Paul Salas, na-depress matapos karirin nang todo ang pagiging kontrabida

Pinuri ni Ruru Madrid ang dedikasyon ni Paul Salas sa pagganap nito bilang kontrabida niya sa action fantasy series nilang Lolong.   “Sobrang proud po ako kay Paul Salas kasi sa amin pong lahat s’ya ’yong tipong… Minsan, nage-get together kami, nagwo-workout kami, s’ya hindi,” kuwento ni Ruru.   “Hindi s’ya makikisama kasi mababasa na ’yan ng script. Pag-aaralan na n’ya ’yong mga eksena na gagawin n’ya kinabukasan,” he added.

Photos: @paulandre.salas on Instagram

Pinuri ni Ruru Madrid ang dedikasyon ni Paul Salas sa pagganap nito bilang kontrabida niya sa action fantasy series nilang Lolong. “Sobrang proud po ako kay Paul Salas kasi sa amin pong lahat s’ya ’yong tipong… Minsan, nage-get together kami, nagwo-workout kami, s’ya hindi,” kuwento ni Ruru. “Hindi s’ya makikisama kasi mababasa na ’yan ng script. Pag-aaralan na n’ya ’yong mga eksena na gagawin n’ya kinabukasan,” he added.

Pangarap pala ni Paul Salas na mapasali sa isang action movie o serye at natupad daw iyon nang mapabilang s’ya sa upcoming Kapuso action-fantasy series na Lolong.

Ito ang inilahad n’ya sa virtual media conference para sa nasabing teleserye. Bagama’t nakasali s’ya noon sa Philippine adaptation ng Korean hit series na Descendants of the Sun, sa Lolong n’ya unang naranasan na magkaroon ng fight scene bilang kalaban ang role n’ya dito ng bidang si Ruru Madrid.

Kaya naman kinumusta s’ya ng entertainment press ngayong nabigyan s’ya ng bagong project na kaiba sa mga dati na n’yang nagawa. 

Dito nga n’ya nasabi na dream come true na makagawa ng isang action-packed TV series. 

“Dream ko po talaga is ’yong maisama sa action, kung hindi man sa movie, e, sa serye. Parang dream come true to dahil first time ko rin talaga na mag-action kaya nag-train ako,” lahad ng Kapuso actor.

Hindi naman n’ya ikinaila na talagang na-challenge s’ya dahil nga maraming elemento ng show ang bago sa kanya. 

“Sa una medyo nangangapa pa ako. ’Di ba, Ru?” tanong pa n’ya sa co-actor na si Ruru. “Pero sobrang ini-enjoy ko talaga bawat moment saka nagtitiwala lang din talaga ako sa production, kila direk [Rommel P. Penesa].

“Sobrang laki rin talaga ng tulong nila sa akin dahil binigay rin nila ’yong tiwala nila sa akin, na alam nilang kakayanin ko.”

At dahil kinarir nga n’ya ang kanyang pagganap sa kanyang karakter, talagang dumikit daw iyon sa sistema n’ya at naapektuhan s’ya mentally. 

“Minsan sobra din akong nade-depress dahil sa character ko, kumbaga naisasama ko na rin sa sarili ko,” pag-amin ni Paul.

Pero satisfied naman umano s’ya sa naibigay n’yang performance for their upcoming show. 

“And mukha namang nakaya ko. Mukha namang na-push ko rin ’yong sarili ko na talagang gawin ’yong best ko… Memorable sa akin itong show na ito and dream come true talaga,” saad pa ng aktor.

Nagbiro pa s’ya nang matanong s’ya kung naging supportive ba sa kanya ang bida ng serye na si Ruru.
 
“Sobra, gabi-gabi. Hahahaha!” tila double meaning na sagot n’ya na ikinatawa ng lahat ng co-stars n’ya.

Kidding aside, pinuri n’ya si Ruru na nagsilbi daw nilang motivation sa set na galingan din dahil nga all-out ito pinagbibidahan n’yang TV project. 

“Kaya nga sabi ko, sobrang proud ako para kay Ruru. Grabe, kakaibang leader si Ruru. Dahil sa kanya, kumbaga, kaya rin kami naging ganito ka-close,” lahad ni Paul.

“At dahil sa kanya kaya gusto rin naming ibigay ’yong best namin dahil nakikita naming s’ya… Naku, parang ako na ’yong napapagod para kay Ruru. Nu’ng nakita namin ’yon, ayaw rin naming mapahiya. Gusto naming pumantay kay Ru dahil alam naming mahalaga sa kanya ito,” dagdag pa n’ya.

“So, sana naman, e, natuwa ka sa pag-portray ko ng Martin dito, Mr. Ruru Madrid,” natatawa at direktang pag-a-address n’ya sa bida ng show. 

Sagot naman ni Ruru, “Sobra, bro. Naibigay mo rin naman sa akin ’yon.”

Ibinalik din n’ya ang papuring ibinigay sa kanya ni Paul. 

“Sobrang proud po ako kay Paul Salas kasi sa amin pong lahat s’ya ’yong tipong… Minsan, nage-get together kami, nagwo-workout kami, s’ya hindi,” kuwento ng aktor. 

“Hindi s’ya makikisama kasi mababasa na ’yan ng script. Pag-aaralan na n’ya ’yong mga eksena na gagawin n’ya kinabukasan,” he added. 

“Nu’ng unang beses na nag-fight scene kami sobrang nangangapa s’ya pero hindi n’ya hinayaan na maging ganu’n s’ya hanggang dulo. 

“Talagang nag-training s’ya. Nagpurisge s’ya kaya sobrang laki po ng improvement n’ya. Sobrang proud po ako kay Paul Salas,” pagtatapos ni Ruru.

Kasama din nina Paul at Ruru sina Arra San Agustin, Shaira Diaz, Mikoy Morales, Rochelle Pangilinan, Maui Taylor, at ang ilang bigating artista gaya nina Jean Garcia, Malou de Guzman, at Christopher de Leon, at marami pang iba sa highly anticipated action series.

Mapapanood ang Lolong simula July 4 sa GMA Telebabad.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.