Phoemela Baranda and partner Jason Choachuy are expecting a baby girl!

PHOTOS: @phoemelabaranda on Instagram

PHOTOS: @phoemelabaranda on Instagram

Baby girl ang ipinagbubuntis ng model and TV personality na si Phoemela Baranda!

Tungkol sa ginanap na intimate baby shower ang naging laman ng Instagram post ni Phoemela last Sunday, February 7. Sa nasabing party ay ipinaalam na din n’ya na girl ang ipinagbubuntis n’ya sa partner n’yang si Jason Choachuy na isang businessman and professional race car driver. 

In the series of uploaded photos, makikitang naka-pink na maternity dress ang TV host sa home gathering na in-organize ng family and close friends n’ya. Makikitang nakalagay din sa celebratory cake ang topper na: “It’s a Girl!”

“We can’t wait to meet our little one,” sey ng 40-year-old Viva artist sa kanyang IG post. “At this point you’re already so loved & we know you will be a bundle of joy to everyone.”

At tila may naisip ng name sina Phoemela at Jason sa kanilang baby dahil makikitang nakapangalan agad kay “Baby Illya” ang mga natanggap nilang gifts gaya ng baby wash.

According to nameberry.com, the name Illya is a Russian variation of Elijah na nangangahulugang “The Lord is my God.”

Matatandaang in-announce ni Phoemela last November 2020 na nasa ikalimang buwan na s’ya ng kanyang pagbubuntis with her Baby No. 2 at the age of 40.

Kasabay ito ng pagpo-pose s’ya bilang cover ng Preview magazine.

Sa naging interview pa n’ya sa nasabing fashion magazine, sinabi ng TV host na plinano nila ng partner n’yang si Jason ang pagkakaroon nila ng baby. 

“I've always wanted another child, and my partner [wanted one] as well –it’s his first,” aniya.

At present, 22 years old na ang panganay ni Phoemela na si Kim Nichole.

Nakatakda namang isilang ni Phoemela ang baby girl nila ni Jason this coming March. 

Congratulations, Phoemela and Jason!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Former PBB housemate Fourth Solomon and wife Grizelle Gratela excited to meet upcoming first child Robert Gavin

Miriam Quiambao announces second pregnancy at 45

LOOK: Isabelle Daza reveals she is pregnant with second baby!

Oyo Sotto and Kristine Hermosa expecting 5th child

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.