PMPC best supporting actor nominee Rocco Nacino, thankful sa “kapatid” niyang Korean actor na si Jin Goo

Karangalan na raw para kay  Rocco Nacino ang mapabilang sa listahan ng mga batikang aktor na nominado for best supporting actor ng Star Awards this year. These actors include Gabby Eigenmann, Gardo Versoza, Jaime Fabregas, Michael de Mesa, Roderick Paulate, and Joel Torre.

PHOTOS: @nacinorocco on Instagram & idntimes.com

Karangalan na raw para kay Rocco Nacino ang mapabilang sa listahan ng mga batikang aktor na nominado for best supporting actor ng Star Awards this year. These actors include Gabby Eigenmann, Gardo Versoza, Jaime Fabregas, Michael de Mesa, Roderick Paulate, and Joel Torre.

Masaya at thankful ang Kapuso leading man na si Rocco Nacino sa tinanggap n’yang Best Supporting Actor nomination mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television. 

Ito ay para sa kanyang mahusay na pagganap sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Descendants of the Sun (DOTS) kung saan nakasama n’ya sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, at Jasmine Curtis-Smith.

Nahingan ng reakyson ang aktor tungkol dito during the virtual media conference para sa upcoming primetime series n’ya na To Have And To Hold kamakailan.

Parang normal lang…wow! Hahaha!” pabirong sagot ni Rocco, sabay bawi sa kanyang sinabi. “Akala mo every award giving body [nominated]. Hahaha! 

Turning serious, sinabi niyang masarap daw sa pakiramdam na naba-validate at naa-appreciate ng mga award-giving bodies ang kanyang trabaho bilang isang artista. 

“It felt so good para maranasan uli at maramdaman…nu’ng sinend sa akin ng mga program managers, ng mga bosses ’yong photo of the nomination, it felt so good to see something na… I felt appreciated with Diego Ramos as a character,” lahad ni Rocco.

At sa puntong ito s’ya nagpasalamat sa D’yos. Idinamay  pa niya ang Korean actor na si Jin Goo, ang gumanap sa character n’ya sa original version ng series. Ang pagiging magkamukha daw kasi nila ang nagbigay-daan para makuha n’ya ang role sa ginawang version ng GMA Network. 

Malapit na malapit sa akin ’yong Descendants of the Sun kaya nagpapasalamat ako kay God na ginawa N’yang ganito ang hitsura ko kaya nakuha ko ’yong role,” pagpapatuloy ng aktor. 

At kamukha ko daw si Jin Goo,” natatawang dagdag niya. “Kaya kung may pasasalamatan po talaga ako, ’yong aking kapatid sa Korea talaga. Hahaha! S’ya po ang dahilan n’yan.

Naging humble naman ang StarStruck Season 5 graduate at sinabing wala pa s’ya sa level ng mga co-nominees n’ya sa Best Supporting Actor category ng paparating na 34th Star Awards for TV. Kabilang dito ang mga beteranong aktor na sina Gabby Eigenmann (Bilangin Ang Bituin Sa Langit/GMA-7), Gardo Versoza (Sandugo/ABS-CBN 2), Jaime Fabregas (FPJ's Ang Probinsyano/ABS-CBN 2), Joel Torre (Starla/ABS-CBN 2), Michael de Mesa (FPJ's Ang Probinsyano/ABS-CBN 2) at Roderick Paulate (One of the Baes/GMA-7).

“Honestly, ang nasa isip ko talaga ay wala po ako sa kanilang level,” mapagpakumbabang sabi ni Rocco. 

“The nomination itself is already an award para sa akin at malaki ang maitutulong n’yan sa magagamit kong drive sa paggawa ng mas marami pang proyekto with the Kapuso network.”

Karangalan na daw para sa kanya ang mapabilang sa listahan ng mga batikang aktor na nabanggit at gagamitin n’ya daw iyon bilang motivation para paghusayan pa lalo sa mga susunod n’yang projects. 

“It’s beautiful to know na, ‘Wow! Sa tingin nila kaya ko mapasama sa catergory na ’yon.’ So it’s very motivating,” aniya. 

Nakakakaba s’yempre na makita ang mga pangalan na ’yon kasi mabibigat na pangalan ’yong mga [makakalaban ko] and it’s actually an honor. 

"Whatever the result may be, ako ay masayang-masaya na naisama ako doon kaya thank you,” pagtatapos ni Rocco.

Samantala, makakasama naman ni Rocco sa upcoming primetime series na To Have And To Hold sina Carla Abellana at Max Collins, Ina Feleo, Luis Hontiveros, Athena Madrid, and more na mapapanood na simula sa Lunes, September 27 sa GMA Telebabad.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.