Patricia Javier vies for the new title Noble Queen of the Universe; liyamado nga ba?

Ang kaibahan ng Noble Queen of the Universe advocacy pageant, ay open ito hindi lang sa mga married women, kundi maging pati sa mga single moms, divorsees, at anumang estado sa buhay for as long as empowered women sila.

PHOTOS: Anna Pingol

September 2018 nang koronahan si Patricia Javier—Genesis Canlapan-Walcher off-cam—as Mrs. Universe Finest Woman Philippines at ire-represent niya dapat ang Pilipinas sa Mrs. Universe 2019 pageant, a 12-year-old pageant for married women with causes, na gaganapin sa Guangzhou, China.

Pero dahil palit daw nang palit ng date ang Mrs. Universe competition, na-kompromiso si Patricia at kailangan niyang i-let go ang pagsali doon in favor of her family’s annual Christmas vacation.

Mas kailangang piliin ang pamilya,” paliwanag ni Patricia sa pikapika.ph.Kasi dapat ’yong Mrs. Universe, no’ng August [2019]...na-move siya nang na-move hanggang naging December...E, every December, pumupunta kami sa States, e. Nakabili na ’yong asawa ko ng [plane] tickets. Parang ang hirap na para baguhin mga schedules.

“E, kesa naman magkaroon kami ng hindi pagkaka-unawaan ng asawa ko...Kasi nandoon [sa States] ang mga kamag-anak niya.”

Ang asawa ni Patricia ay ang sikat na chiropractor ngayon na si Dr. Rob Walcher na nakilala at pinaksalan ni Patricia sa San Diego, California. 

Pero nang malaman daw niyang may Noble Queen of the Universe pageant na inorganisa si Mrs. Universe-Philippines 2011 na si Erin Noche, sumali pa rin daw siya dahil wala itong conflict sa schedule nilang pamilya. 

Nagkataon naman na dumating ito,” dagdag paliwanag ni Patricia. “Sabi ko, much better this one kasi we’re promoting our own advocacies talaga. In my case, it’s beauty, health and wellness.

“Sa totoo lang, lahat ng kasali dito, konti lang ’yong sumasali sa mga pageants talaga. Lahat dito ay simpleng babae na may kanya-kanyang propesyon...may doctor, may teacher...”

Enjoy na enjoy daw siya sa company ng mga candidates dahil para daw silang hindi magkakalaban sa contest, bagkus ay parang magkakapatid. Naka-form daw agad sila ng sisterhood dahil lahat daw ay pawang mababait.

Kung muling papalaring manalo, Patricia will be crowned as the first Noble Queen of the Universe (NQU).

Sa Sunday na, December 1, gaganapin ang coronation night ng Noble Queen of the Universe advocacy pageant and it will be held at The Manila Hotel. Pitong major awards daw ang paglalaban-labanan ng mga kandidata at ang mga mananalo will compete next sa host country na US of A.

Hosted by Marissa Sanchez and John Nite, the program includes giving out awards to seven empowered women namely Imelda Papin, Pokwang, Sanya Lopez, Gladys Reyes, Ara Mina, and Ina Alegre; habang si Manila Mayor Isko Moreno ang mag-o-opening remarks.

Sa tsika namang tila lamang na lamang agad si Patricia among the 21 candidates dahil sa kanyang celebrity status, eto ang sagot niya: “Tingnan nalang nila ’yong mga ginagawa kong projects...lately naman hindi ako masyadong nagso-showbiz. Mas more on outreach program kaming mag-asawa.

“And at the same time, I prepared for this, from the traditional gown to my long gown.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.