Poging anak ni Jodi, ayaw mag-artista

PHOTOS: Anna Pingol & @jodistamaria

PHOTOS: Anna Pingol & @jodistamaria

Dalawang beses daw nabigyan ng X rating ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang commercial trailer ng first horror film ng Black Sheep Productions na Clarita na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria dahil “too intense” daw ito at ang scare factor ay “too high” para sa mga batang manonood. Kaya sanitized version pa raw ng trailer, or under PG (parental guidance) rating ang nakikita ng mga tao sa TV. 

Pero gumagawa naman daw ang Black Sheep ng red-flag or uncut version na mapapanood sa official Facebook page ng Black Sheep Productions in the coming days.

Dahil dito, tila nanganganib na mabigyan ng R-16 na classification ang pelikulang ito ni Jodi, kung saan ginagampanan niya ang troubled true-to-life character ni Clarita Villanueva na sinasapian diumano ng demonyo. Naging sensationalized in the 50’s ang istoryang ito and considered the first recorded demonic possession case sa Pilipinas.

At pag nagkataon, baka hindi payagang makapanood ang unico hijo niyang si Thirdy Lacson, anak niya sa estranged husband na si Pampi Lacson.

Magfo-fourteen years old palang kasi si Thirdy at ayon sa guidelines ng MTRCB, ang R-16 is a classification that “advises parents and supervising adults that the film may contain any of the following: themes, language, violence, nudity, sex, horror, and drugs that may not be suitable for children below sixteen (16) years of age.”

“Wala pang rating,” sabi sa amin ni Jodi sa media conference ng Clarita kamakailan. “Pero nakapanood naman na si Thirdy ng mga ibang horror films.”

Pero ayon sa tsika ni Jodi, natakot nga rin daw ang anak nang mapanood nito ang trailer.

“No’ng pinakita ko sa kanya ’yong trailer, no joke… ’yong pinapakita ngayon sa digital [platforms], ’yong may lumabas ’yong face ni Direk Ricky Davao, naibato niya talaga ’yong phone…gano’n siya natakot. And then I will always tell him, ‘Babe, it’s going to be okay because it’s just mama playing this role.’ Sabi niya, ‘Pero mama, hindi talaga, e, nakakatakot siya talaga.’”

Pero kung mapapayagan daw ang anak na panoorin ang Clarita ay kukumbinsihin niya itong manood.

“I think dahil mahal niya ko, mas mananaig ’yong pagmamahal kesa sa takot. Papanoorin niya ’yong pelikula,” natatawang pahabol ni Jodi.

Napapag-usapan na rin lang ang guwapong teenager niya, tinanong namin si Jodi kung hindi ba niya nakikitaan ng hilig sa pag-arte si Thirdy gaya ng ibang showbiz kids na sumusubok sa acting.

“Ngayon kasi more inclined siya sa sports,” hayag ni Jodi.  “Varsity [member] siya ng basketball team ng school nila. So, nandoon siya...he still appreciates naman showbusiness pero parang hindi ko siya nakikitaan na gusto niya maging artista.”

Meanwhile, Clarita is slated for an Independence Day (June 12) showing. It’s directed by awared-winnisng documentarist Derick Cabrido, na siya ring nag-direk ng documentary about it para sa Kapuso Mo, Jessica Soho in 2016.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jodi, achiever on and off-cam!

Sharon, lagi daw may baong pangontra-demonyo

Tom Rodriguez shares allegedly being “possessed” on set

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.