Payo ni Pia Wurtzbach kay Rabiya Mateo: “Don’t stalk your co-candidates [on social media]. Dapat focused ka na lang.”

PHOTOS: @piawurtzbach & @rabiyamateo on Instagram

PHOTOS: @piawurtzbach & @rabiyamateo on Instagram

Ibinahagi ni Rabiya Mateo ang payo sa kanya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ngayong papalapit na ang 69th edition ng Miss Universe. 

Sa virtual interview sa kanya ni GMA showbiz reporter Kata Tibayan na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, April 29, nagkuwento ang pambato ng Pilipinas sa kanyang mga last-minute preparations para sa beauty pageant.

“These past few months I was able to squeeze everything out of me,” lahad ng 24-year-old Ilongga beauty queen sa interview. 

Ang tinutukoy n’ya ay ang pinagdaanan n’yang personality workshop, hair and make-up sessions, and workout training. 

“I trained really hard for my body. I spend time to read to improve my communication skills. So, now it’s all about the game of destiny,” saad pa ng Filipino-Indian beauty.

Thankful din daw s’ya sa natatanggap na mga messages of support mula sa iba pang Pinay beauty queens gaya ni Pia Wurtzbach na ikatlong Miss Universe titleholder mula sa Pilipinas. 

“This is the advice I got from Ms. Pia Wurtzbach. She told me, dahil malapit na ang competition, ‘Don’t stalk your co-candidates [on social media]. Dapat focused ka na lang. Stay on your lane. Run like a horse with blinders,’” aniya. 

‘Ganu’n ka dapat ‘cause it’s gonna add some pressure to you, e. Baka isipin mo you’re not enough. But this is your moment to shine,’” Rabiya recounted. 

“‘And ‘wag mo ita-try ipasok ang sarili mo sa mold ng ibang beauty queens. Iba sila, iba ka. This is your time to show the universe who Rabiya is.’”

Maliban pa dito, may ipinahiram din daw si Pia na lucky charm kay Rabiya na dala-dala n’ya ngayon sa USA kung saan gaganapin ang Miss Universe pageant.

Sey pa ni Rabiya, inaalay daw n’ya ang laban n’yang ito sa kanyang mga kababayan. 

Kayo talaga ang source ng energy kung bakit ko talaga ginagalingan dahil naniniwala kayo sa akin bilang tao at bilang isang beauty queen,” aniya.

At sana talaga maiuwi ko ‘yong ikalimang korona para sa bayan. Inaalay ko ‘to para sa inyong lahat,” pagtatapos ni Rabiya.

Sa May 6 na magchi-check in sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida si Rabiya kung saan idadaos ang Miss Universe pageant. Sa May 16 [May 17 sa Pilipinas] naman gaganapin ang coronation night.

Goal ni Rabiya na sundan ang yapak ng mga former Miss Universe winners mula sa Pilipinas na sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pia Wurtzbach on Rabiya Mateo's mindset to win the Miss Universe crown: "You're on the right path."

Netizens praise Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo for her stand on "Filipino resilience"

LOOK: MUP 2020 Rabiya Mateo “paints the town red” in her Iloilo homecoming

MUP 2020 Rabiya Mateo on her boyfriend of six years: “He just made me promise not to leave him. And I’m gonna do my best to fulfill it.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.