Bukas sa idea ng pagkakaroon ng anak ang newest real-life love team ng bayan na PieDu nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.
Inilahad nila ito sa Part 2 ng #AskPieDu vlog nila na in-upload sa YouTube dalawang araw bago sumapit ang Valentine’s Day.
Isa kasi sa mga nabunot nilang tanong na ipinadala ng kanilang mga fans ang question kung gusto pa ba nilang magkaroon ng anak if given a chance.
Kapwa may anak naman na sina Edu at Cherry Pie with their respective past relationships at ang tinatanong ng kanilang fans ay kung gusto pa nilang bumuo ng anak naman nilang dalawa.
Idinaan pa ng aktor sa biro ang sagot dito at sinabing sumailalim na daw s’ya sa tubal ligation kaya hindi na s’ya p’wedeng magbuntis na ikinatawa naman ng nobya n’yang aktres.
“Ako, hindi na. Nagpa-ligate ako. Ayoko na,” seryosong pagbibiro ni Edu. “Nahihirapan ako, e, lalo na ’yong 8th month. Doon ako nahihirapan sa 8th month.”
Biglang bawi n’ya, “Who wouldn’t want babies? ’Di ba? I would love to have… Oo naman.”
“Talaga? Lalo na ako. I only have one,” sagot naman ni Cherry Pie.
Natatawang baling pa n’ya sa unico hijo n’yang si Anton na nakapuwesto behind the camera, “Ayaw mo na, anak?”
Say pa n’ya kay Edu, “I mean, ’di ba, siguro ang ganda ng anak natin, Hon.”
For Edu, gusto n’yang baby girl ang maging anak nila ni Cherry Pie kung sakali dahil dream daw n’yang maisayaw ito on her 18th birthday party.
“Oo, gusto ko sana. Kasi ang iniisip ko minsan, pag naging 18 [years old s’ya] ang gusto kong mangyari maisayaw ’yong anak ko sa kanyang debut,” pagbabahagi ng aktor.
Hindi daw kasi n’ya ito nagawa sa daughter n’yang si Addie when she celebrated her 18th birthday
“Si Addie? Hindi, naghanda ako. Nagpa-dancing lessons pa ako tapos biglang sinabi, ‘Daddy, ’yong gagastusin na lang sa party, punta na lang kami ng mga kaibigan ko sa Bora[cay].’ Sabi ko, ‘Pinaghandaan ko pa naman ’to. Pinag-ipunan ko ’to,’” pagbabaliktanaw n’ya.
Pero okey lang daw ’yon dahil mas mahalaga naman daw ang happiness ng kanyang only daughter.
“Ang importante naman ’yong kaligayahan n’ya. Hindi ’yong akin. ’Yon ang importante,” aniya.
“And it’s her birthday,” komento naman ni Cherry Pie sa inilahad ni Edu.
“Korek,” pag-sang-ayon naman ni Edu sa tinuran ng aktres.
At dahil sa missed opportunity na ’yon, si Cherry Pie na lang ang nag-volunteer na isayaw ni Edu ngayon.
“’Di bale, isayaw mo ako. Isayaw mo ako,” pagpi-presinta ni Cherry Pie sa kanyang nobyo.
“’Yaaannnn… maya-maya,” pilyong tugon naman ni Edu sa kanya.
For sure, guwapo o maganda ang magiging baby ng PieDu couple kung sakali.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber