Naniniwala si Pia Wurtzbach na nasa "right path" ang recently crowned Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo para masungkit nito ang ikalimang Miss Universe crown ng bansa.
Naka-online tsikahan kasi ng former Miss Universe titleholder kasama ang iba pang beauty queens na sina Carla Jelina Lizardo (Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010) at Bianca Guidotti (Binibining Pilipinas International 2014) si Rabiya sa online show nilang Queentuhan bago ang naging homecoming ng huli sa Iloilo City.
Last Tuesday, November 24, in-upload ang naging interview nila kay Rabiya sa YouTube channel ni Pia.
Una nilang natanong ang mga pagbabago sa buhay ng Ilongga beauty queen matapos nga niyang mapanalunan ang korona last October.
"Ngayon, parang na-master ko na 'yong art of power nap. Hahaha!" pagbabahagi ng 24-year-old lecturer-turned-beauty queen. "Kasi pasimple na lang [na] nakapikit. Akala ng iba nagdarasal [pero] natutulog na po ako. Para lang to restore my energy."
Abala man sa dami ng commitment, hindi naman daw nagrereklamo si Rabiya.
"I am not complaining," aniya. "Sabi ko nga, 'Now that I am busy, it's a testament na God is doing great things for me.'"
K'wento pa n'ya, ang nanay daw n'ya ang nag-encourage sa kanya na sumali sa Miss Iloilo pageant last January kahit na nasa Manila daw s'ya that time working as a lecturer sa isang review center.
Kinailangan n'ya daw umuwi mula Manila hanggang Iloilo every weekend para umantend sa mga events, meetings at rehearsals.
Worth it naman ang sakripisyong inilaan ni Rabiya dahil nasungkit n'ya ang Miss Iloilo Universe kaya s'ya ang naging kinatawan ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines pageant. Hanggang sa nagkaroon nga nang mahabang lockdown due to COVID-19 pandemic.
"During the pandemic po, I realized that I have a lot of time," sey pa n'ya sa online show. "The pageant is quite long pa naman, why not use my time to help my community.
"So what I did... I love to cook but I'm not a perfect cook. And given the chance, I won't cook for you kasi nahihiya ako ma-judge, especially ni Ms. Pia. You took culinary arts. Nahihiya naman ako," natatawang pahayag n'ya.
Alam daw n'ya ang pagod at hirap ng mga frontliners dahil mga nurse daw ang karamihan sa kanyang mga kamag-anak at maging ang boyfriend n'ya for six years na kaya sinubukan din daw n'yang makatulong sa kanila in her own little way.
"So nagluto ako ng pancit, ng adobo, ng fried rice and dineliver ko po sa mga hospitals in Iloilo City," lahad pa ni Rabiya. "And at the same time, feeling ko ito din 'yong natutunan ko during the pandemic is to produce 'yong PPE [personal protective equipment] natin.
"Natuto po akong manahi. Para ka lang uli bata na gugupit-gupit, tatahi-tahi ka, magso-sort ka. Sabi ko nga... Kapag tumulong ka pala talaga hindi mo nararamdaman 'yong pagod kasi may maganda itong nadudulot especially sa mga taong malaki din ang sakripisyo during the pandemic."
Kahit nataon sa pandemic ang kanyang pagkapanalo, positive pa rin daw ang pananaw ng Filipino-Indian beauty titleholder.
"[Year] 2020 is a challenging year for me. But this is my year kasi two crowns talaga ang binigay sa 'kin ni Lord."
Natanong din ni Queen P si Rabiya kung naka-try ba s'ya na sumali sa mga school pageants before.
"Miss Sports,"sagot naman n'ya. "Ang funny about that, hindi ako nanalo. Hahaha! Sabi ko nga, 'Kung school pageant hindi ko maipanalo, magmi-Miss Iloilo pa ako? May ganu'ng holdback during that time.
"Pero sabi ko, 'No, it's diffrent!' Kasi ngayon I have the wisdom, I have the experience, I'm a different woman now. And my intention to the crown is really pure. So sabi ko, 'I'm gonna give it a try.'"
Malaking factor din daw sa kanyang pagkapanalo ay ang pagiging confident n'ya sa pagsasalita na nakuha n'ya sa kanyang pagiging lecturer for two years.
"'Yong microphone, it's like my comfort zone," sey pa ng Iloilo City pride. "Every time I'm holding a mic I can extend my energy to my listeners.
"And sabi nga ni Sir Gerry [Diaz of Aces & Queens] dati with other candidates, the problem is wala silang energy. Sa 'kin, kailangang bawasan ang energy ko kasi everytime I speak para akong nagtuturo. 'Ito! Ito! Ito i-note n'yo.' Parang ganyan. That was my struggle.
"But yes, it was good training ground because, at least, hindi ako takot to public even for a fact na magkamali ako. My grammar is not perfect. My diction is not perfect.
"I know that my content is good. It's great. And I have the heart to speak to people. And the reason behind...it's because I've been training in the field of education."
Pinuri naman ni Pia ang pagiging palaban ni Rabiya pagdating sa kudaan sa Question and Answer na kadalasan ay Waterloo ng mga beauty pageant contestants.
"That's so good," komento ni Pia. "Kailangan natin ng mga candidates na ganyan, guys. 'Yong makikipag-agawan ng microphone.
"Kasi,'di ba, mas marami 'yong kinakabahan or as much as possible, 'Sana 'wag mabigay sa akin 'yong tanong na ganyan,' or 'Sana hindi ako 'yong tanungin,'" pagpapatuloy n'ya.
"Pero maganda 'yang quality na 'yan, Rabiya, na gusto mong kunin ang microphone. That's so good. At sa mga nanonood ngayon, they're so at ease, hearing it from you that you're not afraid of the Q & A."
Tugon naman ni Rabiya, kailangan pa n'ya mag-training para lalo s'yang mahasa. Hindi rin daw s'ya takot sa criticism mula sa pageant fans.
"I'm gonna be honest about it. I'm not yet in my best fighting form," pag-amin n'ya. "And I really need to work hard to become a better candidate.
"Now, sabi nga nila, with the doubt of a lot of people, it polishes me... Akala ng iba, if they say bad things about me masisira ako. But no. I can build myself from criticism. I can do better. I know myself. I know my body. And now I'm very much excited to start my training."
Dagdag naman ni Pia, tamang landas daw ang tinatahak ngayon ng Miss Universe Philippines 2020 para maiuwi ang ikalimang korona ng bansa mula sa Miss Universe.
"Perfect 'yong formula mo na 'Know when to peak,' sey ng Miss Universe 2015 winner. "Perfect 'yon na nagpo-focus ka lang sa goal mo at doon mo nilalabas 'yong energy mo.
"I think you're already on the right path, Rabiya. You don't need a lot of work. I mean work, 'yong parang may babaguhin pa sa way of thinking mo... You're on the right path," dugtong pa n'ya.
"You are our bunso," ani Pia kay Rabiya. "Sinearch ko 'to, actually. Totoo, s'ya kasi 'yong pinakabata. S'ya din naman kasi ang pinaka-recent. S'ya kasi ang pinakabata so sabi ko s'ya 'yong bunso.
"Bunso, make us all proud," pagtatapos ni Pia.
YOU MAY ALSO LIKE:
LOOK: MUP 2020 Rabiya Mateo “paints the town red” in her Iloilo homecoming
Netizens praise Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo for her stand on "Filipino resilience"