Pops Fernandez sa pag-uugnay sa kanya kay Derek Ramsay: "Hindi po totoo....We don't talk to each other. We don't really text each other."

PHOTOS: @popsfernamndezoffial & @andrekfighters_worldwide

PHOTOS: @popsfernamndezoffial & @andrekfighters_worldwide

Tinuldukan na ni Concert Queen Pops Fernandez ang issue ng pagkakadawit n'ya sa hiwalayang Derek Ramsay at Andrea Torres

Matatandaang lumutang ang issue ng third party sa break up ng AnDrek [coined names nina Andrea at Derek] at si Pops nga itinuturo ng ilang Netizens. 

Sinasabing nag-ugat ito sa simpleng birthday greetings ni Pops for Derek's mom na idinaan n'ya sa comment section ng Instagram post ng aktor on November 19.

On that same day, kinumpirma ni Derek—sa isang fan na direktang nagtanong sa Instagram—na hiwalay na sila ng sexy Kapuso actress. However, nilinaw n'yang walang third party. 

Pero hindi nagpa-awat at ilang netizens at pilit ini-uugnay si Pops sa dashing Kapuso actor. 

Kahit itinanggi na ni Derek ang issue ng third party ay nanatiling silent lang si Pipay [nickname ni Pops].

At sa virtual media conference kahapon, December 16, para sa upcoming new show ni Pops with her former husband na si Martin Nievera—ang  “eXes & whYs with Pops and Martin” na mapapanood sa Cignal—ay tinuldukan na ng singer-actress ang pagli-link sa kanya kay Derek nang matanong s'ya tungkol dito.

"It's okay to ask about it because it's absolutely not true," pahayag ni Pops sa press. "I just don't wanna talk about it because I felt... Derek and Andrea are not really talking about it. Ang weird naman na ako 'yong magsasasalita, right?"

Wala daw s'yang idea kung paano ba ito nag-umpisa at kumalat sa social media.
 
"Anyway, hindi po s'ya totoo," muling pagtanggi ni Pops. "How it started? Hindi ko rin po alam. Basta all of a sudden, ang dami-dami na lang lumabas at hindi ko alam na ang dami-dami na palang usap-usapan. 

"As a matter of fact, ang dami-dami ko pang nakukuhang messages from some of my friends in the US and in Europe. Tinatanong nga po nila kung totoo. Hindi po totoo. How it started again? I don't know."

Nakakalungkot lang daw na tila pinaniniwalaan ito ng publiko kahit wala namang katotohanan, sey pa n'ya sa press.

"But unfortunately, ang masakit nu'n is ang dali palang maniwala ng mga tao ngayon," malungkot pero natatawang saad ni Pops. "I mean, once it's posted, I think on YouTube, sunod-sunod na. Parang nobody really bothered to find out the truth about it so, hindi po totoo."

Sakaling nakikita man daw sila ng aktor ay lagi itong work-related dahil nga iisa ang manager nila na si Jojie Dingcong. Bukod pa doon, kasama naman daw palagi ni Derek si Andrea sa mga panahong nagkikita sila by happenstance.

"Wala po ako masabi na iba about it because I don't know how it started," pagpapatuloy pa ng OPM icon. 

"We never really... I can count the times that I have seen Derek and during those times we were also with Andrea. And after that, hindi na po. We don't talk to each other. We don't really text each other."

Kung may nakikita man daw s'yang rason ng pag-uunay sa kanya kay Derek, ito marahil ang pagiging malapit n'ya sa mother nito na si Mommy Remedios.

"Siguro kasi nagkikita kami ng mommy ni Derek. But for another reason and another purpose. Other than that, not at all," pagtatapos ni Pops.

Anyway, ang “eXes & whYs with Pops and Martin” ay mapapanood na simula December 19 sa Cignal.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Andrea Torres, dinagsa ng trabaho; tuloy din daw ang pagsi-celebrate niya ng Pasko

Ciara Sotto dedicates 40th birthday tribute to her idols — her Ate Sharon (Cuneta) and Ate Pops (Fernandez)

Kasalang AnDrek (Andrea Torres at Derek Ramsay), career contract na lang ang humahadlang; say ni Derek: “My plans is once my contract is over, that's when I... Alam mo na.”

Andrea Torres, nilinaw na hindi sila nagli-live in ng bf na si Derek Ramsay

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.