Pasilip nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa pregnancy journey ng aktres, nag-trending!

SCREENSHOT: Happy Islanders on YouTube

SCREENSHOT: Happy Islanders on YouTube

Trending ngayon ang latest vlog entry ng life partners na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na in-upload kahapon, January 24.

May title itong “Our Birth Vlog!” kung saan ipinakita nila sa kanilang fans ang kanilang journey with their new baby na si Koa.

Kabilang na nga dito ang pregnancy reveal na ginawa ni Andi last August 30 na s’yang naging pinaka-surprise n’ya sa birthday ni Philmar. 

“I’m so happy to be building this family with you and I hope you consider this an amazing gift for you on your birthday,” sey pa ni Andi sa clip na ipinakita sa vlog. 

Naisama din sa vlog ang panahon kung kailan uli sila nagkasama-sama. Naiwan kasi si Philmar sa Siargao sa loob ng ilang buwan nang lumuwas pa-Maynila sina Andi, ang panganay na si Ellie, at one-year-old daughter nilang si Lilo. 

S’yempre, pati ang gender reveal sa baby ni Andi na naganap noong December 13 ay nandoon din. 

Kabilang pa sa mga ipinakita ay ang pagkakataon ng panganay ni Andi si Ellie na makita ang kanyang baby habang nasa loob pa ng kanyang sinapupunan through prenatal ultrasound.

Hangang sa dumating nga ang araw na kanilang pinakahihintay, ang January 17. 

“Hey, guys, it is now 4 AM of January 17,” salaysay ni Andi sa video. “I just had my first meal, my breakfast and my coffee because I’m not allowed to eat anymore after this until after my operation.”

May pasilip din sila habang nasa waiting room sa hospital kung saan inamin ni Andi na nininerbiyos s’ya. 

At bago s’ya ipasok sa delivery room, naibilin pa n’ya sa fiance na si Philmar na basahin nito ang sulat na inipit n’ya sa kanyang libro. Hindi kasi pinasama sa loob ng delivery room ang professional surfer.

Napaluha pa si Philmar nang mabasa n’ya ang sulat ng kanyang fiancee.

Narito ang laman ng sulat ni Andi para kay Philmar:

“Mahal,

“Here we go again! Hope you are as happy as I am that our baby is on the way. 

“Thank you so much for everything! Thank you for always being my side, for being my biggest support, for helping me to be the best parent I can be to our kids. 

“I am the happiest since you asked me to be yours forever and to be your partner in life, as we go through this experience with you.

“My kids are very lucky to have you as their papa.

“I love you!”

After few hours ay matagumpay na naisilang ni Andi ang kanilang baby boy and they named him Koa Eigenmann Alipayo. 

(According to babynames.com, mula sa Hawaii ang salitang Koa na nangangahulugang warrior or brave one.)

Ipinakita rin sa vlog ang mga bonding moment nina Andi, Philmar at ng kanyang baby habang nasa recovery room sila. Nagsisilbi pang entertainer ng aktres si Philmar paminsan-minsan dahil game na game ito sa pagsasayaw.

As of this writing, humakot na sa mahigit 592K views ang kanilang vlog na mapapanood dito:

Congratulations, Andi and Philmar!
 


YOU MAY ALSO LIKE:

Andi Eigenmann posts photos of her DIY maternity shoot at 38 weeks pregnant

Pika's Pick: Andi Eigenmann gives birth to her first baby boy!

Pika's Pick: Meet Andi Eigenmann and Philmar Alipayo’s handsome island boy, Koa!

Anne Curtis, Bela Padilla, Jessy Mendiola, and more celebrities congratulate Andi Eigenmann for engagement with Philmar Alipayo

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.