May ibinigay na fatherly advice ang former Gwapings member na si Eric Fructuoso sa kanyang eldest son na si Frederick ngayong magkakaroon na ito ng sariling pamilya.
Si Eric ang isa sa dating miyembro ng boy group na Gwapings na sumikat noong 90s kung saan nakasama n’ya sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez.
Sa short video na ipinost ng actor-entrepreneur sa Instagram kagabi, August 9—na may caption na “im gonna be a Lolo!”— pinayuhan n’ya ang kanyang 21-year-old panganay na huwag nang gayahin ang mga pagkakamali n’ya noong araw.
“O, eto, ikakasal ka na, magkaka-baby ka na… Eto ha, based on experience lang ha. Hindi ko sinasabing sundin mo, hindi ko sinasabing gayahin mo ako...,” panimula ni Eric sa video habang katabi ang gwaping ding anak.
“Pero marami akong pagkakamaling ginawa, especially sa mommy mo at sa mga sumunod na asa…e, na... ayan na!...”
Sa puntong ito ay na-interrupt ang pagpapayo ni Eric sa anak dahil nahulog bigla ang cellphone na gamit niya sa pagbi-video.
Nang muling maisayos ang cellphone, iitinuloy ng aktor kung ano ang mga dapat gawin ni Frederick para maging mabuting asawa.
“Ito pinakapayo ko sa’yo,” pagpapatuloy ni Eric. “Alagaan mo ’yong asawa mo. Papakinggan mo s’ya, susundin mo s’ya. ’Wag kang magpapadala sa temptation.”
Magpa-hanggang ngayon daw kasi sa edad n’yang 44 ay lagi pa rin s’yang nabibiktima ng tukso.
“Dahil anak, sinasabi ko sa’yo, hanggang sa edad ko ngayon tina-trabaho ako ng babae lagi,” natatawang paliwanag n’ya kay Frederick.
“Hindi ko na-experience manligaw, anak. Pero lagi akong tinatrabaho. Kaya minsan nauuto ako.
“Wala, e. Marupok pa ako. Naniniwala pa ako pag sinabing ‘I love you’... ako naman ‘I love you rin,’ ’di ba?”
Pangri-real talk pa n’ya, “Ibig sabihin, be true to your wife. Love her. Love her like there’s no tomorrow. And enjoy-in mo lang. ‘Wag kang magpapaniwala sa ibang babae, ha?”
“Yes, boss,” nakangiting tugon naman ni Frederick sabay sumaludo ito sa kanyang ama.
YOU MAY ALSO LIKE:
Mark Anthony Fernandez, muntik daw magdemanda noon dahil sa binawalang mag-workout sa kulungan
Grae Fernandez, susundan ang yapak ng lolo Daboy
Aiko Melendez, aminadong bwisit—pero hindi galit— sa ex-husband na si Jomari Yllana
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber