Political rivals sa pagka-mayor ng Maynila noon na sina Isko Moreno at Erap Estrada, nagkaayos?

PHOTO: @iskomorenodomagoso on Facebook

PHOTO: @iskomorenodomagoso on Facebook

Tila burado na ang sigalot sa pagitan ng kapwa actors-turned-politicians na sina incumbent Manila Mayor Isko Moreno at ang dating alkalde ng lungsod na si Joseph “Erap” Estrada

Base ‘yan sa photo na in-upload ni Mayor Isko sa kanyang Facebook page last Febuary 20 na kinunan sa isang kasalan kung saan pareho silang imbitado ni former Manila Mayor.

Sa nasabing larawan kasi makikitang all smiles at magka-handshake pa ang dalawa.

“Akin pong ikinagalak nang sa isang kasalan ay muli kong nakatagpo ang dating alkalde ng Maynila, si dating pangulong Joseph 'Erap' Estrada,” pahayag ni Mayor Isko sa kanyang FB post. 

Ayon pa sa kanya, nagkumustahan daw sila at nalaman n’yang nasa maayos pa ring kalusugan ang dating mayor ng Maynila at dating pangulo ng bansa. 

“Kinumusta ko po siya, at kinumusta rin niya po ako,” pagpapatuloy ng incumbent mayor ng Maynila. 

“Ako po ay nagalak sa kanyang mabuting kalusugan lalo na sa panahong ito ng pandemya. Yan din naman po ang panalangin ko para sa lahat ng mga Batang Maynila at mga Pilipino, ang manatiling ligtas sa pandemya at anumang karamdaman lalo na sa panahong ito. 

“Kay dating Pangulong Erap, God bless you po. Stay healthy and safe,” pagatatapos ni Mayor Isko sa kanyang post. 

 

Akin pong ikinagalak nang sa isang kasalan ay muli kong nakatagpo ang dating alkalde ng Maynila, si dating pangulong...

Posted by Isko Moreno Domagoso on Saturday, February 20, 2021

Matatandaan na naging running mate sina Erap at Isko na nanalong mayor at vice mayor ng Maynila way back in 2013.

Muling kumandidato sa pagka-mayor si Estrada at nanalo noong 2016 habang bigo naman si Moreno sa senatorial race. 

However, in 2019, nagkatunggali sina Erap at Isko sa pagka-mayor ng Maynila. Dito, nagkabatuhan sila ng mga tirada at akusasyon sa isa’t isa na nagpatuloy hanggang sa maupo sa p’westo si Moreno.

Ayon kay Isko, hindi umano napamahalaan ni Erap nang tama ang lungsod. Buwelta naman ni Erap, “anti-poor” daw ang ginagawang paglilinis ni Isko ng mga illegal vendors sa mga bangketa sa Maynila. 

Humupa lang ang tensyon sa pagitan nila nang magsimulang tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

At sa litratong in-upload ni Mayor Isko, tila in good terms na sila ni former Mayor Erap.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Daddie Wowie Roxas, touched sa pag dating ng alagang si Mayor Isko Moreno sa birthday dinner niya!

Pika's Pick: Mayor Isko Moreno signs an ordinance that appropriates P200M budget for COVID-19 vaccines once they become available; promises free vaccines for all Manileños

Senators Bong Revilla, Tito Sotto, at Ping Lacson, umalma sa mga sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno

Mayor Isko Moreno, hinamon ang mga senador na i-donate ang sweldo sa tao

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.