Pelikula ni Nora, napunta kay Sylvia

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Last year pa ay naging usap-usapan na may gagawing pelikula si Superstar Nora Aunor under the helm ng movie writer-turned-movie director na si Ronald Carballo. At ito dapat ay ang Jesusa na tungkol sa isang ina struggling to be a good human being sa gitna ng isang masalimuot na buhay. Pangarap na niya noong araw pa na maka-trabaho ang Superstar at inakala niyang bagay na bagay para sa role.

 

Sumumpa pa noon si Direk Ronald, na siya ring sumulat ng material, na hindi niya gagawin  ang pelikula kung hindi rin lang si Ate Guy, nickname ng Superstar, ang magiging title role.

 

Maayos daw ang naging initial na usapan nila. Marami raw hiniling na kundisyon ang Superstar na kahit makaka-apekto sa maraming elemento ng produksyon ay ino-ohan na rin ni Direk Ronald sa kagustuhan nga niyang mai-direk ang “nag-iisang Supertstar.”

 

At isa na raw dito ay ang pag-a-adjust ng produksyon sa self-imposed working hours ng Superstar.

 

“Iba na pala ang kanyang day effect at night effect,” esplika ni Direk Ronald sa ginanap na presscon ng Jesusa kahapon, January 29, sa West Avenue Suites sa Quezon City. “Sa shooting, magkahiwalay. So, ’yong one day [shoot], definitely magiging two days. Kasi pag day effect lang daw siya, 8 am to 5 pm lang siya; kung night effect, 4pm lang siya to 9pm.

 

“So, mahahati into two days talaga ’yong isang araw. Pero kahit ganoon pa, pumayag ako sa punto na ’yon.”

 

Pumayag din daw siya sa gustong talent fee ni Ate Guy, bagamat hindi na niya ito siniwalat kung magkano.

 

Laking gulat daw niya na noong magpi-pirmahan na sila ng contract at ibinalik niya sa Superstar through e-mail ang mga napagkasunduan nila ay umatras itong bigla.

 

“Nagbago na ’yong isip niya,” patuloy ni Direk Ronald. “Marami na siyang tanong—mga nakakagulat na tanong. Hanggang nakausap ko siya sa phone, naiyak talaga ako sa phone dahil hindi ko akalaing maiiba ’yong usapan sa napag-usapan na.”

 

Sinabi raw niya sa Superstar, sa harap ng handler nito, na pag-uusapan muna nila ng production team ang mga baga-bagay.

 

“Hapon ko siya kausap, that same night, tinext ko na ’yong handler at sinabi kong na-decide ko at na-decide ng team na papalitan namin siya.”

 

The following day daw ay nagbago na naman ang isip ng Superstar at gagawin na ang Jesusa. But this time, ang kampo naman ni Direk Ronald ang humindi dahil nakatakda na silang makipag-meeting sa nailip nilang kapalit ni Ate Guy na si Sylvia Sanchez.

 

Nilinaw din ni Direk Ronald kahapon na walang kinalaman ang schedule ni Ate Guy kaya hindi sila natuloy dahil bagama’t may teleserye ng Onanay si Ate Guy noon ay hindi pa raw naga-announce na may extension ito at that time.

 

Bagama’t nalungkot, inisip na lang daw ni Direk Ronald na baka hindi talaga ukol ang material para pangarap niyang artista.

 

Naging blessing naman daw nang mapunta na kay Sylvia Sanchez ang proyekto.

 

“No’ng napunta kay Sylvia, nabura lahat na hindi ko gagawin ang pelikula kung hindi si Nora,” dagdap pa ni Direk Ronald. “Dahil nakita ko kung gaano ka-professional si Ms. Sylvia Sanchez, kung paano niya tinackle ’yong role.

 

“And eventually naisip ko talaga, siya talaga ’yong binigay para mas lalong mapaghanda ’yong pelikula at maisa-buhay ’yong isang materyal na pangarap ko talagang gawin na matagal kong itinago.”

 

In the end, nagpasalamat siya kay Sylvia dahil diumano ay sinagip siya nito. “Masyado akong nalungkot. Akala ko hindi na matutuloy ’yong pelikula. Nong napunta kay Sylvia, lalo akong natuwa at hindi ako nagkamali na kay Miss Sylvia Sanchez napunta ang pelikula.”

 

Incidentally, Jesusa is slated for showing in time for the Mother’s Day in May.

 

Here’s the full video statement of Direk Ronald:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.