Post ni Jean Garcia, sagot ba sa declaration of love post ni Alwyn Uytingco para kay Jennica Garcia?

Alwyn’s IG caption reads: “Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco”

Photos: @chic2garcia, @alwynzky

Alwyn’s IG caption reads: “Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco”

Tila naging palaisipan ang Instagram post ni Alwyn Uytingco ngayong araw, June 12, kung saan makikita ang larawan ng kanyang estranged wife na si Jennica Garcia na may hawak na bulaklak.

Hindi malinaw kung ang larawan ba na ’yon ay bago at nai-post in real time? Kung indikasyon ba yon na nagkita sila? O kung magkasama ba sila at the time of the posting?

Kung matatandaan, noong nakaraang buwan, May 2021 ay kinumpirma na ni Jennica sa naging interview niya sa GMANetwork.com na hiwalay na nga sila ni Alwyn.

Nasundan pa ito ng pagbebenta ng mga gamit ni Jennica online at ng planong paglipat na nito ng bahay kasama ang dalawang anak nilang babae na sina Mori at Alessi.

Sa caption ni Alwyn, nagpahayag ito kung gaano niya kamahal ang ina ng mga anak at sana raw ay wag itong kalilimutan ni Jennica.

Narito ang IG caption ni Alwyn:

“Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco

Dahil sa post na ito ni Alwyn, ilang kapwa nila artista ang nag-like at nag-comment ng heart at prayer emojis tulad nina Jerald Napoles, Jason Abalos, EA Guzman, Say Alonzo, Empoy Marquez, at maging si Doc Hayden Kho.

Mga tatlong oras matapos na mag-post ni Alwyn ay nag-post naman ang kanyang mother-in-law, ang actress at ina ni Jennica na si Jean Garcia, sa kanyang Instagram na hinakla ng Netizens ay patukoy kay Alwyn.

Ipinost nito ang quote o message na: “You can love someone with all your heart.  But if they’re not going to be a good person for you, in your life, then it’s time to just say goodbye.” 

At kasunod noon ay ang caption na: “Just saying…” kasama ng yellow heart emoji, sunflower at letter X. 

Pero sa isang banda, pansin naman na halos karamihan ng IG post niya ay tila may signature na yellow heart symbol, sunflower, at x.

Komento kasi ng isang netizen sa kanyang IG feed (published as is): “sunflower un hawak ni jennica sa post ni alwyn… and this post is an answered message i think sa message sa post.”

Posible rin naman na nagkataon lang ang magkasunod na post nila ni Alwyn kaya mas nabibigyan ng kulay ang post ni Jean. Kung mapapansin kasi, simula nang mabalita ang hiwalayan nina Jennica at Alwyn, never pang nagbigay ng anumang pahayag si Jean tungkol dito.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jennica Garcia, nililinaw na hindi financial problem ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Alwyn Uytingco; aniya, “Our savings was never an issue.”

Jennica Garcia, naiyak sa pagla-live selling ng mga gamit nila ng estranged husband na si Alwyn Uytingco

Robin Padilla sa pagkaka-link kay Mocha Uson: “Kami pong dalawa hindi naman po kami siguro gagawa ng bagay na magbibigay kahihiyaan sa mahal na Pangulo.”

Gary Valenciano pens heartwarming birthday message for son Gab

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.