Pokwang sa mga kumukuwestiyon sa kanyang loyalty: “Sana unawain din po ninyo, nanay po ako. Marami pong umaasa sa akin.”

PHOTOS: @itspokwang27 on Instagram

PHOTOS: @itspokwang27 on Instagram

May sagot si Pokwang sa mga fans na kumukuwestiyon sa kanyang loyalty ngayong isa na s’yang ganap na Kapuso. 

Sa napakahabang panahon kasi ng kanyang pagiging active sa showbiz ay nakilalang Kapamilya ang komedyana. Dahil nga sa network war ng mga fans, palaging may artistang naba-bash kapag lumilipat sila estasyon. 

At hindi nakaligtas si Pokwang doon lalo na’t nitong June 18 lang ay opisyal na s’yang pumirma ng kontrata sa GMA Network.

Sa kanyang pagbisita sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) na ipinalabas noong June 20, natanong ng co-host na si Tekla si Pokwang kung ano ang masasabi n’ya sa mga fans na kumukwestiyon sa kanyang loyalty sa paglipat n’ya ng TV network. 

Hindi ko naman sila masisisi,” sagot ng comedienne-TV host. “Tayo naman may kanya-kanya tayong paniniwala at pananaw sa buhay.

Hindi naman daw nawawala sa kanya ang pagtanaw ng utang na loob sa dati n’yang network na nagbigay ng maraming opportunity sa kanya. 

Pero kasi ang pananaw ko po sa buhay ko is ‘yong utang na loob hindi mawawala,” pahayag ni Pokwang. “Habangbuhay nandoon ‘yon. Kahit saan ako nanggaling, kahit sino ka, kung sino man ‘yong ano, hindi mawawala, at hindi dapat inaalis ‘yon sa puso mo.

Paliwanag pa ng celebrity mom, kailangan n’yang suportahan ang kanyang pamilya kaya s’ya nagpasya na lumipat. At present kasi ay wala ng prangkisa ang pinanggalingan n’yang ABS-CBN kaya walang maibigay na trahabo ang nasabing network ibang mga talents nito gaya n’ya. Also, panahon ngayon ng pandemya.

Pero tandaan po natin na 'yung pamilya po natin, sila po 'yung dahilan kung bakit po tayo patuloy na lumalaban sa kabila ng mga nangyayaring ito,” lahad pa n’ya sa show. “Kung ‘yong Hollywood [film industry] nadagukan ‘yan, e, ang laki-laki n ‘yan, e. Tayo pa kaya na hindi pa tayo ganu’n kaano.

Kaya naman hiling n’ya na sana ay maintindihan ng mga fans ang kanyang sitwasyon lalo pa’t may pamilya s’yang binubuhay. 

Naiintindihan ko, nauunawaan ko 'yan [sentiments nila]. Pero sana unawain din po ninyo, nanay po ako,” saad n’ya. “Marami pong umaasa sa akin, marami rin pong umaasa sa akin, marami rin po akong gustong matulungan pa.” 

Natanong naman s’ya ng isa pang host sa show na si Boobay sa ginawa n’yang pagkatok sa mga pader. May mga nakakita daw kasi sa kanya na kumakatok sa pader ng GMA-7 na parang katulad sa kaugalian ng ilan na “knock on wood.”

Ano ‘yon, [to] give respect,” paliwagag ni Pokwang. “S’yempre, hindi ka naman galing sa tahanan na ‘to, bago ka sa tahanan na ‘to… Respeto. Parang ganu’n.

Isa pa sa naitanong sa kanya ay ang pag-iyak n’ya pagkapasok sa studio ng TBATS.

‘Yong iyak ko sa dressing room is na-overwhelm ako. Tears of joy ‘yon kasi ang daming nawalan ng trabaho. Pero tayo nandito, may hanapbuhay tayo, ‘di ba? Patuloy natin masusuportahan ang pamilya natin. I’m very, very thankful and so grateful,” nadamdaming sagot ni Pokwang. 

Dagdag p n’ya, “Sabi ko, this is the first dressing room na pumasok ako bilang Pokwang na tinanggap sa network na ‘to. Sobrang nagpapasalamat ako.

Siguro ‘yong iyak ko na ‘yon... Salamat sa nakaraan, salamat sa ngayon. Kung anong meron ngayon nagpapasalamat din ako,” pagtatapos ni Pokwang.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Pokwang signs up with the GMA Artist Center

Sa kumukuwestiyon kung bakit inuuna pa niyang tulungan ang ibang lahi gaya ni Miss Myanmar, sagot ni Pokwang: “...hindi ko na iisa-isahin ‘yon [mga tulong ko sa Filipino].”

Pokwang, inalok ang tahanan kay Miss Universe Myanmar Ma Thuzar Wint Lwin dahil sa balitang aarestuhin ito kapag umuwi sa kanyang bansa

Pika's Pick: Pokwang and daughter Malia visit future summer home in Bataan

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.