Yey!!! Naayos na!! Ok ito na ang update. Nag punta ang Maynilad para icheck yung water line namin tapos pinalitan nila ang meter namin. Sabi nila need din pa check sa tubero namin baka may leak. So pinacheck namin, may leak po sa likod ng house pero maliit lang. Pero syempre nag question ako, bakit 120k umabot? Impossible po na aabot ng ganun kalaki sa isang buwan kahit may leak. Kaya ang ginawa nila tinest yung lumang meter namin. After po nun tumawag ang Zone Head nila sa amin to explain that since after testing the meter, nakita na worn out na din naman siya, so sabi niya na pag ganun daw po ang situation, automatic na daw po na they will instead charge us an amount equivalent ng average ng bill namin for the last 6 months. Kaya 2k++ nalang babayaran namin. Thank you po sa mga nag assist sa amin sa Maynilad. 🥰🥰🥰 #godisgood