Payo ni Kakai Bautista sa basher ni Sanya Lopez: “Kung ayaw n’yo kay Sanya, idulog n’yo po ‘yan sa barangay.”

PHOTOS: @sanyalopez on Instagram

PHOTOS: @sanyalopez on Instagram

Hindi nakapagpigil ang comedienne-singer na si Kakai Bautista na sagutin ang basher ng kaibigang aktres na si Sanya Lopez sa kanya mismong Instagram account.

Isa kasing netizen ang nagkomento sa ipinost na TikTok video ni Kakai sa kanyang IG last June 19, kung saan magkasama silang sumasayaw ng First Yaya lead actress. 

Ikinatuwa ng kanilang mga fans ang todo-bigay nilang pagsayaw na ayon kay Kakai ay lalong ikinasakit daw ng likod n’ya.

“Ang saket saket ng nga ng likod ko! Niyaya mo pa ako magtiktok! How dare you !!!!!” pabirong pagmamaktol ng komedyana kay Sanya sa kanyang caption. 

While most of the netizens ay concern sa zipper ng shorts ni Sanya, isang basher naman ang tahasang nag-comment at sinabing, “Sanya Lopez OA mo.”

Hindi ito pinalagpas ni Kakai at agad na ipinagtanggol ang kaibigang aktres sa comment section.

“[M]ami di po pwede nega dito. Kung ayaw nyo kay sanya, idulog nyo po yan barangay,” patawang sagot n’ya sa basher. 

Nagbigay rin s’ya ng payo sa pagiging nega diumano nito. 

“Tsaka NAKAKAPANGIT PO at NAKAKAPAGPABILIS PO NG BUHAY ang nega sa social media at Nega sa totoong buhay mami,” aniya. “Gusto nyo na po bang mauna?”

“Ingat po mami!” pahabol pa ni Kakai.

SCREENSHOT: @ilovekaye on Instagram

Close friends sina Kakai at Sanya na co-stars din sa Kapuso teleserye na First Yaya kung saan gumaganap sila bilang sina Pepita at Yaya Melody, respectively.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Kuya Kim Atienza at mga Pinoy Netizens, dinipensahan si Kakai Bautista sa “demand letter” issue ng kampo ni Thai actor Mario Maurer

Kakai Bautista, binalikan ang “traumatized” episode ng buhay niya with Ahron Villena at kung paano sila nagkabati nito

Sanya Lopez, sasali daw sana sa beauty pageant kung hindi lang busy

Sen. Bong Revilla to new leading lady Sanya Lopez: “Looking at you right now, malayo ang mararating mo. At nangyayari na nga!”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.