; Vivian, nagpasaring at humiling na sana ay “ma-tokhang” ang "dating inggiterang actress friend.”

Jaclyn Jose, humingi ng tawad sa pagtawag kay Vivian Velez na “piece of sh*t”; Vivian, tinabla si Jaclyn at tinawag naman na “toxic friend.”

Isabel Rivas, nagpa-drug test upang pasinungalingan ang pasaring ni Vivian Velez

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.