Proud son ang Kapuso actor na si Paul Salas sa kanyang ina, si Michelle Gonzalez Solinap, na isa ng beauty queen ngayon.
Si Michelle ang isa sa anim na kinoronahan sa Mrs. Universe-Philippines na ginanap sa Okada Manila noong October 2. Ni-represent ni Michelle ang Iloilo at kinoronahan siya bilang Mrs. Philippines Universe FDN-Continental Asia. Dahil dito, isa rin siya sa lalaban sa Mrs. Universe pageant na gaganapin sa South Korea sa December.
Ang magandang nanay ni Paul ay kapatid ng aktor ding si Arthur Solinap (na asawa naman ni Rochelle Pangilinan). At sa mga hindi pa nakaka-alam, ang ama naman ni Paul ay ang dating miyembro ng Universal Motion Dancers (UMD) na si James Salas.
Nanghihinayang si Paul na hindi niya na-witness na makoronahan ang mommy niya dahil nataon namang may taping siya para sa Mano Po during the coronation night.
But just the same, proud na proud daw siya sa kanyang mommy.
“Proud na proud po,” bungad niya sa aming online chat. “Una, dahil walag tumulong kay Mom. Halos kung hindi ako, ang ibang mga friends niya na nag-sponsor sa kanya.
“Kaya sobrang nakaka-proud po at deserve po niya talaga ang nakuha niyang title na ’yon sa pagod pa lang niya. Pero at the same time, malungkot din po ako kasi nga, hindi ako nakapunta at nakapanood dahil may shoot po kami ng Mano Po.”
Natawa naman kami kay Paul nang kumustahin namin kung ano ang una niyang naging reaksiyon noong una niyang malaman na may plano pa lang sumali sa Mrs. Universe Philippines ang nanay niya.
“Noong una, nainis ako,” natatawa ring balik-tanaw niya. “Pero at the same time, napapangiti ako at na-realize ko na sinunod niya ang sarili niya this time.
“Sinunod niya na mag-try ng ibang challenge for her. So, sinabi ko na lang kung gusto niyang talaga, nandito naman kami ng mga kapatid ko na naka-suporta sa kanya.”
Ang kay Paul lang, kaya siya mixed emotions noong una sa balak na pagsali ng ina sa beauty contest, dahil bakit daw pinatagal pa nito.
“At saka baka may magka-gusto sa kanya, gano’ng may mga swimsuit-swimsuit,” natatawang lahad pa ng may pagka-protective palang binata.
YOU MAY ALSO LIKE:
Paul Salas, na-depress matapos karirin nang todo ang pagiging kontrabida
Paul Salas, kinumpirmang “dating” sila ni Mikee Quintos
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber