Payo ni Cristy Fermin kay Enchong Dee ukol sa warrant of arrest nito: “’Wag mong paliitin ang mundo mo, mag-voluntary surrender ka.”

Nasampahan ng 1B cyber libel si Enchong dahil sa reaction tweet niya noong Agosto 14, 2021 tungkol sa umano’y magarbong kasalan ng party list representative sa kanyang kababatang si Ginoong Jose Lim lll na ginanap sa Balesin Island Resort. Narito ang laman ng tweet ng aktor: “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.” Bagama’t marami pang netizens, kabilang ang iba pang celebrities, ang nag-post din ng kani-kanilang reaction sa umano’y magarbong kasalan, namukod tangi, para sa mga prosecutors, ang “reckless at irresponsible” tweet ni Enchong dahil ipinalalagay umano nitong nakaw ang ginamit na pang-gastos sa kasal.

Photos: Instagram

Nasampahan ng 1B cyber libel si Enchong dahil sa reaction tweet niya noong Agosto 14, 2021 tungkol sa umano’y magarbong kasalan ng party list representative sa kanyang kababatang si Ginoong Jose Lim lll na ginanap sa Balesin Island Resort. Narito ang laman ng tweet ng aktor: “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.” Bagama’t marami pang netizens, kabilang ang iba pang celebrities, ang nag-post din ng kani-kanilang reaction sa umano’y magarbong kasalan, namukod tangi, para sa mga prosecutors, ang “reckless at irresponsible” tweet ni Enchong dahil ipinalalagay umano nitong nakaw ang ginamit na pang-gastos sa kasal.

Hindi nai-serve ng mga otoridad kay Ernest Lorenzo Velasquez Dee, mas kilala bilang si Enchong Dee, ang warrant of arrest para sa 1B cyber libel case na isinampa ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Representative Claudine Diana Bautista-Lim. 

Ayon sa binasang mensahe ni Cristy Fermin sa online program niyang Cristy Ferminute mula sa hindi pinangalanang source, hindi umano natagpuan ng mga otoridad si Enchong sa address na ibinigay nito na isang paupahang establishment na pag-aari niya sa Cubao, Quezon City noong Miyerkules, January 26. Napag-alaman umano ng mga otoridad na hindi naman doon nakatira ang aktor. 

“Nag-prosper po ’yung kaso sa piskalya at ngayon po ay mayroon na itong titulong People of the Philippines versus Ernest Lorenzo Velasquez Dee aka Enchong Dee,” pag-i-inporma ni Cristy sa kanyang tagapanood. 

“Ang kasong criminal na cyber libel ay nasa RTC (Regional Trial Court) ng Davao Occidental at siyang naglabas ng warrant of arrest nu’ng January 25, 2022.”

“Ang pinakamagandang magagawa rito ni Enchong Dee ay ang voluntary surrender,” analisa at indirect na payo ni Cristy kay Enchong. “Doon po siya pupunta sa judge na nag-issue ng warrant of arrest.  Doon po sa sala na ’yun ay pupuwede siyang maglagak ng piyansa. 

“Hindi po pupuwedeng pagtaguan ito dahil lahat po ng sangay ng kapulisan ay pinadadalhan [ng kopya ng warrant of arrest]. 

“At heto pa po puwede ring mag-piyansa si Enchong Dee dito sa Maynila basta hawak niya ’yung WA niya...kasi sa Davao Occidental yan.” 

Nasampahan ng P1B cyber libel si Enchong dahil sa reaction tweet niya noong Agosto 14, 2021 tungkol sa umano’y magarbong kasalan ng party list representative sa kanyang kababatang si Ginoong Jose Lim lll na ginanap sa Balesin Island Resort. 

Narito ang laman ng tweet ng aktor: “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.”

Bagama’t marami pang netizens, kabilang ang iba pang celebrities, ang nag-post din ng kani-kanilang reaction sa umano’y magarbong kasalan, namukod tangi, para sa mga prosecutors, ang “reckless at irresponsible” tweet ni Enchong dahil ipinalalagay umano nitong nakaw ang ginamit na pang-gastos sa kasal.

At kahit dinelete ng aktor at nag-public apology ito sa kongresista at pamilya nito, the damage has been done na raw. 

Samantala, sa paniniwala ni Cristy ay hindi naman nagtatago ang aktor kundi baka humahanap lang ng tiyempo o sumusunod sa payo ng kanyang abogado. 

Pero muling nagpayo si Cristy sa aktor.

“Pero ang pinaka ano diyan, ’wag mong paliitin ang mundo mo, mag-voluntary surrender ka at kung magkano ang piyansa, kailangan mo talagang ibigay sa korte.” 

At mukhang tama naman ang beteranong manunulat  na baka nga nag-iisip-isip lamang ang aktor dahil base sa post niya sa kanyang Instagram account nito lang Huwebes, January 27, pwedeng ipalagay na nasa beach vacation ito habang isine-serve ang WA. 

Ang caption pa ni Enchong sa larawan niyang nasa tabing dagat: “sunblock primer works really well on me kahit buong araw na nakabilad. 

“P.S. parang ang tagal ko ng di nabanggit yung salitang Bilad… nakabilad… ibibilad.” 

Bukod dito ay may post pa ang aktor ng ini-endorso niyang coffee maker brand na ang caption, “I’m making coffee… who wants coffee?!”

Anyway, may mga nagsabing “wanted” and status ni Enchong ngayon dahil nga hindi siya naabutan ng mga otoridad sa kanyang known address. Pero paniguradong may ginagawa naman ang aktor tungkol sa bagay na ito alinsunod ng advise ng kanyang abugado.

In the coming days ay malamang na may development na ang istoryang ito. Bukas ang pikapika sa panig ni Enchong Dee.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Apology ni Enchong Dee, hindi sapat para kay Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim; P1B ang katapat

Kahit abswelto sa libel case, Ogie Diaz, hindi makapagbunyi dahil naaawa kay Enchong Dee

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.